18

121 4 0
                                        

LILITH

"Get your pens. We have a quiz." Sabi ng teacher namin. May hawak siyang mga bond-paper.

Akala ko sa mortal realms lang may quizzes. Ano ba iyan. Since muntik na daw kaming bumagsak sa Necromancy ay pangdagdag sa point namin sa final grades.

It's a 25 question answer sheet.

Hiwa-hiwalay ang upuan namin. Para walang magkopyahan. Lima nga lang kami sa klaseng ito mukhang hindi pa kami nagaral.

Unang tanong pa lang ay alam kong mali na ang sagot ko. Sana ay history na lang ito mas makakapasa pa ako.

"15 minutes left." nakatingin sa relos ang guro.

"Ang bilis naman ng oras." reklamo ni Milo.

"Nakatingin ka lang kasi sa papel mo ng buong oras." sabi ng teacher namin sa kanya.

Obviously hindi kami nag-aral. Akala namin okay na yung grade sa necromancy may pahabol pa pala.

"Psst... Lilith."

Wag mong iaangat ang ulo mo.

Wag mong iaangat ang ulo mo.

Wag mong iaangat ang ulo mo.

Hindi ko natiis na tignan sila. Nagmamakaawang mga mata ang sumalubong sa akin. Mga anak ng diyos ng underworld! I never cheated on my exams... Well, once. Iyon lang dahil Arithmetic ang sinasagutan ko!

"Pahingi ng sagot." si Ree.

"Wala pa yung iba." bulong ko.

"Okay lang." si Milo.

"Dali. Matatapos na yung oras." si Desmond.

You thought only mortals can do this? Demigods din. Admit it you tried cheating too! Kahit pagbibigay ng sagot cheating na iyon.

"5 more minutes." what?!

Wait lang. Nasa kalahati pa lang ako! Wala pang sagot ang iba.

"Eto na."

Pinagulong ko ang nilukot na papel sa sahig. Pagminamalas ka nga naman sa maling kamay pa mapupunta! Nagtaas ng kilay sa akin si Alistair. He is an asshole kapag hindi niya inabot kay Ree ang papel. Sumenyas ako na iabot kila Ree. He smirk at me kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Kung magsusumbong siya idadamay ko siya dahil hawak niya yunh papel.
Nakahinga ako ng maluwag ng ibigay niya ito kila Ree.

"Last one minute."

Nagsimulang bumilang ang teacher ng thirty seconds, "Times up. Finish or not finish pass your answer sheets."

Sinabi na din agad sa amin ang score dahil siya ang nagcheck noon. Yung katabi ko pa ang highest, 16 over 25 ang score niya. He smirks at me!

Don't get cocky Alistair. I have a whole year to get higher score than that!

Buti na lang ay pasado kaming lahat. Sunod-sunod naman ang score namin. I got 14, Ree and Milo, 13 ang lowest ay si Desmond na 12.

Natapos ang araw namin. Na puro quiz at halos bumagsak kaming lahat.

"May sumpa yata ang araw na ito. Puro quiz ang nakuha natin. Walang practical!" maktol ni Ree.

"Basta nakapasa tayo!" si Desmond.

He looks different. Hindi katulad noong isang araw. He is his usual self not the gloomy and angry looking Desmond.

"Ano yun Lilith?" I stared too much.

I cleared my throat, "Wala naman." ngiti ko.

I can now smile at them hindi tulad noong una ay iwas at pilit ang kilos ko tuwing nariyan sila. I am more comfortable noong nagkwento ako kay Ree but not the whole story.

Nabangga ako sa likod ni Milo noong huminto sila. Bakit kasi ang tangkad ih!

"Anong nandiyan?"  hawi ko sa kanila.

Para kasi silang mga tore. Hindi ko tuloy makita ang nasa unahan. My lips form a grim line. Naiirita ako sa babaeng ito!

"Oh good you're here!"

Natahol na naman ang aso ni Alistair. What is she doing here? Nasa second floor ang dorm nila 'di ba? Hindi naman uso ang guard dog sa loob ng dorm.

"Ano iyan?" nakalahad sa harap ko ang isang envelope na may gold wax.

"Invitation, duh." maarte niyang sagot.

"Saan? sa burol mo?" the words slip accidentally.

"You bitch." masakit sa tenga ang boses niya ha.

I thought she knows every next move may pagkaslow din pala ang antena ng babaeng ito.

"Challenge invitation." tinagilid ko ang ulo ko, "Bukas sa training hall. Alam na ng mga teacher iyan."

Attention seeker. Kinuha ko ang invitation. May ganito pang nalalaman. She wants to commemorate this day?

"Pupunta ka?" halos magsalubong ang kilay ni Ree.

"Yeah." bored kong sagot.

Napatingin ako sa balcony. Habang buhat si Quinzel na galing sa kulungan ni Viper.

Flashback

"Do you trust me?"

Humalukipkip ako sa harap ni Alistair.

"I don't..." hindi kasi katiwa-tiwala.

May dumaang lungkot sa mata niya o guni-guni ko lang iyon. Suntukin ko kaya ulit siya baka maging magkaibigan pa kami.

"Why?" he asked, palapit sa akin.

"Obvious naman na yung rason eh." malapit na ako sa bannister ng balcony!

"Hindi mo ba magagawa kahit saglit?" he wants me to trust him that much hindi ko pa naman siya kilala ng lubusan.

"You're joking right." shit, nakadikit na ako sa bannister.

"I'm not." he sound so sincere.

Wala siyang ganoon sa katawan Lilith. Wala! Ni isang hibla. Binato niya nga ako ng kutsilyo. Sincere ba iyon?

"Papasok na ako sa loob." hinila niya ako at kinulong sa pagitan ng mga braso niya.

"Maguusap pa tayo." his face is too near.

"No. We are done." final answer na iyan.

Naalala kong nasa third floor pala kami. Mababasag ang bungo ko kapag nahulog ako dito. Gusto ko pang makita si Papa! Hindi ko ability ang lumipad.

"Bakit ka ba galit sa akin?" hindi niya pa din ako pinapakawalan.

"You're a fucking asshole!" sigaw ko.

"You owe—" hindi ko na siya pinatapos.

"Owe you what? My life?" I sneer at him, "I didn't wish you to save me."

I want to die right then and there. I hate the sinking feeling na nagaalala ako kay Papa. I hate it... so much. Siya na lang ang nayroon ako.

"Then kill me." hamon ko.

I don't care kung mabagok ang ulo ko. It will be better. Makakalimot ako. Makakalimutan ko ang lahat ng ito.

"As you wish." his gentle eyes slowly left mine.

I feel the wind on my back and closed my eyes. Wala na ako sa balcony. This is it. It is the end. Lilith San Diego dies on an unknown place. But it did not came.

Someone jumps from the balcony and supports my back hanggang sa nasa lupa na kami.

"Bakit mo ko sinalo?!" hindi ako iiyak sa harap niya.

"Do you trust me now?"

"No. Not one bit."

He tried to pull me pero sinampal ko lang siya. Napaharap sa kanan ang mukha niya. Bahala siya sa buhay niya.

End of flashback

Children Of The AbyssTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon