24

165 3 0
                                        

LILITH

"Saan niyo nakuha ito?" kalong ko ang box sa kwarto namin ni Ree.

"Well, we saw your father..." Ree sits beside me.

"Nakita niyo siya ni Milo?" I blink at her.

"Oo." malungkot siyang sumagot.

"What... did he say? Hinanap niya ba ako?" hindi ako humigpit ang hawak ko sa box.

"Tungkol doon." hindi agad nakasagot si Ree.

"Please tell me he did." pagsusumamo ko.

"He... did not." yumuko ito, "Sabi niya hindi ka niya kilala. When we ask about you, that is."

Isa-isang pumatak ang mga luha sa mata ko. Nababasa ang ilang papel at damit. Unti-unti ay lumaki ang at tuloy-tuloy ang patak ng mga luha. It does not stop. Kusang lumabas lahat ng naipong lungkot at sama ng loob.

He can't still remember me?! Bakit?!

"Papa..." inaalo ni Ree ang likod ko. Humihikbi ako sa puntong sumasakit na ang dibdib ko.

Call me weak or what, wala akong pake. I need my father, I need him to remember me. I am a keeper yet I can't keep the only person I need close to me.

"Lilith." Ree sniffs beside me.

Umiiyak ako sa balikat niya. Ako ba ang gumawa noon? Anong klaseng ability ito?! I made the person who understands me the most forget me.

"This is a fucking curse! It's not a gift!" sigaw ko. Mahigpit ang hawak ko sa bedsheet. Pakiramdam kong tumatagos na ang kuko ko sa palad ko kahit hawak ko ito.

Bumukas bigla ang pintuan ng kwarto namin. I don't know who entered. I release all the sadness and anger in me. Gusto kong manira ng gamit. Galit ako, galit ako sa sarili ko.

If I don't have this kind of ability then Papa will remember me. Magkasama pa kami!

"Lilith... You have us."

"Kami ang magiging pamilya mo."

Malabo man ang paningin ay kilala ko ang  mga boses na iyon. They pulled me into a crushing hug. Hindi nila ako iniwan hanggang sa tumahan ako.

Tama nga ang hinala kong tumagos sa kumot ang kuko ko. May mga patak dito ng dugo. Naghilom naman agad ang sugat sa kamay ko.

"You sure want to keep those?" tanong ni Milo.

"I'm sure." pagtango ko.

Inabutan naman ako ng tubig ni Desmond. Halos maibuga ko ito sa pagsulpot ni Alistair sa kwarto.
Lumingon sa kanya si Desmond at tumingin si Ree at Milo.

"Wag mo na siyang pansinin." si Ree na nakangisi.

"Maghanap na lang tayo ng kadate sa club." suggests Milo.

Huli si Desmond, "Or we can be your dates. Sanay naman si Alistair na magisa."

"Nasa mission pa din tayo. But take it as a good memory." si Milo.

"What do you say?" si Ree.

"Why not." I agree with them.

"Ladies fix yourselves. Ayaw namin ng pangit na ka-date." biro nila sabay  ginulo ang mga buhok namin.

"Hey!/Stop it!" lalo tuloy nagulo ang magulo kong buhok.

"See you later." sabi nila.

Sumimangot pa lalo si Alistair at masamang tumingin sa dalawang kasama. He looks annoyed suddenly.

He mouthed, "Really? I'm watching you." Bago pumasok sa loob. Did he said that to me. Nah, nanlalabo pa ang mata ko kaya kung ano-ano ang nakikita ko.

Ree giggles pagkasarado namin ng pinto. Nagtaka ako sa inasal niya but Ree is Ree. Nauna siyang maligo bago ako.

We don't really fix ourselves. Nakapin sa gilid isang hati ng buhok ko. Pinarneran ko ng low heeled shoes ang damit na itim na spaghetti strap dress na nakuha ko sa box. Kaunting powder, lipstick, at mascara ay okay na. 

Ree wears a body hugging silver tube dress at cropped blazer with black heels. Buhaghag naman ang kinulot na buhok at kaunting make-up.

Keep our weapons under our clothes. Saka lumabas ng kwarto.

"Ladies." naghihintay sila sa hallway.

They look mature with their clothes.

Milo dones a white longsleeves na nakatupi sa siko, jeans at brown shoes. Nakaayos din ang buhok niya.

Desmond wears a short sleeved polo shirt na bukas ang unang botones, dark pants at white shoes.

Isasama ko pa ba si Alistair?

Okay naman na siya kahit hindi sabihin ang suot niya eh. Ready na siya. So let's go!

"Main character din ako." mahina niyang sabi. I want to annoy him.

"Bakit wala kang POV?" sabi ko.

"Akala ko supporting lang eh." hirit ni Ree.

"Tss." naiinis niyang sagot.

Alistair is, well, wearing clothes. Alangan naman pumunta siya ng hubo't hubad doon. Pwede naman madilim naman doon walang makakita sa kanya.

Here he is, black tshirt, leather jacket, fitted pants at low heeled black shoes.
He looks hot, parang body guard na lagi kang babantayan—hep! erase that! Ako ang naiinitan sa suot niya. All black pwera lang sa pants.

"Ladies..." they offered their arms to us. We glady put our arms in theirs.

Naglalakad kami papunta sa sasakyan. The receptionist ogles our clothes. Namimiss siguro magparty ng isang ito.

Pinauna nila kaming pumasok sa sasakyan. I have a small bag na ang laman ay card lang.

"Walang tatanggap ng complementary drinks." paalala ni Desmond.

"Why?" tanong ni Ree.

"Mortals and Demons flock that place." paliwanag niya, "Have you experienced ambrosia infused drinks? No?" tanong niya.

Sumunod si Milo, "You don't want to experience that."

Si Desmond ulit ang magdadrive. May kaartehan din palang taglay ang katabi niiya. Ayaw daw magulo ang damit. Kala mo naman plantsado!

Madaming sasakayan pagbaba namin.  We survey the place first. Hindi naman heavily tinted ang sasakyan kaya nakikiya namin ang nasa labas.

"Mukhang puno ito ngayon." puna ni Milo.

"Halos kaedad natin ang mga nandito." si Ree na halos idikit ang mukha sa salamin.

Nakita namin ang isang grupo ng kabataan na pumasok din. May kasama silang blonde na babae. Hinintay namin silang makapasok saka kami bumaba.

Weapons... Check!

Alertness... Check!

Companions... Complete!

Mist?

Nagspray kami ng kaunti bago pumasok. To conceal our scents for a bit.

Princess Colette here we come!

Children Of The AbyssMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon