Roulette #18

736 17 3
                                    

Chapter 18 

(Escape)


"So far, ang pagsa-smuggle nila ng mga armas lang ang nalaman ko dahil nahuli rin nila ako agad at ikinulong sa isang bahay at doon sinubukang pagsalitain," seryosong paliwanag ni Captain Marquez.


Nakahalukipkip si Malekeith habang nakatayo sa harapan ng Kapitan. Limang araw matapos ang pagsagip nila rito ay ngayon pa lamang siya nakausap ng maayos dahil sa mga natamo niyang pasa at saksak galing sa pambubugbog ng mga tauhan ni Rosco.


"Anu-ano mga tinanong nila sa'yo?" Tanong ni Malekeith.


"Mga usual na katanungan. Sino nagpadala sa akin? Anong kailangan ko sa kanila? Kanino ako nagta-trabaho? Akala nila noong una ay kabilang ako sa isa sa mga underground groups pero nang makita nila ang badge ko, doon nila ako tinigilan ng kaunti at sinabing pwede nila akong gawing hostage laban sa gobyerno."


"Ano ang plano nila laban sa gobyerno?" Si Malekeith.


Nag-angat ng tingin si Marquez sa kanya. "Iyan ang hindi ko alam. Wala silang balak na guluhin ang gobyerno noong una dahil abala sila kina Schartner pero nang mahuli ako, nalaman nila na pinupuntirya natin sila kaya ang nasisiguro ko lang ay may binabalak pa rin sila."


Napabuntong-hininga si Malekeith. "Nasisiguro ko rin iyan pero sa tingin ko mas abala siya sa pagpatay kay Schartner kaysa sa pagtuonan ng pansin ang gobyerno natin," binalingan niya sina Joshua at Redentor na parehong nakaupo at nakikinig. "Kapag tuluyan nang gumaling si Captain Marquez ay ihatid ninyo siya pabalik sa headquarters."


Tumango lamang ang dalawa sa kanya.


Tiningnan muli ni Malekeith si Marquez at nilahad ang kamay nito. "Salamat sa serbisyo mo, Captain. Hanggang sa muli."


Tinanggap ni Marquez ang kamay niya. "Ikaw rin, Captain."


Naunang umalis si Malekeith sa surveillance room at dumiretso sa kanyang chamber. Hinubad niya ang kanyang damit pang-itaas at kinuha ang medicine kit sa bedside table. Sumakit muli ang kanyang balikat mula sa tama ng baril. 


Inalis niya ang gasa at nilagyan ng alcohol ang sariwa pang sugat. Napapikit siya ng mariin at napaungol ng kaunti sa hapdi na naramdaman.


Nang humupa ang hapdi ay sinimulan niyang balutin ng bagong gasa ang sugat. May naalala siyang bilin ni Ariadne tungkol sa mga sugat kaya kinuha niya ang laptop at nag-search.


'Don't use hydrogen peroxide or alcohol, which can slow the healing of your wound.'


"Tanginang alcohol! Kaya pala hanggang ngayon sariwa pa rin. Ang bobo ko talaga," inis na bulalas niya sa nabasa.


Inis niyang ibinaba ang laptop at humiga sa kama. Nakatingin lamang siya sa kisame ngunit naiisip niya ang kanyang kapatid at...si Michaela.


"Bakit ko ba naiisip ang babaeng iyon? Okay pa kung si Ariadne maiisip ko kasi kapatid ko siya eh, pero si..." wala sa sariling sambit niya at ginulo ang buhok sa inis.

Russian Roulette (Book 1 of RR Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon