LILITH
"Ang sakit ng katawan ko!"
I feel the sore and ache all over my body. Kahit anong masahe ko ay hindi matanggal-tanggal ang sakit. Naligo ako bago lumabas ng kwarto.
I'm used to having a bath in the morning tapos isa ulit sa gabi pere half-bath lang. Feeling ko kasi ang dumi-dumi ko kapag hindi ako nakakaligo bago matulog.
"Good morning!" bungad ni Ree.
"Morning." I groaned pakaupo, "May hot compress ba tayo?" tanong ko. Hindi nakatulong ang hot bath kanina.
"Meron yata sa cabinet sa kusina." busy siya sa panonood ng tv. Hula ko ay naunahan na naman niya ang mga lalaki kaya siya lang ang nanonood.
Naamoy ako ang amoy ng bawang at sibuyas sa kusina. Ang bango!
I found the boys cooking. Kulang ng isa. Erase-erase. Baka magbatuhan na naman kami ng kutsilyo dito pagnagkataon.
Hindi ako sanay sa ayos nilang ganito. Nakashorts at simpleng tshirt lang sila. Bumagay din ang suot nilang mga apron sa kanila. Pwede nang mag-asawa ang dalawang ito.
"Good morning Lilith." bati ni Desmond.
"Good morning!" naghihiwa din si Milo ng iluluto.
"Good morning." nahawa ako sa mga sinabi nila, "May... hot compress ba dito?" nahihiya kong tanong.
"Meron. Ako na ang kukuha." inabot ni Milo ang cabinet sa ulunan niya,
"Eto o.""Salamat!" pinuno ko ito ng mainit na tubig.
I accidentally moaned when I put it on my shoulders. Napahinto sila sa ginagawa kaya mabilis akong umalis doon. Nakakahiya! Lupa kainin mo ko. Now na!
Bumabalik na naman ako sa dati. Napabuntong hininga ako.
"Namumula ka. Nasobrahan ka ba sa training kahapon?" puna ni Ree.
"Ah... O-Oo eh." nauutal kong sagot.
Halos matunaw ako sa sofa ng maalala ang ginawa ko kanina. Mas mapula na siguro ang mukha ko kaysa kanina. Parang ayaw ko tuloy sumabay sa agahan ngayon.
Bumalik sa dati ang itsura ko ng makita ko ang asungot na ito. Dapat ay nagkukulong na lang siya sa kwarto niya! Magulo pa ang buhok at nakapambahay din ito.
Panira ng umaga!
Serves him right sa nangyari kahapon. Sana hindi na lang siya umiwas sa dagger na hinagis ko. Ganti ko sa pagbato ng kutsilyo kahapon. Muntik na akong mabulag kung hindi ko nasalo iyon!
May band-aid ang tenga niya. Hindi ko man lang nakita iyon kahapon.
"Are you done?" masungit niyang tanong.
"Psh." nilingon ko ang tv at hindi na siya pinansin.
May isang eksena sa pinapanood namin ang nagpaalala sa akin ng nangyari kahapon.
Parang hindi ako ang may kontrol sa katawan ko. I even uttered words I don't know, used the prisoner as a puppet.
Sinapian ba ako? Hindi naman siguro.
"Mangkukulam ka!"
"Lumayas ka dito!"
"Mali kayo ng bintang! Hindi iyan totoo." hagulgol ng babae sa palabas.
"Sunugin niyo siya at ang bahay na iyan!" sigaw ng mataba at maliit na babae.
"Bakit ka naiyak Lilith?" nakatingin sa akin si Ree.
"Hindi ah." pinunasan ko ang pisngi ko. Shit! Basa nga, "Naawa lang ako sa babae." Palusot ko.
"Sa bagay. Kung ako din ang nasa posisyon niya. Maiiyak na lang ako."
Ininom niya ang tubig na nakapatong sa coffee table.Narinig ko pa ang pagsaway sa kanya nila Milo at Desmond. Maaga pa lang ay ice cream agad ang kinakain niya.
This girl looks so innocent. Hindi mapagkakamalang gagawa ng masama o pumatay. Is it because Macaria is her mother? Kaya siya ganito kumilos. Nagalinlangan pa siya noong patayin ang hound sa harap niya.
"Ano iyon?" nakaipit ang kutsarang hawak niya sa mga labi niya.
"Wala. Ubusin mo na iyan baka mahuli ka pa nila." tipid akong ngumiti.
Sobrang tahimik sa hapag. Si Ree na kanina ay nagiingay ay tahimik na din kumakain. This is so unusual.
Why do I feel that something is wrong. Guni-guni ko lang yata ito. Wala naman akong ability na ganito eh.Ako na ang naghugas ng pinggan. Muntik pa akong makabasag dahil sa pagkatulala. Pinakain ko din si Viper pagkatapos.
I shake my head at hinayaan na lang muna ang mga bagay-bagay.
Don't overthink. Paulit-ulit kong mantra.
"We're having the day-off." sabi ni Desmond.
"Gusto niyong magmovie marathon?" aya ni Ree na sinangayunan namin tatlo.
As usual wala si Alistair. Lagi naman siyang wala. Why would I care if he wants to watch with us anyway? Baka masira lang ang mood ko lalo.
Pumili kami ng mga pelikula sa divider. Madami pa daw silang hindi napapanood dahil busy sila noon. Kaya panonoodin namin ngayon. Doon na din kami naglunch sa living room.
Nakatulog kami sa pangatlong pelikula. Nakasandal ang ulo ni Ree sa balikat ko. Nilagyan ko ng unan ang ulunan niya pagtayo ko. Nakatulog sa single seat sofa ang dalawang lalaki dahil sinakop namin ang mahabang upuan. Pinatay ko na din ang palabas at inimis ang pinagkainan.
May kumatok sa pintuan namin.
Sa labas ko na lang kinausap, baka magising ang tatlo sa upuan.
"Pinapatawag po kayo sa office." sabi ng isang estudyante na may bronze nameplate.
"Susunod na lang ako. Salamat!" magpapalit muna ako ng damit.
Yumuko at umalis na siya. Nakakaakward ang ginawa niya pero hindi ko na napigilan. Part na siguro ng etiquette nila.
Nagpalit ako at tahimik na sinarado ang pinto. Pagdating ko sa office ay hindi ko inaasahang makita siya dito.
Nagpapatayan na kami ng tingin nang kinuha ng Principal ang atensyon namin."Keepers, kulang tayo sa supply ng halaman." simula niya, "Nakalista na sa diyan ang kukunin ninyo." inabot niya ang isang papel na kasing laki ng index card.
Wala ang mga elite kaya kami ang kukuha ng mga ito. Pinadala sila sa isang mission.
Aconite, Hellebore, Hemlock, Moly plant, Daffodil, Yew, Hydrangea.
How can we carry all of these? Kung may dahon na ang iba... Puno pa yata ang isa sa mga ito.
"We just need the seeds or stalk. May garden naman na nakalaan para diyan." pinagsalikop niya ang mga kamay niya.
Nabasa niya ba ang iniisip ko?
"Okay po." tumango ako.
Natutuwa ang katabi ko sa reaction ko. Kaya sinamaan ko ito ng tingin.
Anong nakakatuwa doon?Pinalabas na na niya kami sa office. Halos dumikit ako sa pader makalayo lang sa kanya. May nababangga pa akong iba sa ginagawa ko.
Hindi ako magtitiwala sa kanya kahit kailan.

BINABASA MO ANG
Children Of The Abyss
FantasíaTales of Olympus Book 2: Mischief. Madness. Monsters. If there's a camp for Olympians, then there's one for the Underworld Deities... Where caste and ranks exists among their population. The institution for generation of underworldly demigods. The...