3

255 9 0
                                    

MILO

Si Desmond ang nakatokang magluto ngayon. He cooks good actually. Tuwing nagcecelebrate kami ay siya ang nagpiprisinta para magluto ng pagkain.

"Good morning!" bati ni Ree.

"Morning," Lilith is in her uniform at mukhang inaantok pa.

"Good morning ladies..."bahagya akong nagbow kaya natawa si Ree.
"Where's Alistair?" umasim ang mukha ni Lilith sa tanong ko.

"Maaga siyang umalis." nilapag ni Desmond ang mga lutong pagkain sa harap namin.

Hindi ito yung usual na agahan namin. American style madalas dahil doon kami sanay. Ngayon ay may sinangag, spam, scrambled eggs at itlog ang nakahain!

"Stop. Magdasal ka nga muna!" pigil sa akin ni Ree nang kukuha na ako ng pagkain.

Si Lilith ang nagdasal para sa amin. She's a bit aloof kaya binigbigyan muna namin siya ng panahon para magadjust. She looks kind actually.

Pagkatapos kumain ay nagpunta na kami sa classroom. Nagdagdag lang ng isang upuan para kay Lilith.

"Anong unang subject?" tanong niya.

"History." sagot ko. Hindi basta-bastang history ang ituturo sa amin.

Pagdating sa classroom ay nandoon na si Alistair. Sipping on straw of a milk na nakateterapack. Kung bakit hindi kasi siya nagalmusal kasabay namin sana ay natikman niya ang lutong sinangag kanina. Hindi yung nagtitiis siya sa gatas.

"Ang aga mo naman bro." puna ni Desmond, "Inutusan ka ba ng principal?"

"Hindi. Maaga lang talaga akong umalis." bored niyang sagot.

Tumango-tango na lang siya. Convince yourself like that Desmond. Napangisi ako. Last time hindi sumabay si Lilith sa amin, ngayon si Alistair. Hindi naman sila magpapatayan sa harap ng lamesa di ba?

Pumasok sa loob ang isang nymph. Sila ang nagsisilbing guro namin, minsan may demigods naman but mostly sila.

"Good morning class!" she has no books and class record.

"Good morning Ma'am!." bati naming tatlo. Dedma ang dalawang nasa dulo.

Dumapo ang mga mata niya kay Lilith, "Ikaw pala ang sinasabi nilang bagong estudyante." she is amused obviously, "Who is your deity?"

"Hecate." walang ganang sagot ni Lilith.

No fucking way! Kaya pala kakaiba ang aura niya noon sa clinic. She screams danger that time. Nagulat kaming tatlo.

"Let's begin our class, shall we?"

Nagsimula siyang magdiscuss tungkol sa Underworld. Ani ito at ang mga parte nito.

Underworld is an otherworld where souls go after death. The original Greek idea of after life is that, at the moment of death, the soul is separated from the corpse, taking on the shape of the former person, and is transported to the entrance of the underworld. Good people and bad people would then separate.

May geography din naman ang Underworld.

May anim na ilog dito na konektado sa mortal realms. Styx (hatred) , Acheron (pain), Lethe (forgetfulness), Phlegethon (fire), Cocytus (wailing), at Oceanus.

May limang lugar naman na pinupuntahan ang mga kaluluwa. Tartarus, Asphodel meadows, Mourning Fields, Elysium at Isle of the blessed.

"Hades, Zeus and Poseidon's brother, is the king. Persephone, Demeter's daughter, is the queen whom he abducted from above."

Binaggit niya din ang mga minor at mahahalagang deities dito.

Pagkatapos noon ay may one hour break kami. Sa laboratory naman kami. Since Poison and Potions ang susunos na subject. Dito kami nagawa ng mga lason at potions gamit ang mga chemicals at tubig sa ilog ng underworld.

Pagkatapos ay Necromancy. Kung saan bubuhay kami ng mga patay, but not for long. May mas malakas sa amin diyan iyon ay si Hades at ang anak niya.

After class ay dumiretso kami sa dorm. Magpapahinga na sana kami ng may sinabi si Ree.

"Claiming ceremony mamaya." kumakain siyan ng Ice cream habang nanonood ng tv.

We were claimed before entering the institution. Pagpapakilala pa lang ang  sa mortal realms. Dito sa institute ay bibigyan kami ng graces or gifts ng mga deity namin. Doon din malalaman ang rankings namin.

Cool, right?

Bale may tatlong rankings dito. Watchers, Elites, at Keepers.

Watchers (lowest rank), the indirect descendants kadalasan ay grandparents na nila ang mga deities, ang direct descendants lang ay witches. Tulad ni Circe at Medea. Sila ang nagmomonitor ng mga gumagawa ng missions.

Elite (middle rank), direct or indirect descendants na mas mababa pa sa minor gods. May minor gods na kasama but bilang lang sa kamay. Spies or shadows ang tawag sa kanila.

Keepers (Highest rank), tagapagbantay ng mga demigods sa mortal world. Trained to protect them, swearing thier loyalty by blood oath. Literal na 'til death do us part.

Kapag namatay ang master ay mamatay din ang keeper or nauunang mamatay ang keeper dahil sa pagsasakripisyo.

"Nakauniform daw ba?" tanong ni Desmond.

"Yups!" Tutok sa tv si Ree.

Puro anime ang pinapanood niya kya hindi kami madalas makanood ng tv.
Ngayon nanonood siya ng SAO: Alicization.

"Pwede ba kaming manood?" tanong ko.

"No!" mabilis niyang sagot. Alam niyang ililipat namin iyon sa ibang channel.

Magkalayo sina Lilith at Alistair na para bang sasabog kapag magdidikit sila. Nasa kitchen island si Alistair, nagkakape, habang nasa balcony si Lilith umiinom ng tsaa.

"Bakit mo sila pinapanood?" Tanong ni Desmond.

"Para kasi silang bomba kapag magdidikit." sagot ko.

"Bomba?" naguguluhan niyang tanong.

"Oo, yung delikado kapag magkasama sila."  they are watching each other.

"Tangina nakikita mo ba ang nakikita ko?" natatawa niyang sabi.

"Ang alin?" nakakunot ang noo ko.

"Parang may laser sa mga mata nila."

Walang emosyon ang tinginan nila pero walang gustong magpatalo. Halos wala din kumurap sa kanilang dalawa. Kung may bibitaw ay yun ang matatalo. Kahit sa paginom ay nakatingin sila sa isa't-isa.

Naputol lang ang tinginan nila ng sumigaw si Ree.

"Hey!" pinalo niya ang kamay ni Desmond na ilalapaga ang kutsara sa ice cream gallon, "Baka may virus ka ha."

"Ouch!" daing nito, "Wala. Ibibili na lang kita ulit ng ice cream."

"Sigurado ka?" nagningning ang mata niya sa narinig.

"2 gallons." he offered.

"Thank you!" maligaya niyang sagot.

Nakinood na lang din kamj sa pinapanood niya. Wala kaming magagawa dahil siya ang nauna sa amin dito. Pinatay namin ang oras habang hinihintay magalas-sais ng gabi. Sa Ceremonial hall naman gagawin ang claiming ceremony kaya mabilis kaming makakapunta doon.

Children Of The AbyssTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon