Roulette #62

399 7 0
                                    

Chapter 62 

(Dad)


"Sis-" Agad kong pinutol ang kung anomang sasabihin niya nang tumayo siya at umambang lalapit sa akin.


Tinapat ko sa kanya ang palad ko bilang pagsasabing manatili siya sa kinaroroonan.


"'Wag, kuya. Diyan ka lang muna..."


Nanghihina ako. Hindi ko alam kung anong dapat maramdaman ngayon, gusto ko na lang maging manhid ng tuluyan. Gusto kong pagsasampalin ang sarili ko sa pagbabaka sakaling panaginip ito.


Nakaintindi naman siya. Umatras siya at muling umupo sa upuan.


Pinalipas namin ang ilang sandali na pawang katahimikan ang namamayani sa pagitan namin. Alam kong tinitimbang niya ako kahit pa nasasaktan din siya habang ako naman ay pilit pinoproseso ang lahat ng rebelasyong narinig ko lamang ngayon.


Thirty two years...


For 32 years, they have kept all of that to themselves. For 32 years, I remained as a kid hidden in the shadows. Tinatago pala nila ako sa loob ng mahabang panahon na iyon at wala man lang akong kaalam alam. At habang tinatago nila ako, tinatago rin nila sa akin ang tunay na ako.


And then there's my biological father who is indeed a monster... He killed my adoptive parents, the people I've loved my whole life. He also killed Clade's family and just recently he threatened our lives. Including me.


How can I call someone like that my father? How can I accept that his blood runs through my veins?


Kung pupwede lang gilitan ang sarili ko at palabasin ang dugo kong nagmula sa kanya, ay gagawin ko... gagawin ko iyon para lamang alisin ang parte niya na nasa pagkatao ko.


Hindi ko siya kayang tanggapin bilang ama ko. Hinding hindi ko kayang sikmurain ang lahat ng kasamaan niya. At maging ang sarili ko ngayon ay unti unti ko nang kinamumuhian.


"Ariadne, kailangan mo munang magpahinga," rinig kong sambit ni kuya habang nag-iisip ako.


Walang buhay ko siyang tiningnan pabalik. Sinasalamin ng mga mata niya ang lungkot, sakit, at galit na nararamdaman ko ngayon. Kanina lang naging manhid ako ngunit ngayon ramdam ko na ang lahat. Unti unti nang rumerehistro sa akin ang lahat.


"Mapapatawad mo ba ako?" Binigyan ko siya ng malungkot na ngiti.


"Anong ibig mong sabihin?" Kunot noong tanong niya.


"Patawarin mo ako, kuya..." nabasag na nang tuluyan ang boses ko. Kasunod noon ay ang muling pagpatak ng mga luha ko. "Patawarin mo ako sa pag-agaw ko sa katauhan at buhay ng kapatid mo. Patawarin mo ako sa pagiging dahilan ng pagkamatay ng mga magulang mo-"


"Tangina! Bakit ka humihingi ng tawad?!" Nanggagalaiting putol niya sa akin.


Russian Roulette (Book 1 of RR Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon