Roulette #12

748 16 0
                                    

Chapter 12 

(Kill)


Hingal na hingal habang tumatakbo si Clade papalayo sa nakagisnang tahanan upang makawala sa mga masasamang tao na humahabol sa kanya. Nilingon niya ang kanyang likuran at nakitang malayo-layo na siya sa mga ito.


Habang tumatakbo ng mabilis sa makapal na nyebeng natatapakan ay nanatili ang tingin sa kanyang likuran nang mabangga siya sa kung ano sa kanyang harapan.


Sinakal siya ng lalaking puno ng mga bagay na nakatusok sa iba't-ibang bahagi ng kanyang mukha. Pagkatapos ay hinawakan siya sa kwelyo at marahas na kinaladkad upang ibalik sa tinakasang bahay.


Nang maibalik siya sa loob ng mala-kastilyong disenyo ng mansyon ay itinapon siya sa tabi ng tsimenea na may nagbabagang apoy.


"Run away again and I'll kill you first," nakakatakot na banta ng lalaki. 


Tumungo na lamang siya at hinayaang lumandas ang kanyang mga luha mula sa kanyang namumungay na mga mata. Hindi niya alam kung ano ang iniiyakan niya. Ito ba ay dahil sa takot o galit o kawalan ng pag-asa?


Bumalik siya sa realidad nang marinig na naman ang nagpupumiglas na sigaw ng isang batang lalaki na katulad niya. Pinaghahampas nito ang kamay ng lalaking kumakaladkad rito patungo sa kinaroroonan niyang tsimenea.


Marahas ding itinapon ang batang lalaki sa kanyang tabi.


"Valter..." mahinang bulong ni Clade.


Nilingon siya ng bata na puno ng galit ang mukha. Nang magtama ang mga mata nila ay nalusaw ang galit na ipinapakita nito. Nginitian siya ni Valter at hinawakan ang nanginginig na kamay.


"It's okay, Clade. We'll be fine," pagtitiyak nito. 


Napabaling muli sila sa mga kalalakihan. Nagtatawanan ang mga ito habang nakatingin sa kanila. Nilalaro-laro rin nila ang mga baril na para bang pinaparating sa kanila na kayang-kaya silang patayin ng mga ito na parang mga langgam lamang.


"That's right. Just protect each other before both of you die. But if you won't stop escaping, we will burn you to death," nakangiting saad ng lalaking nangunguna sa kanila at itinuro ang tsimenea. 


Masamang tingin ang ipinukol ni Valter sa mga ito habang siya ay walang emosyong lumuluha at nakatitig kay Valter. Namamangha siya sa katapangang pinapakita nito ngayon na siya mismo ay hindi kaya.


"You are just a bunch of cowards who are taking advantage on kids like us," matapang na saad ni Valter. 


Nanlaki ang mga mata ni Clade dahil sa sinabi nito. Lumapit siya rito at hinawakan ang kamay upang patigilin sa iba pang sasabihin.


"No, Valter," pigil niya.


Nilingon siya ng may ngiti ni Valter. "It's okay."

Russian Roulette (Book 1 of RR Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon