Roulette #70

499 13 0
                                    

Chapter 70 

(Moving On)


4 months later...


It's still not sinking in me that all of those chaos happened just a few months ago. As I've said to myself many times, I never imagined that my life will take a new turning point. It suddenly turned upside down. If it weren't for Clade, Kuya Keith, and Ela, I would never be the same again after everything that happened.


I smiled widely while watching these six morons playing another round of golf. Mas ginusto kong manatili rito sa rooftop habang tinatanaw sila sa malayo. Napapailing na lamang ako dahil sa kaguluhan nila. Parang mga bata. At kahit malayo sila sa akin, rinig ko pa rin ang hiyawan nila.


Para ngang walang nangyari sa aming lahat kung makaasta sila ngayon. Hindi ko inaasahang makakabawi kami agad ng ganito.


Since that night in my hospital room, Clade and I made new promises. That we will continue to love each other despite our flaws and differences. That we will correct each other's wrongdoings. And that we will continue living for ourselves and for the people who are there for us.


Apat na buwan ang lumipas, ngunit narito pa rin ang bakas ng aking sugat sa dibdib. Gaya ng sugat na ito, ay mananatili ang bakas ng sugat ng aming nakaraan.


Pinagpasyahan naming kalimutan na ang mga masasamang nangyari at alalahanin na lamang ang mga aral na dulot ng mga iyon. Mas makabubuti kung ang pananatilihin namin sa aming mga diwa ay ang alaala ng mga mahal namin sa buhay na nagsakripisyo at naisakripisyo nang dahil sa akin at kay Stefan. Mamumuhay kami sa mas maayos na paraan simula ngayon.


Iyon ang binabalak namin ni Clade.


"Girl, here's your kape..."


Inabot ni Ela sa akin ang mug ng umuusok pang kape.


"Thanks," sabi ko.


Nilingon ko ulit ng ilang saglit ang anim na patuloy pa rin sa paglalaro ng golf bago tumalikod at pumunta sa may tables upang maupo. Sa tapat ko naman pumwesto si Ela habang sumisimsim sa sariling kape.


"Girl, December na. What's your plan for your birthday? Malapit na 'yon ah!" Tanong niya sa akin nang ibaba ang hawak na mug.


Binaba ko rin ang aking kape bago siya sinagot. "I'm not sure... Baka simple celebration nalang muna siguro. With family and close friends nalang. Medyo hindi pa rin naman tayo fully recovered sa mga nangyari. Isa pa, marami pang inaasikaso."


"Ay! Hindi pwede yan! Dapat sine-celebrate ng maayos ang bawat birthday taon-taon! You're turning 33 and you're not getting any younger kaya dapat ay i-celebrate natin ng bongga!"


"Why so?" Tinaasan ko siya ng kilay at humalukipkip. "What's so special with me turning 33? Hmm?"


Mukha siyang nagulat at saglit na natahimik. I'm not quite sure, but I can sense that she's not suppose to say anything about this or what? I smell something malansa...

Russian Roulette (Book 1 of RR Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon