Roulette #43

562 12 0
                                    

Chapter 43 

(Pictures)


Nang magising ako, wala na si Clade sa tabi ko. Agad naman akong bumangon at nagbihis para sa trabaho.


Nalaman ko na lang kay Mikhail na umalis pala siya kasama sina Alek at Rodion at may inasikasong importante. I just shrugged about that and went straight to the dining to eat breakfast.


"I'll drive you to work, miss," imporma ni Mikhail na nakasunod sa akin.


Tinanguan ko siya. "Thank you, Mikhail."


"No problem. I'll just wait for you outside."


"Wait," pigil ko sa pag-alis niya. "Aren't you gonna eat breakfast first?"


"Already done, miss. I still wanna live longer, so I decided to eat before you," he winked before he walked away.


Natawa na lang ako. Mga loko loko talaga. Kahit na ako lang mag-isa ang kakain ngayon, I still feel good and I don't even know why.


Naupo ako sa panay kong pwesto, katabi ng kabisera. 'Di rin nagtagal ay sumulpot si chef at isang assistant upang i-serve ang pagkain ko.


Nagpalitan kami ng malaking ngiti ni chef nang magtama ang tingin namin.


"Good morning to my instant daughter," bati niya na ikinatawa ko.


"Good morning, too, nay," nagtaka ako nang tatlong platter na may takip ang dala nila. Usually kasi ay dalawa lang. "What's the other platter for?"


Ngumiti siya ng nakakaloko. "Find out for yourself. Don't worry it's not peanuts," at tsaka ako iniwan.


Kumunot na lang ang noo ko. Una kong binuksan ang dalawang platter na usual nilang sini-serve sa akin. Laman noon ang main dish at dessert.


Dala ng pagtataka, binuksan ko na rin ang ikatlo. Doon bumulaga sa akin ang isang pulang rosas at isang note. Kinuha ko ang note habang may ngiting hindi mabura sa aking mga labi.


Sorry, I went out without telling you. Just didn't want to wake you. Anyway, for your good morning, please see the inserted photo...


I picked up the photo behind the letter. It is his silly face while his lips are pouted na parang hinahalikan ang camera.


Hala, naaabno na rin siya...


Just imagine that I'm kissing you right now, although I already did before I left. I'll pick you up again later. You have something new to look forward to...


From: The one you love the most, your milyj


Russian Roulette (Book 1 of RR Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon