Roulette #14

761 14 2
                                    

Chapter 14 

(Powerful)


Napabalikwas ako ng higa nang biglang tumunog ng napakalakas ang cp ko sa gilid ng kama. Agad ko itong inabot at tiningnan habang nakapikit pa ang isang mata. Nakita kong ang alarm ko pala ang gumising sa akin kaya inis ko itong pinatay.


It's 5:30 AM. This has been my routine since kuya's departure. Hindi ko alam bakit pero simula noon ay nahihirapan akong matulog sa gabi kaya ending napupuyat ako. Ang naisip kong paraan para hindi ma-late dahil doon ay ang pagse-set ko ng alarm.


It's been more than a month nang umalis si kuya at simula noon ay mag-isa na ako sa bahay. I never heard from him since then. Reality hits me hard every time I look at our empty house. 


Dati naman na akong naiiwan mag-isa dito kapag may misyon din si kuya noon ng ilang araw pero ngayon iba na ang dating sa akin ng bahay namin. Para akong nagluluksa and I hate myself for it.


May times din na parang namamalik-mata ako dahil bigla ko nalang makikita si kuya sa kusina o sa sala. Hindi ko alam kung maiiyak ako o matatakot sa pag-iisip na baka siya nga iyon at iyon na ang huling dalaw niya sa akin. Every time that happens, I can't help but to breakdown and cry.


Aiden offered me a lot of times to stay with me in our house pero lagi kong tinatanggihan dahil ayaw kong maging malaking abala sa kanya. Nababahala na nga siya sa kalungkutan ko kapag nasa labas kami o nasa hospital, baka mas lalo siyang ma-stress kung dito pa siya mananatili.


Bumuntong-hininga ako at nagpasyang tumayo na. Pipilitin kong bumangon kahit mahirap. Siguro oras na para magmove-on at manalig na lang na okay si kuya at walang nangyaring masama sa kanya. I'll just continue to pray for him.


Nang matapos ako sa morning rituals ko ay dumiretso ako sa kusina. Kasabay ng pag-alis ni kuya ay ang kawalan ko rin ng ganang magluto o kumain ng maayos kasi lagi ko siyang naiisip. Kaya bumili ako noon ng maraming de lata at noodles. Alam kong unhealthy pero uubusin ko lang ang mga ito at babalik na rin ako sa dati.


Kinuha ko ang isang cup noodles na maanghang at nilagyan ng mainit na tubig. Nakasandal ako sa gilid ng lababo at nakatulala habang hinihintay na lumambot ang noodles. 


Nabalik ako sa huwisyo nang marinig ang katok sa pinto. Napatingin ako doon at hinintay kung may kakatok nga ulit dahil baka guni-guni ko lang.


Inatake ako bigla ng kaba dahil baka mamaya kung sino ang kumakatok. Masyado pang maaga at tulog pa ang mga kapitbahay namin, kanino ako hihingi ng tulong?!


Naalala ko rin tuloy ang mga habilin palagi sa akin ni kuya tungkol sa mga akyat-bahay. Gagi, ito na ba 'yon?!


Biglang tumunog ang cp ko sa mesa kaya agad ko iyong kinuha at sinagot nang makitang si Aiden ang tumatawag.


"H-Hello, b-babe, help me please," natatarantang bungad ko dahil sa takot. Narinig ko rin ang pagkataranta niya sa kabilang linya.


"What happened, babe?! Open the door!" 


Russian Roulette (Book 1 of RR Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon