Roulette #16

736 17 0
                                    

Chapter 16 

(Helicopter)


Makalipas ang halos isang linggo, puspusan na ang pagiging abala nina Malekeith para sa pagsagip sa Kapitan.


Kasalukuyang nagmamasid ang mga ito sa isang pribadong isla na nasa may gitna ng dagat. May kalayuan ito mula sa lupa ngunit naaaninag pa rin ang hugis ng hotel na nakatayo doon.


"Handa na ba sila?" Tanong ni Malekeith habang nakatanaw sa isla gamit ang largabista.


"Oo. Nakapag-adjust na sila diyan. By batch sila pumunta at pawang naka-disguise ang mga iyon para hindi mahalata," tukoy ni Redentor sa mga tauhan nilang nauna na sa hotel na gaganapan ng event ni Lovek.


"Anu-anong mga disguise? Sigurado ba silang hindi pa nakatunog ang mga 'yon?" Sabat ni Joshua.


"Magagaling ang mga tao natin. Iba't-ibang disguise ang ginawa nila. Karamihan ay businessman, may mga waiter rin, janitor at mga security personnel. Open ang event kaya hindi gaano mahirap lusutan," saad pa ni Red.


"Medyo tanga pala si Lovek?" Ismid ni Joshua.


Ibinaba ni Malekeith ang hawak na largabista.


"Huwag muna natin husgahan. Baka mamaya may mas malaking pasabog 'yan sa loob," si Malekeith. "Handa na ba ang mga speed boat natin?" Baling niya sa dalawa.


"Oo. Pati yung mga ibang baril at bomba natin ay nailusot na sa loob," si Red ang sumagot.


"Bilis ah!" Puna ni Joshua.


"Ipinangalan ang mga iyon sa isang kilalang smuggler kaya hindi gaanong na-question. Sa dami rin kasi ng mga underground groups na dadalo, inaasahan na ang deal mula sa mga smugglers. Pero siyempre ang mga tao natin ang nagbabantay sa mga iyon," si Red.


"Eh ang mga potensyal na pwesto ng mga tao natin, ayos na ba?" Si Malekeith.


"Oo naman. Ayos na lahat, Verdadero. Maayos mong inilatag ang plano kaya mabilis na naisakatuparan ang bawat hakbang. Kapag nagkataon, mapapalibutan natin sila sa event," nagmamalaking tugon ni Redentor.


"Huwag muna kayo pakasiguro dahil maraming pwedeng mangyari. Maghanda na kayo ng isusuot ninyo at mga dadalhin para mamayang gabi. Alertuhin n'yo na ang mga tao natin sa surveillance ng lugar tungkol sa mga kahina-hinalang makikita nila," utos ni Malekeith bago pumasok sa itim na van.


Ginugol nila ang lahat ng natitirang oras para sa paghahanda sa kanilang pagdalo sa naturang event. Pawang naka-suit o mga naka-tuxedo ang mga ito. May mga bulletproof vest rin at mga baril na nakatago sa loob ng mga suot nila.


Sumakay sila sa limang malalaking speed boat patungo sa isla. Kung titingnan ay hindi nahihiwalay ang itsura at dating nila sa ibang small time underground groups na kasama sa event.


Nang marating ang isla matapos ang ilang minuto ay sinalubong sila ng iilang lalaking malalaki ang katawan na nagbabantay sa mga dumarating.

Russian Roulette (Book 1 of RR Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon