Roulette #21

734 19 4
                                    

Chapter 21 

(Sympathy)


Lampas isang linggo na ako dito at hanggang ngayon wala pa rin akong naiisip na matinong plano para makatakas. Masyadong mahigpit ang pagbabantay nila. Ni hindi nila ako pinapalabas sa kwartong ito kahit na anong palusot pa ang sabihin ko.


Isa pang nakakainis ay ang pakiramdam ng hindi halos maka-ligo! Isang beses pa lang nila ako binigyan ng iilang damit at wala pang bathroom supplies sa banyo ng kwartong ito kaya nakakawala rin ganang maligo.


Basta para sa akin ang dapat kong ginagawan ng paraan ngayon ay ang pagtakas dito. Mukha mang imposible pero walang imposible sa babaeng determinado. Iyon ang papatunayan ko sa kanila. 


Mas nananaig na ang katapangan sa akin ngayon kaysa sa takot na naramdaman ko sa kanila noon. Siguro dahil alam ko sa sarili ko na hindi nila ako sasaktan ng basta-basta. Pero hindi pa rin ako nakasisiguro na hindi nila ako sasaktan kahit kailan kaya kailangan ay maging maingat ako.


Naupo ako sa kama habang patuloy na nag-iisip ng plano. Ilang beses ko nang sinubukang maghanap ng gamit na pwedeng gamitin dito para makalabas o kaya naman gawing sandata laban sa kung sinomang papasok dito at nang makalabas ako ulit pero gaya ng sabi ko ay walang ka-gamit gamit ang silid! Nakakaiyak!


Marahas akong nahiga sa kama dahil sa frustration. Ganito pala ang feeling ng ma-kidnap. Hindi nakakatuwa. Akala ko pa man din ang ma-kidnap pagkatapos ay matatagpuan mo ang taong mamahalin mo dahil doon ay nakakakilig. Iyon pala baliw lang ako sa pag-iisip ng ganoon. Masyado akong na-addict noon sa mga pocketbooks tungkol sa ganoon, kaya ayan tuloy napala ko!


Pagmamahal? Mukha namang hindi marunong magmahal ang Mr. Schartner na iyon. Siya ang tipo ng taong kulang sa aruga at pagmamahal kaya kung saan-saan humahanap ng pansin. At ang nakakainis ay ako pa ang napagtripan!


Sana mahimatay na lang ulit ako at sa paggising ko ay nasa normal na buhay na ulit ako. Umaasa pa rin akong bangungot lang ito eh.


Nilunod ko ang sarili ko sa pagse-self pity ng ilang minuto nang bigla akong mapaupo dahil sa bagong ideya na naiisip. 


Eh kung magkunwari akong nahimatay para ma-alarma sila at ilalabas ako dito sa kwartong ito? I know it sounds lame and crazy, but at least I could try right? Wala namang mawawala kung susubukan ko, baka nga tuluyan na akong makatakas kapag dinala pa nila ako sa hospital. 


Tss, as if naman ganoon sila ka-concern sa akin.


Aish! Bahala na! Basta susubukan ko pa rin.


Inayos ko ang tray at mga mangkok na may kaunti pang laman na pagkain sa paraan na magmumukhang natapon. Ikinalat ko ng kaunti ang mga ito sa sahig para mas kapani-paniwala ang acting ko. Nilagyan ko rin ng kaunting mantsa ang damit ko at ang kamay ko. Hindi ko alam kung kailan papasok ulit iyong lalaking nagbabantay sa akin kaya kailangan kong gumawa ng makatawag-pansin na ingay.


Napukaw ang pansin ko ng isa sa mga mangkok. Malaki-laki iyon at kapag binasag ay magiging sapat na ang ingay na malilikha nito.

Russian Roulette (Book 1 of RR Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon