Roulette #46

538 12 3
                                    

Chapter 46 

(Ambush)


Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at sumalubong sa akin ang liwanag na nagmumula sa bintana. Agad nanuot sa akin ang sarap ng pakiramdam, lalo na nang maalala ang nangyari kagabi.


Hindi ko mapigil ang aking pagngisi habang inaalala ang bawat tagpo ng surpresang inihanda nila.


Babangon sana ako nang mapansin ko ang brasong nakakawit sa akin. Mas lumapad ang ngisi ko dahil doon.


Sabi na eh, pupuslit na naman sa kwarto ko ang isang 'to. Mas lalo pa man din siyang hindi papaawat dahil sinagot ko na kagabi.


Maingat kong hinawakan ang braso niya at unti-unting inalis sa pagkakayakap sa akin. Nang matanggal ko na, umupo ako sa kama at tiningnan siya. Ang peaceful na naman niyang tingnan habang natutulog.


Sana talaga, lagi na lang ganito.


Lumapit ako sa kanya at tsaka hinalikan ang kanyang mga labi.


"Good morning," I whispered, although he can't hear it.


Muli akong ngumisi habang pinagmamasdan pa siya ng ilang sandali. Nang magsawa, tumayo na ako at dumiretso sa banyo upang makaligo.


Mabilis lamang akong nakaligo at nagbihis. Naisipan ko kasing ipagluto siya ngayon kaya agad din akong bumaba sa kusina.


Kahit maaga pa lang, naabutan ko na sina chef doon na abala na. Nilingon niya ako at nginisian.


"Good morning, nay," I greeted.


"Good morning, nak."


"Can I cook, too?" Nakangiting tanong ko. "I want to prepare my boyfriend's breakfast."


Nanlaki ang mga mata niya. "You finally said yes to him?"


Masaya akong tumango. Nagulat naman akong bahagya nang yumakap siya sa akin.


"I'm happy for both of you!"


"Aww. Thank you, nay."


Nang humiwalay siya, hindi mawala ang napakalaking ngiti niya.


"Your 'yes' is a big deal to him. I want you to know that."


"I bet it is," natawa kami. "So, nay, can you let me cook then?"


"It depends if it'll taste good," asar niya.


"Oh, come on, nay. It's not like you don't know how good of a cook I am!"


Tumawa siya. "I know. I was just teasing you. Alright then, go on and cook for your husband... I mean, boyfriend."

Russian Roulette (Book 1 of RR Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon