Roulette #71

495 11 0
                                    

Chapter 71 

(Company)


"Is the 3rd floor clear?" Tanong ni Alek sa suot na earpiece.


"Clear," narinig nilang lahat na sagot ni Maxim dahil sa suot nilang earpiece na konektado sa isa't isa.


"Let's move now to the 4th floor," sambit ni Clade at naunang maglakad sa kanilang grupo patungo sa loob ng elevator. Marami silang dumating sa gusaling ito. Ang iba sa kanila'y tinahak ang hagdanan upang mas mabilis na makarating sa mas mataas na palapag.


Alos dose ng gabi nang magdesisyon silang looban ang pribadong gusaling mistulang isang company building. Ngunit sa katunayan, ito ay isang kuta ng mga natitirang tauhan ni Leiro Lovek. Walang ibang taong inosente na nasa loob ng gusali kung kaya't nilusob nila Clade kasama ang grupo nina Malekeith ang lugar ngayong gabi.


Ito na ang huli at ikaanim na gusaling kanilang nilusob mula sa kanilang plano na tugisin ang bawat illegal na grupo at sindikato sa Pilipinas. Tapos na nilang ubusin ang natitirang tauhan at lungga nina Jasem, Richtor, Rosco, at Stefan. Ngayon naman ay kay Leiro Lovek ang panghuli. Sa kaso ni Mr. Edwards, nasisiguro nilang wala nang magiging problema sa lungga nito sa kanluran dahil napatay ito habang nasa kalagitnaan ng giyera kung kaya't walang dahilan upang ipaghiganti ito.


"Did anyone locate Leiro Lovek yet?" Biglang tanong ni Malekeith habang papalapit sila sa ikaapat na palapag.


"Not yet. That old bastard is good at hiding," iritado ngunit may bahid ng pagngising sagot ni Nikolo.


Lahat sila'y may hawak na de kalibreng armas at balot ng proteksyon sa katawan mula sa bala. Ilang linggo nilang pinlano at pinaghandaan ng magkakasama ang paglusob na ito. Ito ang kanilang huling hakbang upang matapos ng tuluyan ang giyerang sinimulan nila noon.


Sabay na bumukas ang magkatabing pinto ng elevator sa ikaapat na palapag. Sabay ding lumabas mula roon si Clade at Malekeith kasunod ang kani-kaniyang tauhan. Mula naman sa hagdanan ay nagsulputan ang grupo nina Nikolo, Roman, at Hector.


Walang habas nilang pinapaputukan ang mangilan ngilang kalalakihan sa palapag na ito. Walang nagawa ang mga ito kundi ang magulat at tanggapin ang kamatayang sumalubong sa kanila. Dahil sa dami ng pinaghalong grupo nina Clade, Malekeith, Nikolo, Roman, at Hector, nagawa nilang palibutan at pagharian ang buong gusali. Ito ang rason kung bakit agad nilang nasalakay at napatay ang mga tao sa loob.


Nang maubos ang mga kalalakihan na pakalat kalat sa pasilyo ay natigil rin ang mga putok ng baril. Nagkanya kanya ang mga tauhan nila upang buksan ang bawat silid na makita sa buong palapag. Tuwing may makikitang ordinaryong tauhan ay diretso nilang pinapaputukan.


Ang pinakalayunin nila ay ang mahanap at mapatay ang natitirang lider ng underground na si Leiro Lovek.


Habang abala sa paghahanap, narinig nila ang pagsasalita ni Roman sa kanilang earpiece.


"Schartner- I mean Ivanov... are you sure you wanna destroy the underground? I mean... we are willing to have a partnership with you. Just let the three of us continue having some businesses in the underground. You can also benefit from it-"

Russian Roulette (Book 1 of RR Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon