23

113 2 0
                                        

MILO

"Same group. Pero dito na tayo magkikita-kita." sabi ni Desmond.

Maaga pa lang ay nagimula na kami ng paghahanap. Mahirap hagilapin ang taong ayaw magpahanap.

Naghiwa-hiwalay na kami ng daanan. Medyo malayo na sa hotel ang Baranggay na ito. Halos isang oras din ang binayahe namin para makarating dito.

Inuna namin ang apartment na nakita namin. Mayaman si Colette. If you are rich and want a low profile, you'll hide somwhere you can be like that.

"Excuse me po." tawag ni Ree.

Eto yatang matandang babae na nagdidilig ang landlady dito.

"Ano iyon? Naghahanap ba kayo ng matutuluyan?" inayos niya ang salamin sa mata.

"Hindi po. Itatanong po sana namin kung nakita niyo siya." pinakita ko ang litratong bigay ni Hades.

"Hindi eh." sagot niya.

"Ganoon po ba?" dismayado ako, "Salamat po."

"Walang anuman." bumalik na siya sa pagdidilig.

Sinuyod pa namin ang mga kalapit na apartment. May mag nagsasabing tumira doon si Colette pero naalis agad pagkatapos ng ilang araw. She doesn't stay longer than anyone.

"Kung paalis-alis siya baka nakalayo na iyon." sabi ni Ree.

"Mahahanap natin siya. Tiwala ka lang." ngiti ko.

Malapit ng magtanghalian. Hindi pa din tumatawag ang pulis sa amin. Speaking of pulis may isa dito na kalalabas lang ng bahay.

San Diego ang pangalang nakalagay sa damit niya. Mukhang paalis na kaya binilisan namin ang paglalakad.

"Good morning po. Pasensya na sa abala." tawa ni Ree.

"Anong maitutulong ko sa inyo?" hinarap niya kami.

Fuck...

Nanlaki ang mata namin ni Ree. Impossible. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Kamukha ng mata ni Lilith ang mga mata niya pati ang ilong.

"Kung wala kayong itatanong ay aalis na ako." akma siyang sasakay ay pinigilan namin siya.

"Kilala niyo po ba si Lilith San Diego?"
Wala kaming oras para dito pero bahala na.

"Nako, wala akong kilalang ganoon." sagot niya sa amin, "Kung sino man iyon ay hindi ko siya matandaan."

Tumango-tango ako, "Saglit lang po."

"Mahuhuli na ako sa trabaho. Bilisan niyo."

"Pasensiya na po. Nakita niyo po ba siya?"

Naningkit ang mga mata niya. Para talaga siyang si Lilith lalo na ang paniningkit ng mata habang nagiisip. They have the same mannerism too.
Ang pagtap ng daliri.

"Doon ko yata nakita ito. Apat na kanto simula dito." turo niya daanan.

"Salamat po." ngumiti si Ree.
Nagkatinginan kami ni Ree. How can he forget his own daughter? Bumusina ito sa amin bago umalis. Yumuko kami. Kita naman sa side mirror iyon.

Luminga-linga kami sa tabi ng bahay. Eto yata ang bahay nila Lilith. It is big for two people. May mga box sa tabi nito. Nagkatinginan kami ni Ree.

"No. Milo, hindi ko gagawin iyan." pagtanggi niya.

"Come on. Baka mga gamit ito ni Lilith." pilit ko, "We'll just check it."

"O... Geez... Alright!" sagot niya.

We lifted the box. Nasa tuyong semento naman kaya nabuhat namin ang isa. We saw items and clothes. May jewelry box pa dito at music box.

"Should we—" she cuts in.

"We should. Importante kay Lilith iyan." mabilis niyang sagot.

Nanghingi pa kami ng box sa isang tindahan. We tried to pay for it pero binigay na lang ng libre. May butas para sa handle pa ang gilid. Para tuloy kaming nangangalakal sa ginagawa namin.

Ako na ang nagbuhat ng box habang palapit kami sa lugar na tinuro ng tatay ni Lilith. Lagpas na ng alas-dose nang nakarating kami.

Tumunog ang sikmura namin saka bumuntong hininga. Nakakita kami ng isang karinderya. Minda's eatery ang nakalagay sa taas.

"Ako na ang oorder." tumayo si Ree.
"Eto, eto, saka po ito. Tapos dalawang kanin."

Kumuha siya ng mga kubyertos sa maliit na timbang may tubig at apoy sa ilalim. Mortals and quirky ideas.
Tatlong putahe ng ulam ang binigay sa amin.

"Ang dami nito." kinuha ko ang kubyertos na pinunasan ng tissue.

"Kanina pa tayo naglalakad eh. Nakakagutom." sabi niya.

Tahimik kaming kumakain. Dala ng gutom. Hindi na masama ang lasa ng lutong ulam dito. Binigyan pa kami ng extrang sabaw.

"Ayaw mo ng talong?" tanong ni Ree.

"Ayaw ko." tinabi ko sa pinggan ang talong.

"I like eggplants!" she exclaimed, "Ako na ang kakain. Hindi mo naman makakain kung nandiyan lang."

Nagulat ang tindera sa sinabi niya. Naningkit din ang mga mata sa amin. Kinakain naman ang talong ah. Is she thinking about that eggplant? Namula ang tenga ko.

Tangina Milo. Keep those thoughts away! May kasama ka sa lamesa.

Mabilis kong tinapos ang pagkain para makaalis agad kami. Binayaran na ni Ree kahit ako dapat ang gagawa.
Naniningkit pa din ang tingin ng tindera sa akin. Tinignan ko na lang ang hawak na kahon.

"Manang nakita niyo po ba siya dito?" tanong ni Ree.

"May kasalanan ba siya? May naghanap din sa kanya kanina." sabi nito.

"Po?!" umangat ang tingin ko sa kanila.

"Oo, hija. May limang ka-edad niyo ang naghahanap sa kanya." paliwanag niya.

"Saan po siya makikita?" tanong ni Ree.

"Sa Club diyan, siya nagtatrabaho." turo niya sa isang pinto.

"Salamat po!" natutuwang sagot ni Ree, "Milo tara na!"

"Hijo, hija dahan-dahanin niyo ha. Mahirap magkaanak ng bata pa." bulong ng tindera sa amin.

"S-salamat po ulit." nauutal si Ree.

Walang imikan kaming bumalik sa sasakyan. Bukas sara ang bibig ko mabilis naman ang lakad ni Ree. Nahiya yata dahil sa sinabi ng tindera.

Akala ba niya ginagawa namin iyon?!

Napapanood namin iyon sa palabas pero gagawin namin? Hindi... Hindi papayag si Ree ng ganun... kadali. Bumuntong hininga ako.

"R-Ree..." tawag ko sa kanya, "Kalimutan mo na iyo..."

"Wala... iyon." nakatalikod siya sa akin, "Matanda na siya... namisinterpret niya lang yung sa... talong." binulong niya ang huling salita.

Andito na si Alistair, halos kasabay namin sila Desmond at Lilith. Mas nauna lang kami ng kaunti.

"You're red, Ree." puna ni Desmond.

Kaya pala hindi humaharap sa akin kanina.

"S-sa init lang iyan." tawa niya at umupo sa sasakyan.

Napansin ni Lilith ang box na dala ko.
Namilog ang mata niya ng makita ang gamit sa loob. Nanginginig niyang kinuha ang music box.

"P-Papa." pinunasan niya ang luha sa mata.

Pumasok na kami sa sasakyan. Pinaandar na ito ni Desmond. We have a demigod to find.

Tonight.

Children Of The AbyssTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon