Roulette #53

472 9 0
                                    

Chapter 53 

(Murder)


I'm currently busy with my laptop for the report I need to send to our department. Even if they let me have my leave, I still chose to do some of my works at home and just send it to them thru e-mail.


Isa pa, iniiwasan kong mainip dito sa bahay dahil umalis na naman si Clade kasama ang iba niyang tauhan at may aasikasuhin daw.


So, I decided to just do my reports and continue my research para naman maging productive ako sa free time ko.


I was still busy typing when my phone beeped again for the nth time.


Napatigil ako sa ginagawa at sumulyap roon na nasa tabi ko lang. Kanina pa ito tumutunog pero hindi ko napapansin dahil sa ginagawa ko. Ngayon ko lang narealize kung nakailang beep na iyon.


Agad ko itong kinuha at binuksan. Medyo nakaramdam pa ako ng kaba dahil baka emergency na pala galing kay Clade ang mga messages at hindi ko man lang pinansin.


Labis na kumunot ang noo ko nang mabasa ang mga mensahe.


Unknown Number: 

Have you found your parents' murderer yet?


Unknown Number: 

Do you already know who you really are?


Unknown Number: 

Have you visited your house and see if there are some clues there?


Nangungulit na naman siya! These past few weeks hindi niya ako tinantanan sa mga mensahe niyang palaisipan gaya ng mga ito.


But, this time, mas nagiging specific na siya sa pagbibigay sa akin ng ideya. Dati kasi ay malabo pa ang mga pinagsasabi niya.


Naagaw muli ng cp ko ang aking atensyon nang tumunog na naman ito.


Unknown Number: 

I suggest you do your investigation to find out the truth. You're the only one left without a single knowledge about the past. Clade Schartner and your brother both know about it and yet they won't even tell you some information. Where's the justice in that?


Shit! He's trying to manipulate me. He's trying to turn me against my boyfriend and my brother...


But, I must admit that I am tempted with what he's saying. Kung sinoman ang taong ito ay tiyak na alam niya ang nakaraan, ang pagkatao ko, at kung sino ang pumatay sa mga magulang ko.


I just can't understand kung bakit hindi na lang niya ako diretsuhin. Bakit kailangan niya pa akong paisipin?


If I understood it right, gusto niya kaya akong lumabas dito sa mansyon para mag-imbestiga?

Russian Roulette (Book 1 of RR Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon