Roulette #9

858 15 1
                                    

Chapter 9

(Kuya)


Nagising ako nang sumakit ang mga mata ko dahil sa sobrang liwanag. Iniharang ko ang kamay ko sa aking mukha at tsaka ko iminulat ang mga mata. Ilang segundo at napagtanto kong nasa sala pala ako, natutulog sa isa sa mga sofa namin.


Inabot ko ang aking cp sa maliit na table sa gilid. Six-thirty AM na pala. Nalipat ang tingin ko sa kabilang sofa at nanlaki pa ang mata nang makita si Aiden na natutulog. Shit, oo nga pala dinala ko siya dito kagabi.


Muntik na akong maglaway nang mapansing nakabalandra sa harapan ko ang walang saplot niyang katawan na makalaglag panga. Nahulog kasi ang kumot niya sa sahig kaya ganoon. 


Feeling ko inalis ko talaga ang damit niyang pang-itaas kagabi para lang sa sariling kapakanan ko eh, kahit na para naman sa kanya talaga iyon...talaga ba, Ariadne?


Tumayo na ako at dumiretso sa banyo para maligo ng mabilis at nang makapaghanda ng almusal. Matapos ang pagligo at paghahanda ng almusal ay kumuha ako ng gamot para sa hangover at ng tubig.


Lumapit ako sa kanya at lumuhod sa harap niya habang siya ay tulog pa rin.


"Aiden," tawag ko. Gumalaw siya ng kaunti. "Uy, gising na."


Tuluyan na siyang gumalaw at nag-unat-unat pa. Iminulat niya ang mga mata at agad nabaling sa akin ang atensyon. Maya-maya ay sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi. Bwiset! Heto na naman ang kabadong ako.


"Tawa-tawa ka pa dyan! Inumin mo na 'tong gamot para maalis ang sakit ng ulo mo at para makapag-almusal na rin tayo," utos ko.


Umupo siya at sumandal sa sofa. Shit, kitang-kita ko na ang matipunong katawan niya! Hindi ito tulad ng typical na may six pack or eight pack abs pero ang hot pa rin tingnan! Bakit ganoon?!


Tumikhim siya kaya napa-angat ang tingin ko sa kanyang mukha. Nakita ko na naman ang nakakainis niyang ngisi. Nakakahiya talaga ako!


"Enjoy?" Tanong pa ng bruho.


"Loko-loko!" Kunwaring naiinis kong suway.


Tumawa siya at napahawak sa kanyang ulo na ininda niyang masakit.


"Bagay sa'yo. May pa lasing-lasing pa kasing nalalaman," pangaral ko. "Oh, inumin mo na 'to."


Kinuha niya naman ang gamot at tubig. Matapos niyang inumin ay binigay niya ulit sa akin ang baso.


"Marunong ka palang mag-drive?" Tanong niya.


"Yes, fortunately. Sa susunod huwag ka ng maglasing ng ganoon, please."


"Sorry, naabala ka pa tuloy. Nag-alala ka ba?" Medyo nangingiting tanong niya.

Russian Roulette (Book 1 of RR Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon