Roulette #51

520 9 0
                                    

WARNING: this chapter contains violent scenes

---

Chapter 51 

(Past: Part 2)


Hindi matigil sa asaran si Clade at Valter habang magkatabi silang nakaupo sa pabilog na mesa na kinaroroonan ng kanilang mga magulang at ibang bisita sa pagtitipon.


"Clade, there's a chocolate buffet here somewhere," rinig niyang saad ng kakambal sa kanyang tabi habang lumilinga ito sa paligid.


Luminga rin siya sa paligid upang tulungan ito sa paghahanap ngunit pareho nilang hindi makita ang tinutukoy nito.


"How did you know there's a chocolate buffet?" Takang tanong niya.


Bumaling sa kanya si Valter na may malapad na ngisi. "I requested it, of course. We both love chocolates, especially chocolate fountain that's why I asked the staffs before the party to set up a buffet for that, too."


Napangisi rin siya dahil sa sinabi nito. "Let's ask permission from mamma to let us look for it."


Mabilis na sumang-ayon si Valter sa kanyang suhestyon kaya naman bumaling siya sa ina na nasa kanyang kabilang tabi lamang at kinalabit ito.


Nakangiting bumaling sa kanya ang ina mula sa pakikipag usap nito sa isang babaeng bisita na malapit sa kanilang kinauupuan.


"Yes, dear?"


"Mamma, can Valter and I go to the chocolate buffet?" Kumurap kurap siya at mas pinalapad ang kanyang ngisi para lamang mapapayag ang kanyang ina.


"Yes, mamma! We love chocolates," pagsingit ni Valter.


Natawa naman ito sa kanila at pinisil pa ang kanilang mga pisngi. "Sure. But, do we have a chocolate buffet here?" Nagtatakang tugon ng ina.


Nilingon niya si Valter na masaya namang tumango sa kanilang ina. "I requested it, mamma."


Muling natawa si Cordelia bago tumango. "Alright. But, make sure you won't mess your suits. Is that understood, my boys?"


Malaki ang kanilang ngisi na tinanguan ang ina at mabilis nila itong niyakap bago sila sabay na tumakbo palibot sa bulwagan.


"Where should we look for it, Valter? This hall is very big," nanatiling lumilibot ang mga mata niya sa paligid ng hall habang nakatigil sila ni Valter sa gilid.


Sadyang malaki ang bulwagan at maraming tao at mga buffet table ang nagkalat kaya nahihirapan silang maghanap.


"There. Let's ask him," turo ni Valter sa isang waiter na hindi kalayuan sa kanila. Nagsiserve ito ng mga inumin sa table na malapit sa kanilang kinaroroonan.


Naunang maglakad si Valter papunta sa waiter kaya sinundan niya ito. Nang makalapit, tumigil sila sa likuran nito at hinintay matapos sa ginagawa.

Russian Roulette (Book 1 of RR Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon