Roulette #23

758 13 2
                                    

Chapter 23 

(No Matter What)


Kakatapos ko lang maligo ngayong umaga. Pagkagising ko ay iyon agad ang pinagkaabalahan ko para maging presentable ako buong araw kung sakali mang may dapat gawin. 


Sa dalawang linggo kong pananatili dito ay nagkaroon ako ng routine. Sa umaga ay mag-aalmusal ako sa dining table ng mansyon mag-isa. Yes, that is part of the 'fair treatment.' Pagkatapos naman ay sa akin ang oras ko hanggang dinner. Ako ang bahala sa gusto kong gawin sa mga oras na iyon. At sa gabi nama'y usually may session kami ni Mr. Schartner. Tuwing gabi lang kasi siya nandito sa mansyon niya. Kung minsan naman ay hindi umuuwi.


Ilang beses ko na rin kinulit si Mr. Schartner para hayaan akong ma-contact si Aiden o kahit si Michaela man lang pero nagmamatigas talaga siya. 


Tuloy, hindi ko maalis-alis ang inis ko sa kanya. Tuwing may session kami, lagi ko siyang iniirapan at sinusungitan para malaman niyang hindi ko gusto ang ginagawa niyang iyon. Pero kapag nagsimula na siyang magpaawa, nagiging marupok ako eh. Nakakainis!


Sinubukan ko ring kausapin si Alek para kumbinsihin siya pero gaya ng sabi ko, matigas ang isa. Kaya mas pag-iigihan ko na lamang ang pagtulong sa kanyang maging maayos ang emotional state niya para naman makaalis na agad ako dito. 


Sigurado akong kung anu-ano na ang naiisip nina Aiden na nangyari sa akin. Malamang ay kung sinu-sino na rin ang tinawagan ng mga iyon para lang hanapin ako.


May kumatok sa pinto kaya napabaling ako roon. Binuksan ni Rob, iyong butler ko ang pinto at nakangiting bumati sa akin.


"Good morning, Miss. Your breakfast is ready."


Nauna na siya sa paglalakad kaya sumunod na ako. Dumaan kami sa mahabang hallway na may iba't-ibang naka-display na portraits at mga bagay-bagay.


Lumiko kami sa isa pang hallway na may iilang mga pinto bago namin narating ang grand staircase. Nang makababa roon ay nag-isang liko pa kami sa kanan at narating ang malaking dining room.


Black and white ang motif ng silid. Wooden table at chairs naman ang nasa gitna nito. May bar counter din at maraming alak na naka-display sa compartment sa itaas.


Inilahad sa akin ni Butler Rob ang kabiserang upuan. Nang makaupo ako ay sumenyas siya sa mga babaeng nakatayo sa gilid. Lumapit ang mga ito at inilapag sa harapan ko ang dalawang platter, ang isa ay main course at ang isa naman ay dessert.


Sinuri ko ang main course na may naka-disenyong ham, cheese, tempura, meatballs, at mga gulay. Sakto lang ang dami nito para sa isang tao at safe para sa akin dahil wala namang nuts.


Inilipat ko naman ang tingin sa tinapay na pinalamanan ng orange marmalade. Okay naman ang mga pagkain nila pero hindi ko lang maiwasang mag-request. 


Ang kapal talaga ng mukha ko.


Russian Roulette (Book 1 of RR Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon