Roulette #64

420 9 0
                                    

Chapter 64 

(Ivanov)


Matapos makuha nina Malekeith ang pahintulot mula sa kanilang superior na lumabas ng bansa para sa kanilang misyon ay agad silang nagtungo sa isa pang mansyon ni Clade. Mahaba at madugong pag-uusap ang naganap bago niya napapayag ang mga nakatataas sa kanila. Kinailangan niyang kumbinsihin ang mga ito na sigurado siyang tunay na kakampi ang grupo ni Clade.


Pinayagan din silang magdala ng maraming kasamahan dahil sa kaseryosohan ng misyong pupuntahan nila. Tiyak na kailangan nila ng mas malaking pwersa.


Pagkarating nila roon ay nakaabang na ang grupo sa bukana ng mansyon. Napakaraming kalalakihan na nakaitim ang nasa kanilang paligid. Hindi maiwasang magtaka ng panig nina Malekeith kung saan nanggaling ang mga ito. Mas dumoble pa ang dami ng mga ito kaysa sa nakasanayan nilang bilang ng tauhan ni Clade.


"Who are these men?" Tanong niya sa seryosong si Clade. Gaya ng mga tauhan, naka purong itim rin ito. Itim na jacket, pang itaas, at pang ibaba. Pinarisan niya ito ng rubber shoes.


"My men. I've called more than half of my men in different places. We will need them for this war."


Tumango na lamang siya. "And what are we waiting for? Aren't we gonna go yet?"


"We'll wait for Nikolo, Roman, and Hector."


Tumango lamang siya ulit at pinagmasdan ng bahagya si Clade. Napakaseryoso ng mukha nito na tila ba maaari itong pumatay ng kahit na sinong magbiro sa kanya ngayon. Inobserbahan ni Malekeith ang tikas nito na mas lalong naging matuwid na tila handang handa na itong makipagpatayan. At pansin niya rin ang mas lalong nagdilim na presensya nito.


Hindi man magsalita si Clade, alam ni Malekeith na sa kaloob looban nito ay gustong gusto niyang mapatay si Stefan Kozlov dahil sa ginawang pag-kidnap nito kay Ariadne. Hindi man ipakita ni Clade ngunit batid niya na wala itong sasantuhin kapag nakitang hindi maayos ang lagay ng kapatid niya.


Sa puntong ito, unti unti nang nagbabago ang pananaw ni Malekeith sa kanya. Unti unti niyang natatanggap sa sarili na baka nga nagkamali siya ng paghusga sa tunay na pakay nito kay Ariadne. Hindi si Clade ang gumagamit kay Ariadne sa digmaan na ito kundi si Stefan Kozlov mismo.


Ilang minuto lamang ang lumipas ay nagsidatingan ang mas marami pang sasakyan na lulan ng leader ng tatlong grupo kasama ang kani kaniyang tauhan. Hindi na mabilang ang kanilang mga tauhan dahil sa pagsasanib pwersa nila. Limang grupo patungo sa naghihintay na giyera sa Russia.


"Schartner," masiglang bati ni Nikolo na nangunguna sa tatlong lider.


"You're late. Let's go now," malamig na sambit ni Clade at naunang pumasok sa backseat ng sasakyang naghihintay sa kanyang tapat.


Sumunod sila sa pagsakay sa kani kaniyang sasakyan. Hindi na rin mabilang kung ilang sasakyan ang kanilang dala dahil sa dami nilang aalis patungo sa Russia.


"Hayop talaga! Solid 'tong pinasukan natin! Hindi ko akalaing magkakasama natin ang ibang grupo sa underground na dapat tinutugis natin at mas lalong hindi ko inaasahang ganoon karami ang mga tauhan nila!"

Russian Roulette (Book 1 of RR Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon