13

148 6 0
                                        

MILO

Pagkatapos kumain sa isang fast food chain ay tumuloy na kami sa lokasyon ng unang halaman. Pahirapan pala ang paghahanap sa mga ito kasi hindi madalas makita ang iba.

Halos liblib na din ang lugar na ito. Malayo na kasi ang susunod na building.

"Archean's Ladies Flower Botique"  basa ni Ree sa signboard.

"Sikat daw ito eh." tinignan ko ang listahan, "Aconite, Daffodil, Hydrangea... baka ito lang ang makuha natin dito."

"Pwede naman tayong magtanong eh." Ree looks enthusiastic. Ngayon lang ulit siya nakarating sa mortal realms.

"Tao po..." tawag ni Desmond.

The shop looks new in this place. Maganda ang set-up. Masasabi kong pinaghandaan. It's just weird na sa ganitong lugar siya nagtayo ng business.

"Hello Ladies... and gentlemen." did she glared at us? Parang wala silang nakita or naghahallucinate na ako.

Nasa mid 30's na ang babaeng nagtitinda. Nagpaimplant pa yata sa pwetan ito. Masama ang masyadong madaming silicone sa katawan. But she is welcoming... sa girls. Kumikinang ang mga mata niya sa kanila.

Naturally, dahil nasa flower botique for girls.

"Excuse me po may ganito po ba kayong halaman?" tanong ni Lilith.

She is slowly showing her emotions to us. Pwera na lang kung nandiyan si Alistair bumabalik ang aura niya noong una naming pagkikita. The wild and feisty Lilith.

"Nasa likod kasi ang ibang halaman. Do you want to check it?" nakangiti siya.

"Kung... Okay lang po." si Ree.

"Here ladies. Hayaan niyo muna yung boys diyan." she grins at us.

Nawala na sila sa paningin namin. I decided na timeran ang pagpasok nila sa likod ng store. 30 minutes and they are not out, ay pupuntahan na namin sila.

"Nakita niyo ba yung tingin niya kanina?" tanong ko.

"Anong tingin?" Desmond responds.

"She glared at us. Ayaw niyang may lalaki sa flowershop." paliwanag ko.

"Buti nga may costumer pa siya eh." ginalaw ni Desmond ang calling card sa lamesa.

"30 minutes hindi pa sila nakakalabas pupuntahan natin sila." sabi ko.

"They can handle themselves." Alistairs argued.

Sinamaan namin siya ng tingin ng hindi niya nakikita. Is he listening to himself? Babae pa din sila. It is not all the time they can save themselves kahit may ability sila. He is hopeless!

4 minutes more...

Nag-ikot muna kami sa loob ng flower shop. It is smaller compared sa bayan. This one looks  like small branch. May bulaklak pa yata siyang tanim sa likod. Hindi niya dinidisplay lahat.

6 minutes passed ay wala pa din sila.

Hindi na kami mapakali ni Desmond habang walang paki ang isa namin kasama.

"Desmond tara na." aya ko sa kanya.

I don't care kung makakasuhan ako ng trespassing. Sabay-sabay kaming pumasok, sabay-sabay din kaming lalabas. Iniwan namin si Alistair. He looked at us boredly.

Hindi siya bagay dito. Para siyang damong ligaw sa Hesperides garden.

"Hey, ugly!" sigaw ni Ree.

"Are you Athena's daughter?" ang babaeng iyon!

Nasaan si Lilith. Hindi namin siya naririnig. We saw a pair of shoes lying on the ground. Nakahandusay ang katawan niya katabi ng mga basag na paso.

"Shit!" hinila ako ni Desmond pabalik.

"Shhh." suway niya sa akin.

Nakatingin si Ree sa amin. Saka mabilis na nilayo ang babae o kung ano man iyon sa amin.

Gumapang kami papunta sa pwesto ni Lilith. She is unconcious pero humihinga pa naman. Nakita namin ang ibang hinahanap namin. Ang kaso paano namin siya ilalabas at kukunin ang mga bulaklak.

Nanonood sa amin panigurado ang mga watchers sa institute.

"I'll control her. Ilabas mo siya. Ree will get the flowers." Desmond suggested.

"Paano ka?" tanong ko.

"Basta gawin mo ang sinabi ko." utos niya.

"Sumunod ka ha. Ipapakuha talaga kita kay Hades kung hindi." banta ko dito.

"Go!" tumayo sa malayo sa amin. He breathes para makapagfocus.

"Demigods!"

Walang lingon kong binuhat at tinakbo palabas si Lilith. Kinuha na din ni Ree ang mga bulaklak.

"Si Desmond?" nagaalala niayng tanong pagdating sa sasakyan.

May purpose din pala ang hindi pagsama ni Alistair. Siya ang magmamaneho ngayon. Lumipat ang tingin niya sa walang malay na si Lilith.

Sakto pagstart ng sasakyan ay ang paglabas ni Desmond sa flower shop. May maliit siyang sugat na gumaling agad.

"Ano iyong halimaw na iyon?" tanong ko.

Tahimik naman na nagmaneho si Alistair. Hindi nga lang maalis ang mata sa nakapikit na si Lilith.

"Wag mo ng alamin." sagot niya.

"Hindi mo gugustuhin malaman kung sino." Si Ree habang hawak ang mga halaman.

Nakarating kami sa isang apartment na nirentahan namin for a week. Dito muna kami hanggang sa makumpleto ang pinapagawa sa amin. Nilagay ni Ree ang mga bulaklak sa isang vase may mga ugat pa naman iyon kaya tatagal.

Hiniga din namin si Lilith sa mahabang sofa. Pwersahan din ang pagpapainom ng ambrosia tablet sa kanya. Sugat sa noo at kaunting gasgas more than that, ay wala na.

I cross out the plants that we have. Mahihirapan pa yata kami sa mga susunod.

Saan pa kaya may malaking gardening or flower shop dito?

Dinner na ng magising si Lilith kaya halos hindi din natulog. Simula pa lang ganito na ang inaabot namin. Paano kung tatagal.

We sleep with weapons by our side.

The next morning ay tumulak agad kami sa mga malalaking gardening shops. Nagbabakasakaling makahanap ng halaman.

Isa lang ang nakita namin sa tatlong shop.

We eat our early lunch. Saka tumulak ulit. We found another two pero wala din. We are looking for plants pero iba yata ang nahanap namin.

"Anong ginagawa niyo dito?" naghahanap na naman ng gulo ang isang ito.

"None of your business." sagot ng kausap.

"We are looking for plants not for weeds." pagpaparinig niya.

"Welcome to the garden, weeds." sagot nito sa kanya.

"Whoa. Enough!" suway ng kasama nilang babae.

They stopped pero nagsimula na naman ulit. Their banters never stops.

"Pasensya na ugali niya." yumuko si Ree.

Kami na ang nahihiya para sa kanya. What is wrong with him?  May gusto ba siyang iparating kaya niya ginagawa ito? Nadadamay kami kahit hindi naman dapat.

"Great." reklamo ng lalaking kasama nila.

Two cyclopes and, a group of demons are on site. They are attracted because of our scent.

"What do we do now?" tanong ng babae.

"We fight." sagot ni Desmond.

Children Of The AbyssTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon