6

239 7 0
                                        

REE

"Into the mall~ Into the mall~!" kanta ko palabas ng kwarto.

Na-LSS ako sa kanta ng Frozen 2. Yung kantang 'Into the unknown'. Sinalubong ako ni Milo. Ako na lang pala ang hinihintay nila.

"Stop singing Ree." pigil sa akin ni Milo, "Let's go. Para makabalik tayo ng maaga."

Iniwan muna ni Lilith si Viper sa clinic. May luma kasing aquarium doon kung saan dati nakalagay ang isang gagamba. The spider was dead already.

"Killjoy." I mumbled.

May portal na ginawa si Hades sa school. Kung saan pwede kaming pumasok papunta sa mortal realms. Hindi naman halata na gumagamit kami ng portal dahil sa tagong lugar kami lalabas at mas malapit sa pupuntahan namin.

The mall is filled with people dahil Sunday.

"Family day." bulong ni Lilith.

"Huh? Ano yun?" tanong ko. Tahimik naman ang tatlo sa pagsunod sa amin.

"Dito sa mortal world, my araw para magsama-sama ang pamilya for a day. Usually Sunday." paliwanag niya, "Kaya tuwing linggo ay nagsisimba o namamasyal lahat. Minsan kasama pa ang aso." a ghost of sadness is in her eyes.

"That's why." pagtango ko, "Bakit hindi natin gawin?"

"Ang alin?" tanong ni Desmond.

Bumalik na sa dati ang kulay niya. Kumpara kahapon. Nilabanan pa ng dugo niya ang lason sa katawan.

"Family day!" excited kong sagot.

Lumaki ang iba sa amin sa institute. Kaya ganito. Lalo na si Alistair, Milo at ako. Desmond came to the institute four years ago.

"I thought bibili lang tayo ng cage?" tanong niya.

"This is our family!" sabi ko.

Naisip kong gawin ito kasi hindi naman namin madalas makita ang parents namin. So, why not! Saka gusto ko din mapangiti si Lilith. I'm sure miss na niya ang papa niya.

"O-Okay." she smiles for the first time.

"Let's go!" hila ko sa kanya.

Nagikot-ikot muna kami sa petshop. May mga isda, aso, pusa, at ibang exotic na alaga ang nandito. My pagong pa sa aquarium.

Kinakausap pa ni Lilith ang shopkeeper kaya nakakapagikot pa kami. She bought a cage, a tree branch, water dispenser saka pangalagay sahig ng cage.

"Miss blocked na po ang card niyo." sabi ng cashier sa kanya.

"O shit! Sorry. Wait lang po, Kuya."

Hindi niya pa yata alam ang tungkol black card na ginagamit namin for school passes. Doon nilalagay ng deity ang yearly allowance namin. Black card ang tawag sa school passes namin. May pangalan at ID number in gold . My chip sa loob nito in case na mawala.

"Anong gagawin mo sa School pass ko?" tanong niya kay Alistair. Naiirita siya pero takot din siyang hindi makapagbayad.

"Use this." binigay niya ang card sa cashier.

"Okay na po, Ma'am." ngumiti ang cashier na lalaki, "Thank you po, visit us again!"

Nagpatiuna na siyang maglakad sa labas. Sumunod ako sa kanya. Saka nagpaghuli ang mga lalaki. Para tuloy namin silang bodyguards.

"Welcome." narinig kong bulong ni Alistair. Nakapokerface pa din siya. His usual look.

"Paano nangyari iyon?" wala sa sarili niyang tanong.

"Nandiyan ang budget mo for this school year." Desmond explains.

"You want to have it checked?" Milo asks.

"Huh?" nalilito niyang tanong.

"Tara." Hinila ko siya sa isang ATM machine, "Go on."

Pinasok niya ang card dito. Automatic na niread ng machine ang cars. Nagulat kami sa dami ng zero sa account niya.

"150 million pesos?!" bulong niya.

Kinuha niya ang card saka tinago sa wallet na dala. Windang siya habang naglalakad kami. Walang mababakas na emosyon sa mukha bukod sa mga mata niya.

"Don't be shocked. Galing sa underworld ang pinakamayamang demigod." Milo laughs.

"Sino?" she faces him.

"Colette Blackburn, Princess of the Underworld." he told her.

Gold ang card ng anak ni Hades. She does not stay with us. Dahil nasa ibang lugar siya.

Kumain kami sa isang restaurant. Treat na daw ni Lilith dahil nagiguilty pa din siya sa nagawa kay Desmond.
She shopped for clothes too. Kulang kasi ang gamit niya.

"Here!" inabot niya sa akin ang paper bag galing sa isang anime merchandise store.

Mayroon din sila Desmond at Milo. For Alistair isang libro. The title fits his aura.

"Wah!" pillow na may mukha ni Hinata at plushie ni Kageyama! "Thank you!"

Nanonood pa kami ng sine. Manghang-mangha kami ni Milo. Were in a 3D theatre at horror pa ang palabas. Wala lang sa amin ito. Tinatawanan lang namin ang mga zombies habang nasigaw ang iba.
First time din namin maglaro sa arcade. Magpapatayo ako ng ganito sa dorm at hindi na lalabas! Nagdinner kami after that. Ako naman ang nangtreat dahil ako ang nakaisip ng 'family day' na ito.

Nakakapagod pero nakakaenjoy!

Bumukas ulit ang Portal kung saan kami lumabas kanina. Pagbalik sa dorm ay tinulungan namin magset-up ng cage si Lilith.

"Kukunin ko lang si Viper." paalam niya.

Sumarado na ang pinto paglabas niya.

"Ree you look tired." Milo noticed.

"Magpahinga ka na." Desmond told me.

"Mamaya na. Gusto kong makita si Viper sa bago niyang bahay." I assured them I'm not tired.

Nakakunot ang noo ni Alistair habang tinitignan ang libro. Hindi magbubukas iyon ng kusa. Titig na titig siya dito. Hindi naman ito ang unang beses na makatanggap soya ng regalo.

Kiera gave her one before pero tinapon niya lang. Nagiwas ako ng tingin ng lumingon siya sa amin. Tumigil siya sa ginagawa ng pumasok si Lilith sa loob.

"Here you are." nilapag niya si Viper sa kulungan.

Nasa Living room kasi ang kulungan niya. Para may mata kami sa kung sino man ang papasok sa loob ng dorm.

The snake explored the whole cage until she settled on the tree branch. Sinabi pa niyang mamaya na ito pakakainin. Mukhang tataba ang isang ito dito.

Nanood ulit kami ng movie bago matulog. Training lang naman ang gagawin namin bukas. Kaya okay lang magpuyat. Naghanda ng chips and drinks sa coffee table.

Nawala si Alistair sa upuan. Ganoon din ang librong hawak niya. Where did he go?

Children Of The AbyssTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon