Roulette #32

560 14 0
                                    

Chapter 32 

(Rodion)


Nagdaan ang isang linggo na naging payapa at normal muli ang buhay sa mansyon. Balik kami sa kanya-kanyang gawain namin. At gaya ng sinabi ni Clade ay mas lalo silang naging busy. Madalas kasi ay wala sila rito.


Ngunit tinupad rin niya ang usapan namin na magkakaroon kami ng session three times a week. Actually, kung ako ang tatanungin ay hindi na niya kailangan ang session ng ganoon kadalas.


Kahit twice a month nalang siguro ay pwede na dahil kitang-kita na ang improvement sa condition niya.


Kaya lang, pumayag na rin ako sa gusto niyang three times a week dahil aminin ko man o hindi ay pareho naman namin gusto iyon.


Napabuntong-hininga na lang ako nang maalala ang naudlot naming halikan. The day after that, halos hindi kami magkibuan. He was cold to me.


But Alek being Alek, siya ang nakapansin sa tensyon sa pagitan namin ni Clade, so he made a way to reconcile us. Iyon ang dahilan kung bakit kami nagpatuloy ni Clade sa sessions kahit pa ramdam ko ang pader na itinayo niya sa kanyang paligid tuwing malapit ako.


Nasasaktan ako sa ginagawa niyang iyon. At ang mas masakit pa ay ang katotohanang wala akong karapatang masaktan dahil hindi siya sa akin at hindi maaaring mapasakin.


At times like this, I'd like to have deep talks with someone I trust the most. Someone who knows my deepest secrets. And that someone can either be Kuya Keith or Michaela.


I smiled in realization that two of the best people in my life could be a thing. If only circumstances were different.


Kahit pa may kaunting tampo ako kay Michaela, hindi ko naman mapagkakaila sa sarili ko na isa pa rin siya sa mga pinagkakatiwalaan ko. And besides, hindi ko pa naman naririnig ang paliwanag niya.


And Kuya, on the other hand, is my life savior. He may be harsh and grumpy to me, but he's still the best big brother.


And both of them are my fortress. Sila lang ang tunay na nakakakilala sa akin. Maski ako ay hindi alam ang ibang katangian at parte ng katauhan ko ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan, alam nilang pareho ang mga katangian at parteng iyon. 


If they were here with me, I'm sure they will clear my mind for me and tell me what's the best thing to do.


Iwinaksi ko na lamang sa aking isipan ang mga bumabagabag sa akin. Baka mabaliw ako sa kakaisip, ayaw ko namang mangyari iyon.


I walked through the halls of the second floor to find my way to the dining area downstairs. Nadatnan ko ang mas maliit ngunit mas may buhay na bagong dining area. 


Nang pilit kong sinasabi sa kanila na hinding-hindi na muli ako uupo sa dining table kung saan may mga namatay, heto ang ibinigay nila sa akin bilang kapalit.


Nag-set up sila ng isa pang dining area sa kabilang dulo ng first floor na dating bakanteng silid. Mga isang linggo rin nilang inaayos ito bago nila sinabi sa akin na maaari na muli akong lumabas ng aking silid upang kumain.

Russian Roulette (Book 1 of RR Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon