66

78 2 0
                                        

(A/N: Let's all hear something from Alistair. Baka totoong nagbago na siya o magiging katulad na niya si Quinzel.)

ALISTAIR

I feel lost... again.

I see the five years old Alistair Smith. The child whose mother left him beside the road. Alone and fragile.
Tuwing titingin ako sa salamin ay ganoon ang nakikita ko.

Napalitan na ang salamin sa kwarto ko. I punched it when I lost the only person who understands me the most... Months ago. She left me tulad ng nanay ko.

Lilith, she is the only person who made me feel again.

Walang nakakagawa kila Desmond ng ganoom sa akin. Bukod sa pagiging tahimik ay wala silang nakukuhang sagot sa akin kung hindi kinakailangan. But when I saw her on that alley bloody and weak...

I feel the urge to save her. I don't want her to be a lost soul tulad ko.

She bought me a gift. I usually throw those away but I can't do it with what she got me. She is cursing me using a book. Funny that I keep hiding just to read that.

Parang kinukurot ang puso ko tuwing magkausap sila Desmond at Milo. She made me feel envy, jealous. She won't bat her eyes for me kaya binato ko siya noon ng kutsilyo. I feel guilty after that.

The balcony where I pushed her to gain her trust made me feel empty. Dito ko naramdaman ang matagal ko ng hindi nararamdaman.

Love.

She slapped because she was angry. The feisty little tiger who wants to die but afraid of heights.

She did not owe me her life I owe her mine. Hindi ako mabubuhay kung wala siya. I was a living soul back then noong hindi pa kami nagkikita.
Hollow and empty. Emotionally defected.

But she made me feel alive and killed me at the same time.

Naging liwanag siya sa madilim kong buhay. The bright flower that glows in the dark cave.

Tinitigan ko ang singsing sa daliri ko. It keeps me alive. Alaala ng sandaling panahon na nakasama at nagmahalan kaming dalawa.

Her memories made it painful so as staying with it.

Her face, her voice... The things I never thought I will do for her. Something I never did for anyone kahit sa nagiisang babae sa grupo noon. Si Ree.

"I love you." I whispered in the air.
"I miss you Lilith."

Pangilang beses ko na bang sinasabi ito? For the nth time I did. And...

For the last time.

Ayaw ko ng kumapit sa isang bagay na hindi babalik. Ree convinced me. We all take the same bitter pill.

Her death.

Hinubad ko ang sing-sing at nilagay sa drawer sa kwarto. It will always be there. Safe and treasured.

"Alistair." Ree looks at me.

Blangko ang mukha kong tinignan siya. Naghihintay ng susunod na sasabihin.

Bigla siyang ngumiti, "Magiging Lolo at Lola na tayo."

Anong sinasabi niya? Lolo at Lola? We're too young for that. Wala pa nga silang anak ni Milo. Kaya nilagpasan ko silang dalawa ni Soleil.

Kanina pa nila nilalaro ang alaga namin. Habang nanonood si Viper.

"Ang landi mong pusa ka." sabi ni Soleil.

Halos maibuga ko ang tubig sa basong hawak ko. Naubo ako sa pagkasamid. The fuck they are saying? Si Quinzel buntis? Walang ibang pusa dito. Tinignan ko si Viper. Impossible.

All the more I look at Viper lalo kong naalala si Lilith. Tuluyan ko na din kaya ang ahas na ito?

Her eyes are like Lilith's. Turning to slits when she's angry. Lumiliit ang bilugang mata niya.

She is also a poison to me. She made me feel things I don't want too.

Forget it Alistair. She's dead. Pati kaluluwa nagpaalam na sa iyo. Don't expect her to come back.

Our wounds from the previous battle was healed. Pinagalitan nga lang kami ni Orphne pagbalik dahil wala ang cornucopia. We explained things to her at tinanggap niya naman iyon.

May tiwala kami kay Desmond lalo na kay Colette. Sa ama naman niya ang gamit na iyon.

Bumaling kami sa lakas ng pagbukas ng pinto. Humahangos si Milo at nanginginig ang mga mata. Namumutla na parang nakakita ng multo.

"Nakabalik na sila Colette." sabi niya sa amin.

Napatayo si Soleil at Ree, "Asan sila? Sa office?"

Umiling ito sa amin, "Nasa clinic."

He becomes serious when he mentions the place. Anong mayroon at ganyan ang reaction niya?

Iniwan namin ang mga alaga sa dorm at nagmamadaling pumunta doon. Halos magulo ang buong clinic. Hindi nila alam kung sino ang uunahin.

May nakaratay na dalawang katawan sa kama habang ginagamot sila Desmond at isang mortal.

"Bakit may mortal?" tanong ni Ree

"We don't know but..." pumasok kaming apat sa loob.

Nag-angat ang tingin ni Desmond at Cyrus sa akin. Bukas sara ang bibig ng huli habang gulat si Desmond. Nagtataka naman ang mortal na kasama nila. What's with the face?

Desmond goes down the bed he is resting, "Alistair."

Tinitigan ko lang siya binabasa ang kilos niya. Pinigilan niya akong lumagpas sa cubicle ni Cyrus. May tinatago siya sa akin. Sa amin.

Halos magkagulo ang mga nurse sa dalawang cubicle. Halata naman na si Colette ang isa. Pero sino yung nsa kabila.

"Alistair, please." namumula pa ang mata ni Desmond.

"Desmond let me see kung sino yan." may pagbabanta kong sabi.

Nahalata nila ang tensyon kaya halos pumagitna sila sa amin. They were stopping the both of us. Nakayakap Si Ree sa kanya habang hawak ni Milo ang braso ko.

Nilagpasan kami ni Soleil para makita ang kaibigan. Bago pumunta sa kabila. Nabato siya at napatakip ng bibig.

"Sino iyan?" tanong ni Ree.

Nanginginig ang mga mata niyang nakatingin sa amin. Hindi makapaniwala sa nakikita.

Desmond clenches his knuckles. May benda pa ang braso at kamay. He let's out a string of curses. Kaya nagtaka kami at nilagpasan siya. I know him that much kaya alam kong may hindi siya sinasabi.

"Hindi. She is dead..." napakapit si Ree kay Milo.

Hindi naman kami pinansin ng nurse ng gumagamot sa kanya. Tapos na niyang bendahan ang sugat bago kami tignan. Kahit siya ay hindi makapaniwala.

Why?

Kung kailan gusto na kitang kalimutan saka kita makikita? This is a nightmare.

Children Of The AbyssTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon