Roulette #67

396 8 0
                                    

Chapter 67 

(Sacrifice)


Nanatiling tensyonado ang lahat dahil sa palitan ng matitinding salita ni Clade at Stefan. Dumaragdag ang kaba ko habang tumatagal. Tila kay haba ng gabing ito kahit pa gustong gusto ko nang matapos.


Ilang beses kong sinubukang lumabas mula sa pinagtataguan ko. Ngunit kailanman ay hindi ako nakatakas sa hawak ni Leo.


Halos mapahiyaw ako nang makitang tinutukan ni Stefan ng baril si Clade. Iyon ang dahilan kung bakit nagsitaasan ang mga baril ng dalawang grupo. Akala ko ay magkakaputukan na sa pagitan ng dalawa.


Ngunit may isang lalaking kasing edad ni Stefan ang lumapit sa tabi niya at binulungan siya nito. Doon huminahon ng kaunti si Stefan.


"Thank you for reminding me to calm down, Edgar," ani Stefan sa lalaki.


Bumaling siya kay Clade na wala pa ring emosyong nakatingin sa kanya. Bahagyang tumabi iyong Edgar sa gilid ni Stefan.


Pinakatitigan ko ito. Kita kong naguguluhan rin siya sa mga nangyayari. Kita kong... may simpatya siya para kay Clade ngunit bakit? Pinagkakatiwalaan ni Stefan ang Edgar na ito dahil tapat ito sa kanya.


"Until now, you still throw empty threats, kid?" Napatingin ako kay Stefan nang marinig siyang magsalita ulit.


Clade's creepy smile slowly crept into his face. "If my threats are really empty and if I'm really a kid, then why do I sense fear from you? Are you afraid of the empty threats of a kid like me?"


Dahil sa likas na kawalan ng pasensya ni Stefan ay muntik na naman itong magpaputok ng baril. Inawat lamang siya noong Edgar.


Si Clade naman ay nanatiling walang takot at tila natutuwa pa sa nakikita.


Napatingin ako kay kuya na bakas ang labis na pagkamuhi sa kanyang mukha habang titig na titig kay Stefan. I know what he's thinking. He's on the verge. He badly wants to kill Stefan right now because of our parents. Both Clade and Kuya Keith are on the verge to kill Stefan.


How can I stop them or make sure they're unhurt tonight? What can I really do in this situation? Ang tanging alam ko lang gawin ay ang balak kong isagawa maya maya lamang ngunit alam ko sa sarili ko na... wala pa rin akong silbi sa ganitong sitwasyon. Na pabigat pa rin ako sa mga taong mahal ko sa ganito.


Natutok ang mga mata ko kay Clade nang huminahon siya ng bahagya. Humakbang siya ng dalawang beses palapit kina Stefan at inilabas ang isang bagay mula sa bulsa ng kanyang itim na jacket.


Mula sa kinatatayuan ko ay kita ko ang isang gintong relo na hawak niya. Tila tinakasan naman ng kaluluwa si Stefan nang makita iyon.


"W-What the... What are you going to do?!" Stefan suddenly snapped at him.


But Clade did not back down. He continued smirking while he showcases the watch he's holding. What is that watch for?


Russian Roulette (Book 1 of RR Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon