Roulette #31

604 11 4
                                    

Chapter 31 

(Proposition)


"Handa na ba ang lahat?" Tanong ni Malekeith sa mga tauhang abala sa paghahanda.


"Areglado na," sagot ni Joshua.


Nasa singkwentang tauhan ang kasama nilang makikipagkita sa grupo nina Clade Schartner. Ilang linggo nila itong pinag-isipan kung saan palaging tutol si Redentor at ang iba pa dahil sa panganib na dala nito sa buong grupo nila. 


Ngunit nang dumating ang sagot ng naturang lider ng pinakamakapangyarihang underground group noong isang araw at sinaad nito na pumapayag siya ay nag-desisyon si Malekeith na isulong ang plano.


"Talaga ngang magpapakamatay na tayo. Ang mahirap ay sa tangang paraan pa," komento ni Redentor.


Binalingan siya ng walang emosyong tingin ni Malekeith. "Kaya nga tayo nagplano ng maayos para kahit papaano ay hindi nila tayo basta-basta mapupulbos."


"So, inaamin mo nga na suicide mission ito?" Ganti ni Red.


Hindi pa kuntento sa kanilang distansya, naglakad palapit sa kanya si Malekeith at mariin siya nitong tinitigan.


"Hindi ako marunong magpatalo, Santos."


"Sana nga mailigtas tayo ng kahambugan mo, Verdadero. Nirerespeto kita bilang lider ng team natin pero sa pagkakataong ito, hindi ko maiwasang isipin na na-tanga ka," ungos ni Red.


"Naintindihan kita at nirerespeto ko rin ang opinyon mo pero ako pa rin ang nasusunod dito, hindi ba?" Nakamamatay na tingin ang pinukol ni Malekeith sa kanya.


"Oh, oh, nalingat lang ako sandali, nagkakainitan na naman kayo d'yan," sabad ni Joshua. "Pwede na tayong umalis."


Naunang maglakad palabas ng warehouse na kinanalagyan ng mga armas nila si Malekeith. Sumunod naman sa kanila ang ibang mga tauhan.


"Chill ka lang, brad. Masyado mo nang inuungusan si Verdadero," ani Joshua.


Masamang tingin ang pinukol ni Redentor sa kanya. "Hindi ko siya inuungusan. Ang sa akin lang ay walang kasiguraduhan ang pag-uwi natin ng buhay sa misyong ito. Kumbaga 80% ang tsansa na mapapatay tayo."


"Eh lahat naman ng misyon natin ay nakamamatay ah?"


"Oo pero ang isang ito ay parang hindi napag-isipan ng maayos eh. Si Verdadero na nga mismo ang nagsabi na hindi pa natin sila masyadong kilala, 'di ba? Ibig sabihin mas nakalalamang sila sa atin dahil sila kilala nila tayo."


"Brad, alam ni Verdadero ang ginagawa niya. Sa dami ng magandang feedback sa kanyang serbisyo na narinig ko, ni minsan wala pang nagsabi na pulpol siya. Sa atin rin ang advantage dahil kuta natin ang meeting place. At tsaka gets ko naman kung bakit ganito siya ka-attached sa misyong ito, eh utol niya ang pinag-uusapan eh."

Russian Roulette (Book 1 of RR Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon