58

72 3 0
                                    

RHENAE

Kanina ay nakikipagsagutan ako kay Auntie at Charm. Ako na ang nahiya para sa inasal nila. I also burned their beloved cheque na bigay ng babae sa unahan.

It bothered me hanggang ngayon. Paano ko nagawa iyon?

Baka isang trick sa pera ang ginawa nila kaya iyon nangyari. Ayaw kong Magtiwala dahil sa nangyari... Ngunit wala akong kabang nararamdaman.

Their presence is comforting. Like I belong here with them.

Pinahiram naman ako ng jacket ng katabi ko.

"Saan ba talaga tayo pupunta?"
makulit ka din no Rhenae. Paulit-ulit?

The girl looks at me through the rear view mirror, "Malayo sa mga Auntie at step sister mo."

"Okay." pagsuko ko, "Pwede ulit magtanong?" nilaro ko ang mga daliri ko.

Tinitigan nila ako, "Go ahead." answers the guy who healed me.

I blink, "Paano ko nagawa yung kanina?"

"I'll explain later but first..." hinead to foot ako ng babae, "We'll buy you clothes." she winks.

How did I get here?

Flashback

"Tulong..." iyak ko.

Hindi ako pinuntahan ni Auntie. Wala din nakakarinig sa akin.

Patuloy ang paghalik na ginagawa niya sa leeg ko, gayon din ang pag-gapang ng mga kamay niya sa loob ng damit ko. Humagulgol ako habang ramdam ko ang pagbubukas niya sa butones ng pantalon ko.

This is your life Rhenae, it ends this way.

I'm giving up...

Kusang lumabas sa bibig ko ang salitang "Ypnos!"

Tumigil siya sa ginagawa. He almost opened my fucking jeans!

Kinuha ko ang backpack ko saka nilagyan ng mga damit, kinuha ko din ang ang naipong pera sa drawer ko at cellphone.

My head spins na parang nangyari na ito.

Mabilis akong lumabas ng kwarto, naririnig ko pa ang halinghing ni Auntie at Mang Castro sa kabilang kwarto. Mga baboy! Wala ding charm na umuwi sa bahay.

Tinakbo ko ang distansiya papunta sa bahay nila Manang Ester.

She let me clean myself and rest for the night. Binigyan niya ako ng mainit na gatas habang sinusuklayan.

"Ireport mo sa pulis ang ginawa ng hayop na Fidel na iyon."

"Sinong maniniwala sa akin?" my voice cracks, "Si Auntie?" pinunasan ko ang luha sa mata ko.

"Ako anak." alo niya sa akin, "Matagal ka ng nagtitiis sa mag-inang iyan!"

Humagulgol ako noong niyakap niya. No one did this for me in years, naiinggit ako sa ginagawa ni Auntie kay Charm. Sa una lang niya ako inalagaan.

I bawl my eyes out. Hinayaan niya akong umiyak sa balikat niya. Nagagalit at nandidiri ako sa sarili ko. Hinayaan ko silang gawin iyon sa sarili kong pamamahay!

Mga hayop sila! Magsama-sama sila sa impyernong iyon.

"Dito ka anak." she taps the side of her bed.

Biyuda si Manang Ester, wala ang nagiisang anak dahil may-asawa na. Kaya naisip niyang magtayo ng karinderya para malibang.

"Wag ka ng umuwi sa inyo." sabi niya sa akin.

Nagsabi ako ng totoo, "I don't plan to."

Lungga ng mga baboy ang lugar na iyon. Hindi ko gugustuhin tumira kasama ang mga katulad nila. Tama na ang isang taong pagtitiis.

"Tama iyan hija. Matuto kang lumaban para sa sarili mo." payo niya.

I will kahit pagdaanan ko pa ang impyerno gagawin ko. Hindi na tumawag si Cedric pagkatapos kong hindi sagutin ang cellphone ko. He will insist and ask questions if I do that. Magpapadala na lang ako ng mensahe.

End of flashback

I compose a long message for Cedric saka ito sinend sa kanya. I feel sorry and happy at the same time.

Nagpakilala din sila sa akin. Isang grupo sila ng mga Demigods na may mission. Dapat masurprise ako pero hindi eh. Natuwa pa yata ako.

Rhenae Alonzo what's with you?

Desmond, is from Dark Shadows Institute samantalang si Colette, Cyrus at Lionel ay sa Camp Semideus.
Baka doon kami pupunta.

"Use my card." abot sa akin ni Colette ng gold na ATM card.

Tumanggi ako, "May pera naman ako
dito."

"Use this." inabot sa akin ni Desmond ang isang black card.

"Liliene Merideth San Diego?" salubong ang kilay kong tanong.
"Baka hanapin-"

Bahala na nga! Kung sino man ang may-ari ng card na ito hindi ko uubusin ang laman. I'll just use a little of your savings.

"Let's go!" hinila nila ako palabas ng sasakyan.

The card works! Did they copy this? Ang galing naman at hindi sila nahuli. Hindi naman halata ang pagiging scammer nila.

I restricted myself. Only four pieces of clothes, a pair of jeans at sneakers. And Oh, socks and undies! A jacket too!

"I'm good." sabi ko sa kanila gamit ko na ang isang damit pati jeans at sneakers.

Napatingin sila sa dala ko, "Are you okay with that?"

"Yeah, nakakahiya kasi sa may-ari ng card." natawa sila sa sinabi ko.

What's funny? Naningkit ang mga mata ko sa kanila.

Kumain kami ng lunch dito sa mall. Treat daw ni Colette. Umalis agad kami pagkatapos noon. Tumuloy kami sa biyahe sa isang lugar sa Quezon,

Sitio Ilog, Infanta, Quezon Province.

"This is it." sabi ni Lionel.

Cyrus stares at me, "Do you have a weapon?"

"Weapon?" nalilito na ako. Tama ba ang pinasok ko?

"Here use this." Lionel gives me a bronze dagger. Napapanood ko lang ito sa tv eh. Cool!

"Let's go."

Colette leads us through the thick white smoke. Nakahawak naman ako sa damit ni Cyrus para hindi ako mawala. The smoke did not suffocate us. Parang tinatago pa nito ang lugar sa sobrang kapal.

Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Nagtatayugang puno ng niyong ang sumalubong sa amin pati ang mga bahay na gawa sa bato at kahoy.

It looks like a ghost town to me.

"Ano kaya ang dala nila?"

"May bagong pumasok. Dagdag palamunin na naman."

"Pwede ng isakripisyo ang dalawang dalaga. Iwan yung tatlong binata."

"Bumalik na ang mangkukulam!"

"Magtago kayo! Andiyan na ang may dala ng sumpa!"

Para silang mga bubuyog. Nakadungaw ang ilan sa kanila sa bintana. Ngayon lang ba sila nakakita ng mga tao? Parang takot na takot sila pagdating namin.

Alam ba nila na demigods ang mga ito. Hindi naman yata.

Lumingon ako sa isang bakanteng lote. Ashen flooring and black debris left the burned house. Lumapit ako dito at hinawakan ito.

Nakaramdam ako ng galit at humigpit ang hawak sa dagger na dala.

I suddenly hate this place.

Children Of The AbyssTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon