Roulette #17

681 19 4
                                    

Chapter 17 

(Discharge)


Hating gabi na ngunit nasa IMC pa rin ako dahil sa dami ng paperworks na ibinigay sa akin ni Director Reyes. He said he's preparing me for something bigger. Well, I don't want to assume but it seems like he's hinting me that I'll get promoted.


So, here I am staying for the rest of the night or midnight if I could say. Maaaring bukas na lamang ako umuwi pagkatapos ng duty ko para tuloy-tuloy na ang pagpapagod.


Seryoso kong binabasa ang stats ng successful surgeries ng lahat ng surgeons ng hospital sa nakalipas na three months nang dumagundong ang napakalakas na ingay. Aakalain mong babagsakan ka ng kung ano dahil sa ingay na tila nasa itaas lang ng building namin.


Tumayo ako upang tingnan sa labas kung anong nangyayari. Dumiretso ako sa station at naabutan si Andrea at isa pang nurse na busy sa ginagawa.


"Anong ingay iyon?" Usisa ko.


"Helicopter ata, doc. Lumapag sa helipad ng building natin," si Andrea.


"Helicopter? Ngayon ko pa lang na-encounter na may lumapag na helicopter dito ah," nagtataka kong sambit.


"Iyon nga, doc. Baka VIP yung sakay," kibit-balikat niya.


Tumango na lamang ako at nag-decide na bumalik na lamang sa opisina dahil marami pang tatapusin. So much for being a chismosa, Ariadne.


Hindi pa ako tuluyang nakakapasok sa opisina ay bigla na lamang may humahangos na babaeng nurse ang humahabol sa akin habang tinatawag ako.


"Doc Verdadero, sandali lang po!" Takbo niya sa akin.


"Oh, anong nangyari?" Nag-aalalang tanong ko.


"Doc, we need you asap! Iyong dinala ng helicopter ay naghihingalo na!"


"Okay, I'll be right there," mabilis kong saad at agad pumasok sa opisina upang mabilis na magbihis. Bawat kilos ko ay mabilis, hinubad ko ang aking lab coat at agad isinuot ang scrub suit pagkatapos ay tinakpan ulit ng coat. Pagkalabas ko ng opisina ay nandoon pa rin ang nurse. "Let's go," agad kong saad.


Tumakbo na kami dahil hindi pwedeng magsayang ng oras. Nang makitang nagmamadali ay sinabihan ako ng 'good luck' nina Andrea ngunit hindi ko na nalingon.


Habang patakbong sumusugod sa operating room, sinasabi ng nurse ang detalye tungkol sa pasyente.


"Doc, he's an urgent case. Nalapatan na siya ng paunang lunas habang nasa helicopter at nung dumating dito ay pina-transfer agad sa OR. May tama ng baril sa tagiliran, tiyan, at malapit sa puso. He's in his thirties. And, Doc..." biglang niyang hinawakan ang braso ko nang nasa tapat na kami ng sanitation area ng operating room. "Importanteng tao siya at binantaan tayo ni Director Reyes na kapag nanganib ang buhay niya during operation ay delikado din ang sa atin."

Russian Roulette (Book 1 of RR Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon