Roulette #55

495 8 0
                                    

WARNING: Medyo SPG

---

Chapter 55 

(Temptation)


Katatapos lang ng isang report na ginawa ko kaya kasalukuyan akong nakaupo sa kama at abala sa aking cp. Gabing gabi na pero hindi pa rin nakakabalik sina Clade. Malapit na nga sana akong mag-alala pero sinabi naman niyang hindi agad sila uuwi.


Pero hindi ko pa rin maiwasang mag-alala lalo na tuwing makikita ko ang orasan. Mag-aala una na ng madaling araw pero ni text o tawag ay wala man akong natanggap.


Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagtingin sa soc med. Napangisi ako nang mabasa ang bagong post na pictures ni Michaela sa IG.


Naka two piece siya habang ang beach ang kanyang background.


'Missing some sexy vibes' ang kanyang caption.


Agad kong naiclick ang comment section at mabilis na nagtipa.


ari_adne: Wow! Sana all sexyyyy <3


May iba pang nag-comment dito na kakareply niya lang few seconds ago kaya alam kong active siya. Sabagay, wala namang oras na hindi active ang bruhang ito.


Maya maya pa ay nag-reply na nga siya sa comment ko.


elanicole.19: Of course. What do you expect from me, 'di ba?


Kahit na text lang iyon, ramdam ko pa rin ang pagngisi niya sa akin. Ang hangin talaga ng babaeng ito. Tingnan ko nga kung uubra dito...


ari_adne: I agree. Pero sana all din WALANG JOWA :))))


Humagalpak ako ng tawa nang maisend iyon. I can already foresee what her reaction is.


elanicole.19: ay gaga!! foul 'yan ah!


Mas lalo akong tumawa dahil doon. Maski nga si Celine ay nakisali sa usapan. Dumami na rin tuloy ang likes ng comment ko.


iamceline: @ari_adne HAHAHAHA LT ka talaga Doc Verdadero!


iamceline: @elanicole.19 Pero Doc Brin, wala ka pa ngang jowa hanggang ngayon? Kumukupas ka na ata ah??


elanicole.19: @iamceline @ari_adne you both are so MASA!!


Masa? Anong masa?


Itatanong ko sana sa DM kung anong meaning no'n pero naunahan na ako ni Celine nang mag-reply siya.


iamceline: What's MASA, doc?


elanicole.19: MASA... MASARAP KATAYIN!

Russian Roulette (Book 1 of RR Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon