Roulette #10

933 18 0
                                    

Chapter 10

(Boyfriend)


Russia, 1991


"That's all for now. You may leave," saad ng lider ng grupo na nagmamay-ari ng napaka-importanteng gintong relo. 


Nagsilabasan ang mga tauhan niyang pawang naka-itim sa silid na kinaroroonan niya. Tinuon niya ang atensyon sa mga litratong ibinigay sa kanya ng mga tauhan nang may kumatok na naman sa pinto.


Nag-angat siya ng tingin sa kapapasok lang na lalaking nagmamay-ari ng gintong kadenang kwintas. May malapad na ngisi ito sa kanyang mukha hanggang sa makaupo ito sa upuang nasa harapan ng mesa niya.


"Vladimir, don't you think it's time for a relaxation?" Naka-ngising saad nito. 


"I can't, Stefan. If I lower my guard, these bastards will stab me in the back," seryosong saad niya habang iniisa-isa ang mga litrato. 


"Well, you can always trust me with those bastards. What do you think?" Mungkahi ni Stefan. 


Umiling si Vladimir na determinadong harapin ang problema ng grupo nila bilang pinuno nito. "No, it's my responsibility to protect our group," patuloy niya. 


Sumama ang tingin ni Stefan sa abalang si Vladimir. Iniisip nito kung bakit ayaw siyang pagkatiwalaan ni Vladimir pagdating sa pag-aasikaso sa kanilang mga kalaban.


"You still don't trust me?" Pabirong tanong nito ngunit sa kaloob-looban ay nagngingitngit na sa galit. 


"It's not like that, Stef. You are like a brother to me, so I trust you. I just want to take care of this matter on my own," nakangiting saad ni Vladimir. 


Tumango na lamang si Stefan upang iwasan ang tensyon sa pagitan nila. Nabaling ang tingin nito sa gintong relo na suot ni Vladimir.


"What does that watch really signify?" Usisa nito. 


"This serves as the identity of the leader of our group and in order to wear it, you have to be from our bloodline. And yours which is a golden necklace signifies the second leader of our group. Your descendants will also wear it after you," paliwanag ni Vladimir.


Pinakatitigan ni Stefan ang naturang relo, nagtataka kung ano ang mayroon rito. Doon niya napansin ang kakaibang disenyo nito. Imbes na dalawang kamay ng orasan at mga numero ang nasa loob ay tila mga codes ang narito. Napansin rin niya ang tila mga nakakubling camera sa gilid nito.


"Well, what does it have?" Patuloy na panunuri ni Stefan.


"Important information that only the leader should know," sambit ni Vladimir habang mariing nakatitig sa kanya.


Nakipagtitigan din siya rito ng ilang sandali bago ngumisi at tumango. "The next leader must be well-prepared before taking over your position then?"

Russian Roulette (Book 1 of RR Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon