31

113 4 0
                                        

LILITH

Parang isang araw lang ay nakaratay ako sa kama ngayon ay balik na kami sa klase. Ganoon din kami ni Alistair. Tulad kanina.

Hindi namin pinaalam sa iba ang prophecy. It is selfish lalo na at madadamay sila pagdating sa giyera.
We'll tell them... only when we find answers.

"I know a group of demigods to be involved in this war." pinaikot namin ang desk namin.

"We don't know when or where." sabi ni Ree.

"I think... tungkol iyon sa mga anak ng Olympians." sabi ko.

"Why do I feel we are gonna get involved?" si Desmond.

"Iwasan natin sila kung ganoon." dagdag ko.

Tama. Mas mabuti na iyon. Ngayong alam namin na may mangyayaring ganoon hindi kami pwedeng magkita ko magsama-sama. But what are the chances na hindi kami magkikita? Kapag hindi kami lalabas ng institute!

Tinanggal ni Milo ang suot na salamin. Hinihilot ang sentido.

"What's with the glasses Milo?" tanong ko.

"Wala na akong liquid para sa contact lenses." sagot niya.

"Dark brown talaga ang kulay ng mata niya." Ree explains.

Kaya pala kapag madilim ay nangingitim ang mga mata niya. Sumingkit din ang mga mata niya.

Naningkit din ang mga mata ko sa pagdikit nila ni Ree sa isa't-isa. Natatawa naman si Desmond. Buti naman at tulog si Alistair at tahimik ang mundo ko.

"Don't give us that look Lilith." si Ree.

"Why?" I bore my eyes into them.

Halos magtago naman si Ree sa likod ni Milo. Lalo silang nagdikit na dalawa. Natatawa si Milo at Desmond sa akin.

"Nandiyan naman si Alistair." tukso nila.

"I'd rather not. Sumiksik siya sa aso niya." bored kong sagot.

"I can hear you." sabi ng katabi ko.

"Then cover your ears." sabi ko. Pinagkrus ko ang braso sa dibdib ko at sumandal sa upuan.

Andito nga pala ang gagong ito. Bakit pa siya pumasok kung matutulog sa klase. Muntik pa kaming mapagalitan dahil sa kanya!

"No. Hinehele ako ng galit mong boses." pangaalaska niya.

"Gusto mo bang masuntok?!" naiirita kong tanong.

"Kung ikaw ang gagawa bakit hindi." nakatingin siya sa akin ngayon.

"Baliw." baka lalong maalog ang utak niya.

"Baliw sayo." mahina niyang sinabi.

Naginit ang pisngi at tenga ko. Wait. Hindi, mainit lang talaga sa classroom. Bakit kasi walang aircon dito?!

Those dull, lifeless, gold-green orbs, thick brows, katamtamang haba ng pilik mata, hindi naman pango o matangos ang ilong niya,yung mapula niyang labi, his hair is always tousled na bumagay sa kanya,his jawline—PUTANGINA!

He smirks at me. Para siyang nanalo sa lotto sa itsura niya.

"Umamin na kasi." pagpaparinig nila.

"Wala akong aaminin." honestly wala.

Dumilim ang tingin niya sa kanila. He is weird. Bakit siya magiging affected eh hindi naman dapat.

"Hades will be honored to do your ceremony!" sabi ni Ree.

Mahilig sa sapilitan si Hades. I don't know Alistair's pero ganun din ang nakikita ko sa kanya. Mukhang hindi niya nakuha ang mga gusto niya noon. Para siyang napagkaitan ng mga bagay na gusto niya.

Umiwas ako ng tingin at tumikhim. Dumating ang guro para at nagsimulang magturo. Panay ang lingon ko sa lalaking katabi ko kanina.

Why do I feel sad for him? Naiinis dapat ako sa kanya. Hindi ganito.

Parang hangin na dumaan ang tinuro sa akin ng guro. Mababa tuloy ang nakuha ko sa output na pinagawa niya. Kaasar!

"Class, may ball nga pala tayo this Friday." paalala niya, "Pupunta sila Persephone, Hades at ang mga anak nila."

"Para saan po?" tanong ko.

"Founding anniversary ng Institute." she gathers her things, "Class dismissed."

"Thank you Ma'am!" we bow to her.

Pagkatapos ng araw na iyon ay nagpalit kami ng damit. Pambahay na shorts at halter top ang suot ko habang nanonood ng tv.

Naiisip ko ang prophecy.

The first three lines are us, Olympian demigods and Keepers tulad ng sabi ni Desmond, the place is questionable,
Caged prowess? May iba pa ba kaming abilities? The last part is the possibility.

Sino ang magiging kalaban namin?
Trophonius sends us a only a warning.

We ate our dinner at nanonood ng movie. Romance comedy para maiba naman daw. Sila Milo at Ree lang ang inaabangan ang romance. Us, the comedy part.

Hindi ko napigigilan ang pagsabay ng tawa ko kay Ree. I don't hold it baka magkasakit ako sa puso.

"Andito ka pala." si Milo.

"Bawal ba?" umupo si Alistair sa carpet sa sahig.

"Amen." sabay na nagsalita si Ree at Desmond like they uttered an answered prayer.

Nagkibit balikat ako. Hinayaan kong nasa malapit siya. Gusto kong maenjoy ang movie. Tumitili kami kapag kinikilig, unknowingly I am hitting Alistair.

I clear my throat, "Pasensya na."

"It's okay... kaysa sa iba mo ginagawa." binulong niya ang huling pangungusap.

"Huh?" tumingala siya para matignan ako.

"Wala. Ang ganda ng mga mata mo." there it is again.

Nagligpit at natulog na kami pagkatapos. May training pa kami bukas ng umaga. Sa hapon ay pupunta kami sa mortal realms para mamimili ng damit.

Kinabukasan ay nagmamadali kaming lahat dahil 8:25 na kami nagising. Pinakain pa sila Quinzel at Viper. 9 am ang usapan para sa training sa umaga.

"You're late!" sabi ni Sir. Dennis.

Ang ending at tiniriple niya ang unang batch ng demons. Dahil sa pagod ay nahirapan kami sa mga giants na pinalabas niya.

"Bakit hindi kayo mamatay-matay?!" reklamo ni Ree.

"Find their weak spot." turo ni Sir.

"Beheading them will do it." sabi ni Milo.

"Use your abilities!" sabi ni Sir sa amin.

"Síkose me." binuhat ako ng giant.

I run from his open palm. I targetted his nape saka pinagulong ang ulo niya sa sahig.

Pinaluhod naman sa sakit ni Milo ang gigantes sa harap niya, Ree jumps and beheads hers, Desmond breaks the giant's neck. Alistair cuts the gigantes hands, jumps from mid air cutting its head.

He dismissed us after.

"Let's eat lunch. After that we will go to the mortal realms." aya ni Ree.

Children Of The AbyssTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon