Roulette #24

773 16 3
                                    

Chapter 24 

(Friends)


Four days. Four days na siyang hindi umuuwi sa sarili niyang bahay matapos ang nasaksihan ko. Wala akong ideya kung ano ang nangyayari sa kanya. Ang mga tauhan naman niya ay nakikita ko dito pero palaging iwas ang mga ito kapag aamba na akong lalapit at magtatanong tungkol sa boss nila. Ang nakakainis pa ay pati si Alek naging mailap din sa akin sa four days na iyon!


I have to admit that I'm worried about him. I know this is getting serious by the second and his life is at stake for god's sake! 


And now I have to sit on this effing table alone while I cannot even focus my mind on my food. It is flying very far away.


Nanatili akong nakatulala sa pag-iisip nang tawagin ni Rob ang pansin ko. Medyo wala sa sarili ko siyang nilingon.


"Ah, Miss, you stayed here for an hour already... but your food is not yet touched," komento niya.


Ipinukol ko naman ang tingin ko sa breakfast kong malamig na dahil nga gaya ng sinabi niya ay isang oras na akong nag-iisip isip dito. Ni hindi ko man namalayan na ganoon na kalala ang pag-iisip ko.


Binalingan ko siya ng tingin.


"I'm sorry, I was lost in my thoughts," hilaw na ngiti ang iginawad ko. "By the way, is your... boss here yet?"


Nailang pa akong itanong iyon.


Marahan siyang umiling at ginawaran rin ako ng mahinang ngiti.


"Did he not... I mean..." natigilan ako saglit. "He did not say when he'll be back?"


"No, Miss. I'm sorry," he gave me an apologetic look.


Napabuntong-hininga ako at tsaka na lamang tumango sa kanya. Kinuha ko na ang kutsara sa wakas matapos ang isang oras na pagka-tengga ng pagkain ko.


Sinubukan kong kainin ng maayos ang nakahain sa akin. Mabuti na lamang ay napilit ko ang sarili kong kainin iyon kahit pa bothered ako. Hindi pa man din ako nakakakain ng maayos kapag bothered.


Parang ganito rin ang naramdaman ko noong mga ilang araw ang lumipas nang umalis si kuya. Lagi akong bothered at wala sa sarili dahil sa kung anu-ano ang iniisip.


Malalim na hininga ang pinakawalan ko nang mapagtantong parang nag-oover react na ata ako.


Sino ba ako para mag-alala ng ganito para sa kanya? Doctor lang naman niya ako ah. At isa pa napagdaanan na niya ito ng maraming beses bago pa ako pumasok sa buhay niya kaya ano ang ine-emote emote ko ngayon? Kahit ang sarili ko ay hindi ko na maintindihan.


I am so full of myself thinking that I can save him from his miseries, but I think that's not the case...


Pumangalumbaba ako sa mesa sa pag-iisip na wala akong karapatang mag-alala para sa kanya. Kaya niya na ang sarili niya. Nandito lang naman ako para umalalay at sa oras na maging ayos na siya ay... aalis na rin ako.

Russian Roulette (Book 1 of RR Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon