Roulette #59

415 9 0
                                    

Chapter 59 

(Never Give Up)


Nagulat ako nang biglang umupo sa tabi ko si kuya. Nandito ako sa veranda ng rooftop at nagpapahangin. Umaga pa kaya't hindi pa ganoon kainit.


Pinagmasdan ko siya habang seryosong sumisimsim sa kanyang kape. Madalas na siyang magpunta dito sa mansyon simula nang sorpresahin niya ako sa kanyang pagdating. Madalas din silang umalis kasama ang grupo nina Clade.


Hanggang ngayon ay naalala ko pa rin ang tagpo namin ni Clade nang gabing ihatid namin paalis si kuya. Iyong yakap niyang nangungulila at puno ng pangamba. Alam kong may kinalaman si kuya sa ganoong reaksyon ni Clade. Lalo pa't tila sinisiraan niya ito sa akin nang isang gabing mag-usap kami.


Ang hindi ko lang makuha ay kung bakit. Dahil ba alam niya ang involvement ni Clade sa underground... o dahil pa sa isang rason na hindi ko alam?


"Ang tahimik mo?" Tanong niya at tsaka tumingin sa akin.


"Nag-iisip ako."


"Anong iniisip mo?"


"Sa akin na lang 'yon, kuya."


Bumuntong-hininga siya at nanatiling tahimik.


"Mahal mo ba talaga si Schartner?"


Nagulat ako sa biglaang tanong niyang iyon. Tama nga ba ang hinala kong ayaw na ayaw niya kay Clade at seryoso siya doon?


Kasi hindi ako tanga para isiping simpleng pagkaayaw lang ang nararamdaman niya kay Clade. Oo at ayaw niya kay Aiden noong una pero pinagbigyan niya pa rin kami... Pero itong reaksyon niya kay Clade ay kakaiba.


Masyadong seryoso at tila malalim ang pinanghuhugutan.


"Mahal na mahal, kuya. Kahit ilang beses mo pang itanong iyan, pareho at pareho pa rin ang magiging sagot ko," kumpyansa kong sagot.


"Pero bakit ang bilis mong magmahal ng iba? Talaga bang wala ka nang nararamdaman para kay Monrado?"


Hinarap ko siya ng tuluyan at pinukol ng seryosong tingin.


"Wala na. Makalipas ang ilang buwan, sigurado na akong burado na ang nararamdaman kong espesyal para kay Aiden. Oo, minahal ko noon 'yong tao... pero dumating si Clade sa buhay ko at doon nagbago ang lahat."


"Bakit mas gusto mo pang pumasok sa isang komplikadong relasyon kaysa sa madali?" Seryosong tanong niya habang nagtitigan kami. "Between Aiden and Clade, who is more easy to love, huh?"


"It doesn't matter who is more easy to love, kuya. What matters is who I truly love. Regardless of the pain and complications."


Muli siyang bumuntong-hininga na tila nawawalan na siya ng pasensya.


Russian Roulette (Book 1 of RR Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon