55

78 2 0
                                        

RHENAE

Hindi ako pinagalitan ni Auntie paguwi ko. Nalaman niyang hinatid ako ni Cedric sa bahay.

"Pakasalan mo na kasi!" pagpupumilit niya.

Pagod akong tumingin sa kanya, "Ayaw ko pa po Auntie."

"Ayaw? Nakikipagdate ka nga eh." sabat ni Charm, "Hulaan ko may nangyari na sa inyo no?"

Anong klaseng utak ang nilagay sa kanya? Nakabaliktad ba iyon? Walang alam sa pag-aaral pero sa ganitong bagay madami.

Nilagpasan ko silang dalawa. Noong gabing iyon.

Pagkaligo ay natulog na ako. Maaga akong nagising kinabukasan. Naglilinis ako ng bahay nang biglang sabunutan ni Auntie.

"Hoy impakta ka ilabas mo nga ang pera sa drawer ko!" gigil niyang hila sa buhok ko.

Naluluha akong sumagot, "Hindi ko po kinukuha."

"Ikaw lang ang naglilinis ng bahay sinong kukuha noon?!" paratang niya sa akin.

Sugarol siya at nagiinom. Minsan ay nagdadala siya ng lalaki sa bahay namin tuwing lasing. Palaging wala si Charm sa bahay, kung madalas ay hindi umuuwi ng ilang araw.

"Hindi ko po alam."

Tinulak niya ako kaya tumama ang balikat ko sa haligi ng pinto. Hinawakan niya ang panga ko habang nakasandal ako sa sahig.

"Manang-mana ka sa ama mo!" sumbat niya sa akin, "Namatay na nga nag-iwan pa nang palamunin!"

"Mama." ngumisi ito sa akin.

Hindi na nga kami makapagbayad sa kuryent nakuha pa niyang mamili ng kung ano-ano? Nakarebond din ang buhok niya.

Binitawan ako ni Auntie, gandang-ganda siya gayong ito ang madalas kumuha ng pera niya.

"Makakabingwit ka na ng mayaman!" tuwang-tuwa niyang sabi.

"Talaga?" uto-uto.

Hinawakan siya nito sa balikat, "Oo naman!"

Tumayo ako saka tinabi ang walis at dustpan. Naligo muna ako dahil may trabaho pa ako sa karinderya. Nakapagluto naman na ako kaya pwede na kong umalis. Nag-apply naman ako pero wala pang natawag sa akin.

Tinignan ko sa maliit na salamin sa banyo ang malaking pasa. Pagkaligo ay sinuot ko ang asul na blusa at pantalon bago umalis ng bahay.

Medyo madami ang tao sa karinderya pagdating ko.

"Yna, bakit ngayon ka lang?" salubong ni Manang Ester.

"May inasikaso lang po sa bahay." sagot ko.

Napadaing ako sa paghawak niya a balikat ko, "Ouch."

Lumayo kami ng kaunti sa mga kumakain, "Tapatin mo nga ako?"

"Binugbog ka na naman ba ng madrasta mo?" mahinang boses niyang tanong.

"Wala po iyon." nginitian ko siya.

May pag-aalala sa boses, "Sabi ko sa'yo sa akin ka na tumuloy."

"Manang Ester..." hinawakan ko ang kamay niya, "Nakaya kong tiisin sila noon, gagawin ko hanggang ngayon."

Nagmamadaling lumabas ang isang lalaki kasunod ang tatlo niyang kasama. May buong isang libo sa lamesa. Masyadong malaki ito.

Pagkapunas ko hinabol ko sila sa labas. Wala na ang isang sasakyan kaya siguradong nakaalis na sila.

"Thank you." bulong ko sa hangin.

"Manang O, iniwan sa lamesa." inabot ko ang isang libo sa kanya.

Children Of The AbyssTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon