Roulette #27

643 14 1
                                    

Chapter 27 

(Life)


Napabalikwas ako ng gising nang bigla-bigla na lamang maingay na pumasok si Aleksandar sa aking silid. Sisigawan ko sana siya sa kawalang modo niya nang makita ko ang seryosong titig niya sa akin. Medyo nakaramdam ako ng kaba dahil doon.


"Why the hell are you barging in someone's room and then give her a serious stare? That's rude you know?" Inis kong tanong nang makaupo.


"Prepare now. I'll take you out," tanging saad niya lang at tinalikuran na ako.


"Wait! Where are we going?"


"Clade's orders. Just do as I say," tsaka ako tuluyang iniwan.


Anong order na naman ito? Sa tagal kong nag-stay dito, ngayon lang nila ako naisipang palabasin.


Napalitan ng pagiging ganado ang mood ko nang maisip na pwede ko nang makita ulit sina Aiden at Michaela. 


Maaaring hindi pa rin ako payagan ni Clade kapag direkto kong hiningi sa kanya iyon pero hahanap ako ng tiyempo mamaya para kay Alek ko nalang hingin ang pagkakataong iyon.


Mabilis akong naligo at nagbihis ng simpleng black long sleeves and v-neck jumpsuit na isa sa mga binili ni Clade noon para sa akin. Pinarisan ko ito ng white wedge sandals.


Sakto lang ang itsura ko. Hindi bongga at hindi rin naman dull. At least kahit wala akong ideya saan kami pupunta ay hindi naman ako magmumukhang cheap.


May kumatok sa pintuan kaya mabilis ko nang tinapos ang paglalagay ng pulbos at lip gloss. Baka mamaya si Aleksandar na ang kumakatok. Magdadala sana ako ng bag pero wala naman akong cp o wallet na mailalagay doon kaya huwag na lang.


Si Alek na nga ang kumatok sa pinto. Nakasimpleng green polo shirt at jeans lang siya. Seryoso niyang sinuri ang suot ko bago nagsalita.


"Ready?"


"Yep," sagot ko.


Nauna na siyang maglakad kaya sinarado ko na ang pintuan at sumunod sa kanya upang makasabay sa paglalakad. Pinalibot ko ang paningin sa paligid ng mansyon at napansin kong nadagdagan ang mga lalaking nagbabantay sa paligid.


"Why are there more men around?" Tanong ko kay Alek.


"For security measures."


"What do you mean?"


"There are guests later," aniya habang patuloy sa paglalakad.


"So, where are we going? Am I not allowed to be seen by those guests?"


Humarap siya sa akin habang pababa na kami sa hagdanan.

Russian Roulette (Book 1 of RR Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon