LILITH
The next days were the usual. We are studying and training at the same time. Naging usap-usapan din ang nangyari sa training hall.
Balita ko ay pinagalitan ni Sir. Dennis si Kiera. What she did was irrational.
I have to thank her dahil mas maiksi ang oras ng training ko bukod sa apat kong kasama.Balik din kami sa dati ni Alistair. He stares at me, I give him a glare. Ganoon ang nangyayari tuwing nahuhuli ko siyang tumitingin sa akin. He sometimes smirks but I just roll my eyes at that. Not worth my time.
"Ree." katok ko sa pintuan niya, "Pwedeng pumasok?"
"Sure. Bukas yan." her voice is muffled.
"What are you doing?" may pintura ang mga kamay at apron niya.
"Painting." pumili siya ng brush.
"Painting?" tanong ko.
"Naisip ko lang ipainting." masaya niyang sabi.
Nakatalikod ang isang lalaki sa balcony. May katabi itong pusa at natatakluban sila ng sumasayaw na kurtina. The details are defined.
She can put up an exhibit with this.
"Wow."
"You like it?" nakangiti niyang tanong.
"Yes..." I breathe, "This is amazing."
"It's yours." kumukurap-kurap ako.
"What? Wait—gawa mo iyan kaya dapat itago mo." pagtanggi ko.
"Keep it. Madami na akong paintings dito." tinuro niya ang iba't-ibang size ng canvass na nasa pader.
This is insane. Her painting skills is a pro. I can only draw a stickman. May sculpture pa ni Macaria dito. Did she also do that? May mga blank canvass din nasa sahig ng kwarto niya.
It doesn't look messy, maayos pa din ang pagkakalagay. Hindi mukhang crowded and her materials are well organized.
"Are... you sure?" ang kulit mo naman Lilith.
"Of course! Para magkakulay naman ang kwarto mo." she holds it for me to reach.
"Thank you." namamangha kong sagot.
Inaya niya akong magpainting. Hindi ako tumanggi. Gusto ko din kasing matuto. Nagpaalam akong isasabit sa headboard ang larawan.
Wait... the cat seems so familiar. Ganoon din ang lalaki. But nevermind at least may picture ako sa kwarto.
Sa balcony kami pumwesto. Para natural ang liwanag. She sketches while I paint. She lend me her materials at isang medyo malaking canvass.
"What are you sketching?" I glance at her.
"Us." matipid niyang sagot, "Ikaw?" dagdag niya.
Nakakahiya ang picture. I tried to paint her pero iba ang kinalabasan. Nagaalinlangan akong ipakita sa kanya.
"Don't worry an art is an art kahit anong picture iyan." sabi niya.
"Okay." hinarang ko ang canvass sa mukha ko.
"Practice lang iyan. I'm gonna keep this!" she beamed, "No buts!"
"If you say so." I smiled.
"Hoy, ano iyan?" sumilip sila Desmond at Milo.
"Gawa ni Lilith!" proud na pakita ni Ree.
"N-Nakakahiya." pinaglaruan ko ang brush sa kamay ko. Kasing pula na ako ng kamatis nito.
"Gawa mo din kami!" excited na sabi nila.
Magiging abstract ang mga mukha nila kapag ginawa ko iyon. Ngayon lang ako humawak ng canvass at brush.
"Walang sisihan kung pangit ha!" biro ko.
Kumain na kami ng mirienda. Ang mga lalaki ang nagluto. Sa living room kami kumain habang nanonood ng pelikula. This are new movies.
Desmond hacked some things kaya niya ang copy nito. Madami din ibang pelikula na nadownload dahil sa kanya. Gusto namin magpaturo ni Ree pero ayaw niya.
Alistair doesn't come out of his room. Ni anino niya hindi namin nakita. Simula kaninang umaga. Hindi nga siya hinahanap ng tatlo tapos ako maghahanap. Manigas siya!
"Alam niyo ba na muntik nang palitan si Kiera ng ibang elite." sabi ni Ree.
"Saan mo naman nakuha iyan?" si Desmond.
"Sa watchers, may mga kakilala ako sa kanila." sinubo niya ang pagkain.
"Kaya pala hindi nagpapakita ang babaeng iyon." tango ni Milo.
Kahit ako mahihiya kapag ganun. Ako ang naghamon, ako pa ang matatalo. She learned her lesson. Bumalik pa sa kanya ng doble.
Kilalanin muna ang kalaban bago maghamon. Overconfidence can be your insecurity. Uso naman mahiya at magpakumbaba.
Nakita na naman namin si Quinzel sa kulungan ni Viper. This cat is so odd. Binili naman ng higaan ni Ree pero ayaw gamitin. Tsk tsk.
Nasa pangatlong palabas na kami ng may kumatok sa pinto. Nagmamadali pa yata.
"Panira naman iyon." reklamo ko.
"Ako na." si Milo ang tumayo at sumagot sa pinto.
Bumalik siya ng may dalang sulat sa kamay. Nakablack envelope at may black wax seal din. May gold na symbol ang wax seal. Seems familiar to me.
Mission incognito.
Nakalagay sa likod ng envelope na nakasulat sa gold ink na elegante ang dating.
"Inabot ng messenger." sabi niya.
"Walang address ah." sabi ni Ree.
"Dito ba talaga ibibigay iyan?" tanong ko.
Binaba ko ang hawak na plato saka kinuha ang sulat.
Sinong matino naman ang magpapadala ng sulat na walang address? Tinapat ko pa sa liwanag ang sobre pero wala talaga.
"Are you sure this is for us?" tanong ko.
"Oo. Binilin daw ng nagpadala dito eh." sagot ni Milo.
"Baka scam iyan Milo." sabi ni Ree.
"O love letter galing kay Kiera." nagkibit balikat si Desmond.
Suddenly, I want to shred the paper to pieces. Buti na lang ay nilayo sa akin ni Milo. Mamaya importante pala ang laman noon.
Nagdadalawang isip pa kami kung bubuksan namin. Kapag hindi sa amin ito ay yari kami sa totoong may-ari. Original pa yata ang wax seal kaya takot kaming sirain. We don't have that kind of seal here.
Tinitigan namin ang envelope imbis na manood. Nawala na ang isip namin sa palabas. Tuwing manonood kami ay sabay-sabay kaming titingin sa envelope.
"Aish!" nabubugnot na si Ree.
"Let's open it!" sabi ni Desmond.
"Baka hindi atin iyan." kontra ko.
"Eh paano kung dito nga?" si Milo.
"May point si Lilith." si Desmond.
"Buksan na nga natin!" si Ree na kukunin na ang envelope.
"Mamaya na." si Milo.
"Baka galing nga kay Kiera iyan." masama ang tingin ko sa envelope.
Tinitigan pa ulit namin ang envelope. The wax seal. The symbol. Pati ang sulat kamay. I can't recall anything at all.
"Aha!" si Ree.
"Ano?" lingon namin sa kanya.
"Galing kay Hades ang sulat." sigurado niyang sagot.
"Hades?!"
Why would he send a letter when he can drop by and tell us about it. What is it this time?

BINABASA MO ANG
Children Of The Abyss
FantasiTales of Olympus Book 2: Mischief. Madness. Monsters. If there's a camp for Olympians, then there's one for the Underworld Deities... Where caste and ranks exists among their population. The institution for generation of underworldly demigods. The...