REE
"Magtiwala ka kay Lilith." alo sa akin nila Milo at Desmond.
May tiwala ako kay Lilith, kay Kiera wala! If I know baka may kung anong pinaplano ang babaeng iyon kaya niya hinamon si Lilith! Halata naman na ayaw sa kanya ni Alistair.
Desperadang palaka!
Hinamon niya siguro ang kaibigan namin para magpapansin.
"Ree yung unan masisira." pigil sa akin ni Milo.
Sisirain ko sa mukha ni Kiera itong unan, kung pwede lang! Nakakainis.
Dahil sa hamon ay walang klase. Manonood ang lahat. Ngayon lang kasi naghamon ng isang keeper ang elite.
Lumabas sa kwarto niya si Lilith. In her casual clothes. Itim na t-shirt at jeans na pinartneran ng sneakers. Nakatali din ang buhok niya ng dalawang tirintas.
"Are you ready?" tanong ni Desmond sa kanya.
"Yes, I am." taas noo niyang sagot.
"Remember out trainings." Milo hugged her kaya nakisali na din kami ni Desmond.
Binigyan namin siya ng power hug.
"Thanks!" she smiled.
Tumungo kami papunta sa training hall. Halos andoon na ang lahat. Nakita namin sa unahan si Alistair.
Nauna pa yata siya sa ibang audience."The challenge between Kiera Adelaide Salumbides and Liliene Merideth San Diego, begins..." anunsyo ni Sir Dennis sa podium, "Now!"
Madami ang nagchicheer kay Kiera. Then there's me na kinakabahan at sila Milo na tutok sa arena. Relax naman na nakaupo si Alistair. I can't see his facial expression.
Unang sumugod si Kiera. Siya ang naghamon kaya dapat lang!
Sinangga naman ni Lilith ang espada gamit ang isa sa mga dagger na hawak niya. Napaatras si Kiera ng tapatan siya ng liwanag sa mata galing sa dagger ni Lilith. She took the chance to attack.
Now, that I see her face. She looks dead serious.
Kiera blindly swings her sword. Masakit sa mata ang tamaan ng liwanag. Hindi naman niya ito matamaan. Sinikmuraan siya ni Lilith, na nagpadulas noong tatamaan ng espada.
Galit na umatake si Kiera. Ganyan ba ang leader ng mga elite? Inuuna ang emosyon sa paglaban? Pathetic.
Nasugatan niya si Lilith sa braso habang siya ay sa leeg. Tahimik naman akong natutuwa habang nagbubulungan ang mga elite. Hindi naman makapili ang mga watchers kung sino ang kakampihan.
They clash their weapons and attack continuously. Walang nagpapatalo.
Bigla akong kinabahan. I clenched my fist on my thighs. Why do I feel something wrong will happen? My instincts screams at me.
Kumurap ako para iwaksi ang nararamdaman. Na hindi dapat.
Nakahiga si Lilith sa training hall. She is clutching her eyes. Galit naman ang titig ng mga katabi ko kay Kiera.
"Sinasabi ko na nga ba eh!" sigaw ni Milo.
"Anong nangyari?" nagaalala na ako.
"Sinabuyan niya ng buhangin sa mata si Lilith." si Desmond.
"Lilith..." maliit ang boses ko.
Pilit na tumayo si Lilith kahit na nakapikit. Don't force your self... Hindi ka naman namin ikakahiya.
You tried your best we can see that.Naluluha na ako sa upuan ko.
Lumiwanag ang mukha ni Desmond, "Hindi iyan tatalab."
Napalingon kami ni Milo sa kanya. What is he saying? Paano siya lalaban kung hindi nakakakita?
"Wala siyang makikita." sabi ko.
"I get it!" sumigla ulit si Milo.
"She can see in all directions." he looks at us, "Watch."
Tinatanong na si Lilith kung aatras na siya. But she did not. Kinapa niya ang dagger sa paanan niya saka bumalik sa arena. She walks straight with her eyes closed.
Kiera smirks at her. This bitch!
Inatake niya si Lilith pero umiwas ito.
Atake...
Depensa...
Atake...
Depensa...
Ganoon lang ang nangyayari. Kiera attacks, Lilith defends. Their movements are fluid, graceful for a fight. Halos takpan ko ang mata dahil nadulas si Lilith. Kiera swings her sword to stab her nang sinipa ni Lilith sa binti kaya napaluhod siya.
Lumayo si Lilith bago binato ang dagger sa hita niya. She cried in pain. Hinugot ni Kiera ang dagger to attack pero naunahan siya ni Lilith. Nakaamba ang kamao niya sa sikmura ni Kiera habang ang dagger ay nasa leeg niya. Namumutlang napaupo si Kiera sa sahig.
And her eyes is still... closed.
Nagwalk-out si Kiera. No need to announce the winner. Obvious naman na kung sino.
"Whoa." this is unbelievable.
"I told you." proud na sabi ni Desmond.
Inalog ko si Desmond bago sinalubong si Lilith. Her eyes are half closed dahil sa buhangin.
Nakangiting umalis si Alistair. A proud look was in his eyes. Bumalik sa dati ang mukha niya ng mapansin akong nakatingin. I did not blink! I saw him smile! Hindi ako nanaginip.
"Tara na sa clinic."
Inalalayan ni Desmond si Lilith. Hawak naman ni Milo ang mga dagger, may dugo pa ang isa.
Ididisinfect ko mamaya iyan. Baka may virus ang babaeng iyon.
Pinagpahinga siya sa isang cubicle. Luckily wala si Kiera doon. Baka takpan ko pa ng unan ang mukha niya.
"Don't make that face Ree." saway ni Desmond.
Tahimik naman na nanonood si Milo habang tinitignan ang mga mata ni Lilith.
"She's good. Give her a rest at bukas okay na ang mga mata niya." the nurse told us. Pinainom din siya ng tinunaw na ambrosia para mabilis gumaling ang mga mata niya at sugat.
Alistair is nowhere to be found. Again.
Bumalik na kami ng dorm. Nakaalay pa din ang dalawa kay Lilith. Kahit ayaw niya ay ginawa pa din nila.
Hawak ko na ang dagger niya. Hinugasan ko muna ng sabon. Kumuha ako ng alcohol sa kwarto ko. Naghahum din ako ng kanta habang ginawa iyon.
"Your Mommy won." sabi ng isang boses.
Gosh, am I hearing voices already?
Bukas ang pinto sa balcony. Nililipad din ng hangin ang manipis na kurtina. Lumapit ako ng kaunti sa pinto.
"She made me proud." his voice is different. Hawak niya ang pusa habang hinihimas ito.
Huh? Did I hear it wrong? Nabibingi na ba ako?
Bipolar yata ang isang ito. Scratch that, may multiple personality pa yata! Is he really the person we are living with? Hindi naman siya ganyan eh.
"Sinong nandiyan?"
Oh no. Bumalik ako sa ginagawa ko. I keep humming para hindi halata.
Is he...?
BINABASA MO ANG
Children Of The Abyss
FantasyTales of Olympus Book 2: Mischief. Madness. Monsters. If there's a camp for Olympians, then there's one for the Underworld Deities... Where caste and ranks exists among their population. The institution for generation of underworldly demigods. The...