Roulette #47

478 13 0
                                    

Chapter 47 

(Call)


Nang medyo humupa ang usok, agad kong tinakbo ang gate. Hindi ako nagpaawat sa mga nagbabantay sa akin. Pinagsusuntok ko ang mga braso nilang pilit humihila sa akin palayo kaya ako nakalaya.


Nang makalapit, kinailangan kong takpan ang ilong ko dahil sa kaunting usok pa rin na nagkalat sa hangin.


"Clade!" Muli kong tawag sa kanya. Napaubo ako ng kaunti at pumikit pa dahil sa alikabok na pumupuwing sa akin.


May iilang pagdaing at pag-ubo akong narinig. Lumingon ako sa kanan ko nang marinig ang boses ni Alek.


"Ariadne," lumapit siya sa akin.


Marumi na siyang tingnan dahil sa alikabok sa kanyang damit at mukha ngunit wala naman siyang sugat. Ganoon rin sina Mikhail, Artem, at Rodion. Ngunit marami ang sugutan sa mga tauhan nila.


"Are you alright?" Tanong niya.


Tumango lang ako. "Where's Clade?"


"He's here, miss!" Saad ng isa sa mga tauhan.


Tinakbo ko ang banda nila, sumunod naman sa akin sina Alek. Napatakip ako sa aking bibig nang makita ko ang nagkalat na dugo sa damit niya. Parang bumalik sa akin ang alaala noong una ko rin siyang makitang sugatan at halos wala ng buhay.


Ngunit ngayon iba na. Dahil ngayon, sobra sobrang takot ang nararamdaman ko habang pinagmamasdan siya.


Agaran akong lumuhod at inalalayan siya. Tinulungan din ako ng iba. Sa braso lang tumama ang bala kaya may natitirang lakas pa siya para imulat ang mga mata niya. Hindi ko magawang tumingin sa kanya dahil abala ako ngunit ramdam ko ang titig niya.


Mapwersa akong pumunit ng maliit na parte sa kanyang damit at tsaka itinali iyon sa kanyang braso upang pahupain ang pagdurugo.


"Hey," baling ko sa mukha niya. "Can you stand up?"


Tiningnan niya pa muna ako saglit bago nagsalita. "Are you okay?"


Pinagkunotan ko siya ng noo. "What?!"


"I said are you okay?"


Ang sarap suntukin ng braso niyang may tama ng bala para marealize niyang siya ang hindi okay sa aming dalawa.


"God!" Frustrated kong bulalas. "You're shot and now you're asking me if I'm okay? Are you insane?!"


Nakuha pang tumawa ng loko!


"Yes," ngisi niya. "I guess I am..." pinakatitigan niya ako. "I'm relieved to see you safe."


Napailing na lang ako. Wala akong masabi sa tibay niya. "Whatever, Clade. Try to stand up. We need to go to the hospital-"

Russian Roulette (Book 1 of RR Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon