REE
Kumatok ang isang nymph sa pinto ng dorm namin. Nakasuot ito ng uniform ng nurse.
Magkakasama kami sa dorm ng ibang direct descendants. Since kaunti lang ang population ng mga estudyante compared sa iba at sa Camp Semideus.
"Ako na." I volunteered to open the door.
"Gising na po siya." The nymph informed us. Yumuko ito bago umalis.
"Thank you po!"
Pagkaupo sa upuan ay sinabi ko na sa kanila. We were eating breakfast. Mamayang 9 pa naman ang start ng klase.
"Bisitahin natin siya bago pumasok sa klase." aya ko sa kanila.
"I'm in!" sinubo ni Milo ang pancake.
Nagtalo pa kami ni Desmond kung sino ang maghuhugas ng pinggan. Ayaw niyang ipagawa sa akin, ako na daw kasi ang nagluto. Imbis na sponge ay hand lotion ang binigay niya sa akin.
I'm the only girl in this group. Sila madalas ang gumagawa ng mabibigat na gawaing bahay. They treat me like a Princess.
Hinawi ko ang kurtina sa cubicle ng babaeng kasama noon pabalik sa Institute.
"Hello!" bati ko dito.
Naguguluhan siyang tumingin sa amin. She blinks fast and glanced at us.
"Nasaan ako?" she pulls the quilt closer to her.
"Institute." Alistair closes their distance.
Hindi niya napansin ang kamaong palapit sa pisngi niya. He is too close ogling her... too much. Napaupo siya sa sahig. With blood on his lips. We tried to help him pero nakatayo na siya bago namin malapitan.
Pinunasan niya ito, "You're welcome."
Nakatakip ang kamay ko sa bibig ko. Wala pang sumusuntok sa kanya ng ganun. Ever. No one dares to do it.
"Oh my god..." she groaned, "Shit! I need to get home." nagmamadali siyang isuot ang sapatos niya.
"You can't." Milo confronts her.
"Really?" she smiles cockily.
"Madaming maghahanap na demons sayo sa labas." Milo grabs her arms.
"Demons?" tumaas ang kilay niya sa amin.
"Yup. Tulad ng Limos na umatake sayo days ago." I chime in.
"Sorry, isang araw lang akong tulog."
She smiles sarcastically."Correction," Desmond counts on his fingers, "4 days ka dito sa clinic."
"What the fuck?!" she sure is loud.
The nurse took her temperature, blood pressure and heartbeat bago siya paalisin. Sa amin din siya pinasama dahil kami ang nakahanap sa kanya.
"You have no classes for today." the principal give us a day off, "Tour her around first."
"Yes, Ma'am."
Pagkalabas namin sa office ay panay ang titig ng mga estudyante sa amin. She is new. Nakakaramdam ako ng malakas na kapangyarihan sa kanya.
"Kilala mo ba kung sino ang Deity mo?" I ask walking backwards.
"Deity?" kumunot ang noo niya.
"Ree baka mabangga ka." Milo reminds me.
"Sorry." excited ako kasi may bago kaming kasama, "Godly parent."
"You're joking right?" she laughs at me.
Hindi pa pala kami nagpapakilala. I forgot to introduce myself kanina. Ano ba yan? Nakakahiya.
"Ako nga pala si Coriane, Ree for short." pagpapakilala ko, "Daughter of Macaria."
"The guy with the glasses is Milo, si Desmond yung nasa gitna—"
"Alistair, son of Cocytus." nagsukatan sila ng tingin.
There's tention in the air. He smirks while her eyes speaks danger. Patay kami kay Hades kapag nasira ang lugar na ito. Mom can't help us with that.
He is my grandpa but I doubt he will spare my soul from his anger. Ayaw niya din na tinatawag na Lolo!
"Guys stop it already." Milo goes between them, "Nasa gitna pa tayo ng daan."
"Tss." his pride is above his head.
"I'm sorry about that." I apologize on his behalf.
She clears her throat, "Lilith, Lilith San Diego."
Iginiya namin siya papunta sa dorm namin. May isang kwarto pa naman ditong hindi ginagamit kaya doon muna siya.
I am invading her privacy pero... "Did your Deity claim you already?"
"Claimed? I don't know." she blinks, at me.
"Hmmm... Okay." palabas na ako ng kwarto, "By the way. Welcome to Dark Shadows Institute!"
LILITH
Deity? Claimed?
Pfft, baka nasa mental institution ako.
Nagrorole play din siguro sila dito. With their uniform mukha silang estudyante o nagpapanggap lang sila.
Nasa mental nga ako.Anong problema ng lalaking iyon kanina? May gusto pa yatang patunayan. Hindi iyon tatalab sa akin.
He feeds on his pride.
Nakalimutan ko pang tanungin kung ano ang demigod na sinasabi nila. I'm not good with academics pero may common sense naman ako.
May kumatok sa pintuan ko. I am sitting on this king sized bed. Kasya pa yata ang apat na tao kapag natulog dito.
Binuksan ko ang pinto. Sumilip ako sa maliit na siwang ng pinto.
It's the other guy. What's his name again?
"Sorry, nagpapahinga ka ba?"
"Uhmm, not... really."
"Desmond, Son of Alastor." nakangiti niyang inabot ang kamay sa akin.
I shook it.
"Nice to meet you." if it was the word for them...
"Pinapatawag ka pala mamaya ng Principal, mga 3 pa naman. About your clothes, dadalahin dito iyon pati yung uniform mo."
"Thank you." sinarado ko ang pinto bago nag-ayos.
Wala pala ang duffel bag ko dito. Naghilamos na lang ako at nagtooth brush meron naman dito sa kwarto.
Three pm came, papunta na ako sa Principal's office. I'm late kasi nakaidlip ako. Hindi na ako nagabalang kumain ng lunch. Makikita ko na naman ang mukha ng lalaking iyon.
Kumatok ako bago pumasok, "Good afternoon po." magalang pa din naman ako.
"Have a sit."
Orphne. That was her name.
"Who is your Deity?" that again, "I sense a strong power in you."
"I don't know." I am annoyed for pete's sake.
"Here, hold this." inabot niya sa akin aking isang crystal ball. It is transparent.
I blink at her. Unsure of what to do. Bahala na nga. Pinatong ko ang mag kamay ko sa bolang crystal.
A puff of smoke is inside it. Black and misty. A gold key among the snakes is inside it. She looks at me, amused and amazed.
"Interesting." bulong niya.
Tinitigan ko siya. Nahihiwagaan din ako sa nangyayari. Nakikita ko lang ito sa mga palabas na may CGI effects.
"Welcome child of Hecate."
![](https://img.wattpad.com/cover/231463815-288-k757694.jpg)
BINABASA MO ANG
Children Of The Abyss
FantasyTales of Olympus Book 2: Mischief. Madness. Monsters. If there's a camp for Olympians, then there's one for the Underworld Deities... Where caste and ranks exists among their population. The institution for generation of underworldly demigods. The...