DESMOND
Fucking hangover!
Lalong sumakit ang ulo ko sa bangayan sa kusina. Nagaagawan si Lilith at Alistair sa cold compress. Nakangiti naman ng nakakaloko sila Milo at Ree.
Naningkit ang mga mata ko sa kanila habang nanonood ng TV.
"Wala kaming ginagawa." sabay nilang sagot.
Walang kaalam-alam ang dalawa na pinagtutulungan sila. They probably hid the other cold compress somewhere.
Minamasahe niya kasi ang ulo ni Ree habang nakadantay sa hita niya. Tinitiis ang sakit ng ulo sa kalokohang ginawa nila.
"Get it." inangat ni Alistair ang cold compress sa ibabaw ng ulo niya.
"I can't. Masyadong mataas!" maktol ni Lilith, "Ugh, my head aches. Give it to me."
"Sino ba nagsabing tunggain mo yung wine sa bote?" pagalit niyang tanong.
"Wala." matapang niyang sagot.
"Then, suffer." nilagay niya sa ulo niya ang compress.
Nagthumbs up ako sa mga nakaupo sa sofa. A development, I see. Dati ay nagbabangayan sila sa walang kwentang bagay ngayon ay hindi na.
Nagtimpla na lang ako ng kape bago magpahangin sa balcony. Nakita ko ang tatlong bote ng wine dito.
Flashback.
"Buksan mo na iyan!" excited si Ree.
Pinayagan na kasi siyang uminom ng wine ni Milo. Para kaming nagpyjama after party dahil nakapantulog na kaming lahat.
"Wait. Kapag nagkahangover ka hindi ko kasalanan ha." babala niya.
"Andiyan ka na naman eh. Bubuhatin mo ko papunta sa kwarto." Ree laughs.
"So naughty, Coriane." si Milo.
"Andiyan na pala kayo!" umupo na si Lilith sa bakal na upuan.
Nilabas namin ang extra cushion incase na sa sala na kami matutulog. Madami naman kaming unan kaya may pangharang sa pagitan namin.
We started drinking wine. Hindi kami masyadong nagpakalasing na mga lalaki dahil kila Lilith at Ree.
"Why sho handshome Milo?" Ree pinches his cheeks.
"Inborn na yan. Natural." he answered.
"Wag kang lalabas ng hindi ako kasama ha." she said.
Tahimik naman si Lilith habang nakatingin sa langit at nainom ng wine. Mabilis niyang pinunasan ang luha sa mata.
"Are you crying Lilith?" tanong ko.
"Hindi. Napuwing lang ako." singungaling.
"I told you I'd listen." Alistair stares at her.
"Not now. Let me fight my battles first." she answered.
Nanlaki ang mga mata namin noong kinuha niya ang bote ng wine at doon uminom. This girl really is something.
"Papa, I miss you." she mumbles.
Nagtinginan kami ni Milo. Nakangiti siyang tumingin sa dalawa. He is cradling Ree on his right arms, who keeps pinching his cheeks and whispering in his ears.
"Ree, you're drunk." sabi niya dito.
"Mom, lovesh you already." she giggles.
"I know. Gusto na nga niyang ipakasal tayo kay Hades." biro niya.
"Hindi kaya!" nagising siya bago tumutol.
On the other hand Alistair grabs the bottle on Lilith's hands.
"Alistair!" her cheeks are red already.
"You're tipsy." he crosses his hands on his chest. Like an angry father.
"Am not!" maktol niya.
"Then walk." hamon niya dito.
"Tss. Yun lang pala eh." mayabang na sagot ni Lilith.
Ininom ko ang alak sa basong hawak ko. This is entertaining to watch. Ree is sleeping, Milo looks at her admiringly, Lilith can't walk on a straight line! Alistair waits for her to get the bottle.
"See, now gimme the bottle."
Nagpapacute ito sa kanya. His ears are fucking red already. Bukas sara ang kamay ni Lilith para sa bote.
"Let's sleep." nilapag niya ang bote sa lamesa.
"Ree sleeps already." he carried her in bridal style.
"Desmond?" lingon nila sa akin.
"Ipapasok ko ang mga baso sa loob." sabi ko.
Pumapalag pa si Lilith sa buhat ni Alistair. Sinabihan siya nitong lalong mahihilo.
The cushion is useless afterall.
And so their ceasefire is over.
End of flashback.
"MAN DOWN! MAN DOWN!" sigaw ni Milo at Ree.
Napatayo ako sa upuan. At nagmamadaling pumasok sa loob. Baka kung ano na ang mangyari.
"Anong nangyari?!" kinakabahan ako.
Nakita ko si Alistair na nakahiga na sa sahig habang yakap ang sikmura. Hinablot naman ni Lilith ang nahulog na cold compress bago ipatong sa ulo niya. Naupo siya sa single seat sofa ng padarag.
"I told you to give it to me." humigop siya ng kape sa tasa.
"Damn you." Alistair groans.
Nakakatakot talaga ang katahimikan sa institute hindi mo alam ang susunod na mangyayari... tulad nito.
Masama ulit ang tinginang ginawad nila sa isa't-isa. They really are back to normal.
May tatlong katok sa pinto namin. Ako na ang nagbukas ng pinto. May nymph sa tapat ng pinto. Ang secretary ni Orphne.
"Pinapatawag po kayo sa principal's office." yumuko siya sa akin.
"Thank you." sinarado ko na ang pinto.
"Keepers," kuha ko sa attention nila, "Pinapatawag tayo principals office."
They all groaned in unison.
Pagkatapos mag-ayos ay pumunta na kami sa office. Kumatok muna ako ng tatlong beses bago kami pumasok.
"Come in." sabi ni Orphne sa loob.
"Good morning Miss." bati namin.
"Good morning keepers." she greets us too, "Have a seat." umupo kami sa mahabang sofa sa harap ng table niya.
"I want you to investigate something." direct to the point niyang simula, "Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. Medea escaped. You need to trace her whereabouts before Hades does."
Medea is a prisoner of Hades. Paano siya nakatakas? Does she have an accomplice?
"How? Bantay sarado siya sa palasyo ni Hades." si Milo.
"The watchers find it suspicious dahil walang masyadong activity sa kulungan niya." paliwanag niya, "The connection from the cell to the reading water is also blocked."
Reading water ang tawag sa tubig kung saan nagmomonitor ang mga watchers. Kung ang mga witches gaya ni Hecate, Circe or Medea ay crystal balls kaming mga demigods ay tubig. Galing ito sa river Styx at Oceanus.
"Kahit ang apo niya?" si Lilith.
"Sadly, they don't have a communication channel." nanghihinayang niyang sagot, "It was cut before her grandchild was born."
Another wild goose chase is up on our path.
"Prepare your things. You will leave first thing tomorrow morning. You are dismissed."
"Thank you Ma'am."

BINABASA MO ANG
Children Of The Abyss
FantasyTales of Olympus Book 2: Mischief. Madness. Monsters. If there's a camp for Olympians, then there's one for the Underworld Deities... Where caste and ranks exists among their population. The institution for generation of underworldly demigods. The...