Roulette #54

442 12 0
                                    

Chapter 54 

(Allies)


"Siguraduhin ninyong kargado na lahat! Gusto ko lahat ng tauhan natin ay handa at ang mga armas natin ay kasado na!" Patuloy ang pagsigaw at pagmando ni Malekeith sa kanyang mga tauhang abala na sa paghahanda.


Tahimik namang lumapit sa kanya si Joshua at Redentor.


"Giyera na itong papasukin natin ah," komento ni Joshua.


Iritadong humarap sa kanya si Malekeith. "Talagang giyera ito! Dahil giyera ang hanap ng gagong Schartner na iyon! Lakas ng loob niyang makipag-alyansa sa atin ngayong hindi naman niya mabigay pabalik ang kapatid ko!"


"Pero tingin mo hindi natunugan ni Schartner na patibong mo lang ang pagkikita nating ito?" Walang emosyong tanong ni Redentor.


Nang matanggap ng grupo nila ang sulat ng muling pakikipag-alyansa ni Clade ay hinding hindi naniwala si Malekeith. Imbes na pagtitiwala, galit ang kanyang naramdaman para sa kinamumuhiang tao.


Galit siya dahil sa hindi pagsauli ni Clade sa kanyang kapatid at ngayon ay nagpadala pa ito ng sulat na nagsasabing kailangan nilang magsanib pwersa. Noon pa mang unang pagkikita nila ay hindi na niya nagustuhan ang pakikipag-alyansa nito at ngayon ay iyon pa rin ang hiling nito.


Kaya naman nagpadala siya ng tugon kung saan isinaad niya ang kanilang pagkikita upang mapag-usapan ang alyansang hiling ng kabilang panig. Ngunit ang totoo ay kabaliktaran nito ang balak gawin ng panig nina Malekeith.


Ngayong gabi ay binabalak niyang pulbusin si Clade at ang kanyang grupo...


"Sir, maayos na po lahat," imporma sa kanya ng isang tauhan.


Hindi pa rin maipinta ang mukha niya nang balingan ito ng tingin.


"Good. Sumakay na kayong lahat at aalis na tayo."


Hindi na niya nilingon si Joshua at Redentor nang tumalikod siya upang dumiretso sa kanyang chamber. Dali dali niyang nilapitan ang kanyang drawer at binuksan ang unang parte nito.


Bumungad sa kanya ang pilak na kwintas na ilang buwan nang nasa kanyang mga kamay. Ito ang parehong kwintas na suot ni Clade Schartner nang gabi ng engkwentro sa hotel ni Leiro Lovek.


"Tangina mo... Tingnan natin kung makakapalag ka pa sa'kin kapag pinagbantaan na kita gamit ito," madiing bulong niya habang nakatingin sa kwintas na sakmal ng kanyang kamay.


Agad niyang sinara ang drawer at mabilis na naglakad palabas. Nang makarating muli siya sa kaninang kinatatayuan ay inabot niya ang vest na inilahad sa kanya ng isang tauhan.


Tinanggap naman niya sa isa pang tauhan ang isang armalite at isang handgun.


Walang pasabi siyang sumakay sa ikatlong van ng anim na nakahilerang sasakyan. Sumunod sa kanyang pagsakay si Joshua at Redentor.


Russian Roulette (Book 1 of RR Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon