Roulette #52

440 12 0
                                    

Chapter 52 

(Shoot)


"Is everybody dead?" Tanong ni Stefan habang sinusuri ang bawat katawan na nakahandusay sa sahig at nababalot ng dugo.


"Yes, boss."


"Good. We should leave now. Let all these bodies rot in here."


Nauna siyang maglakad palabas kasunod ang mga tauhan. Kaagad niyang nasilayan si Mr. Turgenev sa labas ng mansyon kasama ng mga nakapalibot na tauhan. Nakamasid ito sa mga nasa dalawampung tauhan ni Vladimir na natirang buhay. Lahat ng mga ito ay nakaluhod sa harapan ng matanda at nakayuko ang mga ulo.


Sinadya nilang ihiwalay ang mga ito nang sumiklab ang gulo sa loob sa kadahilanang, kakailanganin nila ang mga ito ng buhay. Kailangan nilang makuha ang tiwala ng mga ito upang tuluyang mapasa kanya ang organisasyon. Sila ang magpapatibay sa pag-angkin ni Stefan sa posisyon.


"Mr. Turgenev," tinapik niya ang balikat nito na siyang ikinalingon ng matanda.


"Oh, Stefan," ngumisi ito sa kanya. "Are you already done inside?"


Tumango siya at sumilay rin ang ngisi sa kanyang mga labi. "All dead. No one's left breathing."


Humalakhak ang kausap. "That's good. Very good."


"Indeed."


Napabaling siya sa mga kalalakihang nakaluhod sa kanilang harapan. Lahat ito'y nanatiling nakayuko bukod sa isang lalaking minsa'y naging malapit sa kanya. Direkto itong nakatingin ng masama sa kanyang mga mata.


"What is it, Bernard?"


Mas tumalim ang mga mata nito.


"Fuck you, Stefan!" Galit itong dumura sa mismong harapan niya. "You will pay for what you have done today as long as you live. The past will haunt you until you draw your last breath. And I swear to you, there is never a sin that's left unpaid!"


Nanatili lamang siyang tahimik at nakamasid sa nanggagalaiting itsura ni Bernard. Humugot siya ng malalim na hininga bago humakbang ng ilang beses. Iniluhod niya ang isang binti at ibinaba ang katawan upang magpantay ang mukha nilang dalawa.


"You think so?" Nanunuyang aniya. "Well, if that is true, Bernard, then I should probably enjoy every last bit of Vladimir's organization and maybe even his wealth before what you are saying happens. What do you think?"


Nang-iinsulto itong tumawa habang titig na titig sa kanyang mga mata.


"Do whatever you want, Stefan. But, always remember to keep your guard up because one wrong move and you'll lose everything... you stole."


"Oh, so you're telling me that the rightful owner of the things I stole will haunt me and get them back?"


Russian Roulette (Book 1 of RR Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon