Roulette #50

524 9 1
                                    

WARNING: this chapter contains a violent scene

---

Chapter 50 

(Past: Part 1)


"What time is the party again?" Tanong ni Stefan sa kinakapatid na si Vladimir.


Nilingon siya ni Vladimir mula sa pagtuon ng atensyon nito sa kanilang mga tauhan na may kanya kanyang ginagawa. Kasalukuyan silang nasa loob ng kanilang nagsisilbing pangunahing quarter sa Moscow.


"Tomorrow at 6 PM. Make sure not to be late," unti unti namang sumilay ang ngiti sa mga labi nito. "And, I'm expecting you'll bring me a surprise?"


Kumunot ang noo ni Stefan at pinilig ang ulo sa pagtataka. "Surprise?"


Tumango si Vladimir. "Hmm," nasisiyahang tugon nito. "I don't know with you... but, maybe a son and a wife, hmm?"


Mas lalong kumunot ang noo niya ngunit kalauna'y natawa siya.


"Where did you get what you're saying?"


"Oh, don't deny it. I saw you with a kid last time," natigilan si Stefan ngunit hindi niya pinahalata ang pagkagulat. "You did not bother to tell your own brother about your son, huh?"


Hindi niya nagawang lumingon kay Vladimir. Nanatili lamang ang kanyang tingin sa mga tauhang nasa ibaba.


"You saw?" Seryoso ang kanyang boses.


"Yes. He's the same age as my sons, isn't he?" Tuwang tuwa pa ring sagot ni Vladimir. "So, I expect you to bring him and your wife tomorrow."


Tipid lamang siyang ngumiti rito at tumango ng bahagya. Tinapik siya ni Vladimir sa balikat bago ito tumalikod at naglakad paalis.


Habang papalayo ang bulto ng kinakapatid, hindi maalis ni Stefan ang kanyang masamang titig sa likuran nito. Hindi niya inaasahang nalaman nito na may anak siya.


Nakatingin pa rin siya ng masama sa dinaanan ni Vladimir kahit na wala na ito sa kanyang paningin nang bigla namang lumapit sa kanya ang isang nakaitim na lalaki.


"Boss, everything is set. Our men are also prepared for tomorrow's event," imporma nito.


Hindi niya nilingon ang lalaki kundi nanatili ang kanyang tingin sa dinaanan ni Vadimir. Ngunit ngayon, napalitan na ng tuwa ang galit na kanila lang ay nararamdaman.


"That's good to hear. I want everything to be perfect tomorrow," mariing saad niya. "How about the vault's key? Do you already know where it is hidden?"


"No, boss," mabilis niyang nilingon ang nakatungong tauhan. "But, we're sure that Vladimir's son has it."


"Which son?"


"I believe it's Valter, boss."

Russian Roulette (Book 1 of RR Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon