DESMOND
"Anong gagawin natin dito?" tanong ni Cyrus.
Nakatayo kami sa isang bed and breakfast sa harap namin. Madami na ang tumitingin sa amin.
Dito namin natrace ang lugar kung saan siya tumutuloy. Ginamit ko ulit ang pagiging hacker ko sa pagconnect ng footage sa computer ng hotel na tinutuluyan namin.
"Sa tingin mo ano?" sarcastic na sagot ni Colette.
Napaisip siya, "Hahanapin yung cornucopia?"
"Alam mo naman pala eh." sabi ni Lionel.
"Eh bakit nga dito?!" ulit niya ng tanong.
Ngumiti si Colette, "Desmond, pakihawakan siya." saka pinatunog ang mga daliri niya, "I'll knock some common sense in his head."
"May parating." si Lionel.
Bago kami makakatok ay bumukas ang pinto. Niluwa nito ang babaeng may rolled curlers ang buhok. Nakabistida at nakatingin sa amin.
"Anong kailangan niyo?" bungad niya sa amin.
Kusang gumalaw ang mga kamay nila at malakas na pinalo ang likod ni Cyrus papalit sa kanya. Napaigtad siya ng gumawa iyon ng tunog.
"May hinahanap po kasi kami kaibigan namin." paliwanag niya.
"Ahh yung backpacker na tumuloy dito." tinignan niya kami.
"Opo. Yun nga po!" labag sa loob ang ginagawa niya.
"Kaalis niya lang eh." hinawakan niya ang baba niya, "Mga isang oras at kalahati na."
"Ah ganoon po ba?" napakamot siya sa batok niya sabay labas ng middle finger niya, "Salamat po!"
"Alam niyo po ba kung saan siya pupunta?" Colette smiles at her.
Naninimbang ang tinging ginigawad niya sa amin, "Nasabi niya sa akin pero hindi buo."
"Saan daw po? Hindi po kasi siya nagpaalam sa amin." paawa niya dito.
"Yung lugar na nakita niya sa vlog noong isang araw." she nods, "Titignan niyaw daw kung totoo."
"Ganoon po ba? Salamat po!" she bows at her.
"Mag-ingat kayo. Madami daw hindi nakakabalik galing doon." paalala niya sa amin.
Sinarado niya ang pinto. Saka kami umalis doon. Naunang umalis sa amin ang taong hinahanap namin. I know where that is pero hindi ang exact location.
Pabalik na kami sa sasakyan. Medyo malayo ang bed and breakfast na ito sa hotel. Halos isang oras na biyahe ang dapat gawin.
Nauna si Colette sa likod, "Kunin natin ang gamit natin tapos magcheck-out na tayo."
"Hindi ko pa din kakalimutan ang paghampas niyo." naiinis na tugon ni Cyrus.
Lionel stares at him, "Sa susunod wag kang magtatanong kung alam mo ang sagot."
"Akala ko magchecheck-in na naman tayo eh!" sagot niya pabalik.
"Ano ka mayaman?!" sagot nila.
"Tss." bumaling siya sa harap. Hindi na ulit tumingin sa amin.
Pagkakuha ng gamit ay nagcheck-out na kami. We checked everything. Kahit ang mga sarili namin.
"I'm good."
"Ako din."
"Same here."
"Then let's go." si Lionel naman ang magdadrive ngayon.
The drive for the first miles went smooth. Tahimik sa loob ng sasakyan. Nagpapatugtog lang kami ng radyo hanggang sa sumigaw si Cyrus.
"Lionel, break! May mababangga ka!"
Dinaig pa niya ang girlfriend niya sa pagsigaw.
"Cyrus ano ba?!" binatukan siya ni Colette.
"Thank you ha!" sumbat niya dito.
"Gago ka ba? Gusto mo ba akong mabingi?!" galit na tumingin si Lionel sa kanya.
Make them stop, Colette. Please.
Natulala ako sa nakita ko. I blink fast, hitting my head on the window. Masakit siyempre. Bumaba ako sa sasakyan. Damn. It can't be.
"Rhenae! Halika umuwi na tayo!"
sinabunutan siya ng babaeng andito."Hindi ako uuwi! Pagkatapos akong bastusin ng Fidel na iyon!" umiiyak siya habang magulo ang buhok.
"Nanakawin mo pa ang singsing na bigay ni Castro!"
"Sa akin iyan!" nakipagawan siya sa singsing, "Bigay sa akin iyan ni Papa!"
Kumikinang ang diyamante sa gintong singsing. Makukuha na dapat niya iyon noong sabunutan siya ng mas batang dalaga sa kanya.
"Akala mo kung sino ka? Eh palamunin ka lang naman!"
"Kung hindi ka naman pinakasalan ni Papa sa kalsada kayo pupulutin 'di ba?!"
May sugat ang gilid ng labi niya. May mga kalmot at pasa din na namumuo sa katawan niya. May gasgas din ang mga braso at tuhod niya, Her clothes are torn at the sleeves.
Madaming kumukuha ng video nila lalo na sa cellphone. Madami na din nakapalibot sa kanila isa na kami doon.
Welcome to the mortal world Desmond!
Ang lugar kung saan imbis na pahintuin ang mga ganitong bagay ay nagtetrending pa.
"Aawatin mo ba?" tanong ni Colette sa akin.
Tumingin ako sa kanya, "I want to..."
Nagulat ako ng yumuko siya para sampalin ng babae, imbis na siya ay ang matanda ang nasampal niya.
I can't watch this anymore.
"Bibilihin ko ang singsing at ang babaeng ito." nakisali ako sa kanila.
"Anong tingin mo sa akin pokpok?!" she spat.
"Bakit hindi ba Rhenae?! Nagpagalaw ka nga kay Mang Fidel kahit may asawa na!" she smirks.
Galit siyang tumingin dito, "Boba! Kung hindi nagdala ang nanay mo ng lalaki sa bahay hindi iyon mangyayari!"
"Give us the girl we'll pay in check." nilabas ni Colette ang checkbook niya.
"Name your price."Galit naman siyang tumingin sa amin.
"Iyon lang pala eh." the old lady smiles, "1 million pesos."
"Alright." pinirmahan niya ang cheque.
Nilahad niya ang kamay, "Give us the ring too."
"Bigay ito ni Castro. Nababaliw ka na ba?" she insults her.
You got the wrong girl old lady.
"Paingles-ingles ka pa pakielamera naman." umirap ang kasama niya.
"No ring, no girl? Say goodbye to your check then." pupunitin na niya ito.
"Wait." diniin niya sa dibdib ni Rhenae ang singsing, "Madami akong mabibiling singsing sa isang milyon!"
"Let's go." tumalikod siya sa amin, "Desmond, assist her."
Kinuha ko ang backpack sa kalsada saka siya inalalayan. Noong una ay ayaw niya. Pero sumama din. Sinarado ko ang pinto ng sasakyan. Sinuot naman niya ang singsing sa daliri.
Tinignan niya ang mag-inang nagyayabang sa labas. Animo'y nakakuha ng ginto. She focused her eyes on the paper they were holding.
"Enkavma."
The paper burns while her tears flow from her eyes. Nanlumo naman ang magina habang papalayo kami.
"Hindi din pala mababawasan ang pera ko." Colette smiles, "Cyrus heal her wounds."
Tinapat ni Cyrus ang kamay niya sa mga sugat ni Rhenae. May liwanag na lumabas dito at unti-unti itong naghilom.
She looks at us bewildered, "Saan niyo ako dadalahin?"
"Somewhere safe," I answer.

BINABASA MO ANG
Children Of The Abyss
FantasíaTales of Olympus Book 2: Mischief. Madness. Monsters. If there's a camp for Olympians, then there's one for the Underworld Deities... Where caste and ranks exists among their population. The institution for generation of underworldly demigods. The...