Roulette #72

416 13 0
                                    

Chapter 72 

(Mrs. Ivanov)


Nauna akong dumating dito sa dining area para sa almusal. Ako palang mag-isa. Dahil sa nangyari noong isang gabi sa sasakyan ni Clade, tuluyan ko siyang pinagbawalan matulog sa kwarto ko. Habang tumatagal, lumalala ang pilyong side niyang iyon.


Ngayon ay hindi ko alam kung nasaan siya. Basta ako pa lamang ang narito sa dining room ngayon. Naupo na ako sa usual na upuan ko habang naghihintay sa mga tao at sa mga pagkain.


Ang alam ko rin ay darating sina Ela at Kuya Keith ngayon para daw maayos na namin ang mga gagawin bukas para sa birthday ko. Yes, bukas na nga ang birthday ko. Ang bilis ng panahon.


Mga sampung minuto akong naghintay rito habang nagce-cellphone nang dumating si kuya na halatang iritado. Natahimik ako sa asta niya. Dumiretso siya sa silyang nasa tabi ko imbes na sa kabilang kabisera.


Kinabahan ako. Masyado siyang galit. Nakasandal lang siya sa kanyang upuan habang nagpapakawala ng malalim na hininga. He's definitely trying to calm himself. Mabuti na lang at hindi siya nakatingin sa akin dahil sigurado akong nakakatakot ang kanyang mga mata ngayon.


Above all else, I don't have a freaking idea about what's happening with him!


After a while, he turned to me and spoke.


"Napakagago talaga ng Clade na iyan no?" Sarkastiko at madiin niyang sabi sa akin.


Napakurap kurap ako at natameme sa gulat. Wala akong masabi o magawa dahil talagang galit siya. Wala akong makita sa mukha niya kundi matinding galit. Ano na naman ba ito?


"Ilang beses ko nang pinagbigyan 'yong mga gusto niyang mangyari pagdating sa'yo, kahit pa nakakalalaki na siya, hinayaan ko. Hinayaan kong manduhan niya halos lahat ng concern sa'yo, ni hindi man lang niya ikinonsidera 'yong opinyon ko or ng sa'yo!"


Kumunot ang noo ko. Ano ba 'tong pinagsasabi niya? Bakit bigla bigla ay nagkakagulo sila ng ganito?


Mas lalo akong kinabahan nang maisip na tila bumabalik na naman kami sa dati na ayaw ni kuya kay Clade para sa akin. Ganito na naman ba ito? This time ba ay tuluyan na kaming magkakahiwalay ni Clade? My goodness!


"Ano bang nangyari?" Tanong ko sa kalmadong paraan kahit pa labis ang kaba ko.


Marahas siyang nagbuga ng hininga bago ako sinagot. Nanatili ang talim ng tingin niya.


"Ang sabi ba naman niya sa amin ni Michaela ay gusto niyang sa Russia gawin ang birthday mo. Hind siya baliw?! Pagkatapos, noong tumutol kami ni Michaela ay siya pang galit. Ayon nga at iniwan ko sila sa labas dahil muntikan na kaming magkasuntukan ng gunggong na iyon!"


"Teka..." napaharap ako sa gawi niya. Nababalisa na ako ngayon. "Anong sa Russia?"


"Aba malay ko! Basta nalang niyang napagdesisyonang sa Russia daw gagawin ang birthday mo at lahat ay handa na at planado kaya wala na daw kaming magagawa. Sa ayaw at sa gusto daw namin ay lilipad tayo bukas sa Russia."

Russian Roulette (Book 1 of RR Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon