Roulette #45

538 13 0
                                    

Chapter 45 

(Threat)


Hindi na ako nagpaawat. Wala na akong pakialam. Marahas kong inalis ang blindfold.


Naging malabo pa ang paningin ko noong una, pero kalaunan ay naaninag ko na siya sa harapan ko.


Kumurap kurap ako ng ilang beses para makita siyang mabuti. And he looks... fine?


Kumunot ang noo ko at nilibot ang paningin sa paligid. Biglang nahagip nito ang isang maliit na round table na may dalawang upuan na magkatapat. May kandila sa gitna ng mesa at pagkain sa paligid nito. May nakalatag na puting tela sa damuhan kung nasaan ang mesa at nagkalat ang red rose petals sa lupa.


Binalik ko kay Clade ang nagtatakang tingin ko. Ngumiti lamang siya sa akin.


What the heck?


Nilingon ko naman ngayon ang anim na nasa tabi lang habang nakangiting nakamasid sa amin.


"Issa prank!" ani Mikhail.


"Did you like it, miss?" Tanong ni Maxim.


Unti-unti kong naitikom ang nakaawang kong bibig. Nakakabawi na sa pagkabigla, takot, at frustration. Mga tarantado!!


Lumapit ako sa kanila at isa-isa silang sinuntok sa kanilang mga dibdib.


"Anong 'did you like it' ha? Anong 'did you like it' ang pinagsasabi ninyo?" Inis ko silang pinagsusuntok.


Lumayo naman sina Artem, Mikhail, at Maxim habang tatawa tawa. Si Rodion at Leonid naman ay nanatili sa gilid at natatawa rin habang nakasangga ang mga braso sa kanilang dibdib.


Nilingon ko naman si Alek na ganoon rin ang reaksyon.


"Mga baliw kayo!" Si Alek naman ngayon ang sinuntok ko.


"What did she say?" Rinig kong tanong ni Maxim.


"She said you're crazy," natatawang sagot ni Alek habang sinasangga ang mga suntok ko.


"Milaya, stop it," isa pa 'to! Pati siya nakakainis!


Susuntukin ko rin sana sa dibdib si Clade nang walang hirap niyang hulihin ang kamao ko at tsaka ako hinila para yakapin.


Sa higpit ng yakap niya, hindi ako makagalaw para saktan siya.


Rinig ko pa rin ang mga tawa nila.


"Sorry, if we did it like this," ani Clade.


"We just wanted to give you a mind-blowing surprise, miss," si Maxim.


Russian Roulette (Book 1 of RR Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon