Roulette #19

731 18 3
                                    

Chapter 19 

(Help)


Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata sa parehong silid na pinagdalhan nila sa akin. Agad kong naramdaman ang sakit ng noo at tiyan ko. Grabe na talaga ang nararanasan ko sa mga lalaking iyon! Sinasabi ko na nga ba eh. Masamang tao ang Mr. Schartner na iyon!


Nanatili lang akong nakahiga sa kama habang umiiyak dahil sa frustration. Susubukan kong tumukas ulit, bahala na kung anong gawin nila sa akin. Hindi ako pwedeng manatili dito! May mga maghahanap sa akin sa labas. Si Aiden, si Michaela, at tsaka paano kung bumalik na si kuya at hanapin ako?!


I just wish na sana mahanap nila agad ako pero alam ko sa sarili ko na hindi basta-basta mangyayari iyon dahil mukhang makapangyarihan talaga ang Clade Schartner na iyon. 


Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang bagong lalaking naka-itim. Mukhang kasing edad ko lang ito at kalmado ang aura. Inilapag niya ang tray ng pagkain sa kama at isang ice pack.


"You need to eat, so that you have energy for later. And use this ice pack on your forehead," mahinahong saad niya.


Yumuko siya ng bahagya sa akin at mabilis rin akong iniwan. Hindi ko man lang naitanong kung anong mayroon mamaya.


Hindi pa rin nagsi-sink in sa akin na nangyayari nga talaga sa akin ito. Pero mas lalong hindi ako makapaniwalang...hindi nila ako minamaltrato o kung anomang maaaring gawin ng isang kidnapper sa bihag niya.


Well, pwera na lang doon sa panot na iyon. At iyon ang isa pang hindi ko maintindihan... Bakit niya pinatay ang sarili niyang tauhan? Bakit ako ay hindi niya man sinaktan?


Bigla ko tuloy naalala ang huling sinabi niya sa akin bago ako mawalan ng malay.


"You can't escape from me... Even if you try."


Kinilabutan ako nang sabihin niya iyon sa akin. Tila pinaparating niyang hinding-hindi na talaga ako makakawala sa pagkakahawak niya simula nang makuha niya ako. 


Ano ba talagang kailangan mo sa'king gago ka?!  Sino ba talaga kayo?!


Wala akong choice kundi ang kainin ang isang banyagang pagkain na wala man lang kalahati ng pinggan. Hindi ko alam kung anong tawag rito basta mukha siyang fresh ham na malalaki at naka-rolyo sa iba't-ibang disenyo. Kinuha ko na lang ang ilang piraso na iyon at walang ganang kinain.


Mabilis ko lamang naubos ang pagkain dahil sa gutom at kaunti lang rin naman iyon. Sunod ko namang kinuha ang ice pack at dahan-dahang inilapat sa namamagang noo ko. Unang paglapat pa lang nito sa bukol ay naramdaman ko na ang sakit na hatid ng lamig. Ipinagpatuloy ko lang ang paunti-unting paglapat ko ng ice pack sa aking noo hanggang sa naginhawaan ako at naramdamang medyo lumiit ang bukol.


Bigla ko na naman naalala ang lalaking panot na binaril niya kagabi. Halang ang bituka niya! Paano niya nakayang pumatay na hindi man lang kumukurap?! 


Sigurado akong papatayin niya rin ako pagkatapos niyang makuha ang gusto niya sa akin kaya gagawin ko ang lahat para makatakas dito. Kahit pa ikamatay ko rin ang pagtakas ko, ang mahalaga ay mamamatay akong sumusubok.

Russian Roulette (Book 1 of RR Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon