REE
Naligo agad ako pagbalik sa dorm. I stink! Nasa labahan na tuloy ang isa kong uniform.
"Training ulit mamaya." Desmond reminded us.
We're eating our lunch. Siyempre siya ulit ang nagluto. He knows a lot of dish. Lahat iyon masarap!
Lilith's fork hang in midair, "Training? Di ba ginawa na natin kanina iyon."
"Morning exercises pa lang iyon." ani Desmond.
"Plus, we can't always rely on our abilities." paliwanag ni Milo.
"Tama! Pwede mo din gamitin si Viper sa laban." segunda ko.
"I know how to use a gun..." she blinks at us, "And swiss knife."
"We don't really use those kinds of weapon." Milo looks at her.
We are also trained for close combat. Sword, daggers, bow and arrows etc. For self-defense purposes. But I want to see her use a gun, ang exciting naman noon.
"Why?" tanong niya bago ngumuya.
"Titans and the likes don't take bullets." sagot niya, "Mostly weapons na gawa ng Gods and Goddesses ang paraan para mapatay sila."
"Oh, I see." tumango-tango siya.
Tahimik na kaming kumain pagkatapos sagutin amg tanong na iyon. Akala namin magiging maayos ang pagkain namin. Dito pa yata magsisimula ang training namin.
Nakakawala tuloy ng gana.Nahulog ang kutsara sa sahig na gumawa ng ingay sa kusina. The chair scratches the floor, too.
"Anong problema mo ha?!" sigaw niya.
Tinapunan ni Alistair ng kutsilyo si Lilith. She catches it between her fingers. May kaunti ding dugo sa pagitan ng mga daliri niya.
"Testing your reflexes." nagsukatan sila ng tingin.
"Now you see it. Happy?" padabog siyang umalis sa harap ng lamesa.
Muntik ng tamaan ang kaliwang mata ni Lilith. Kalahating pulagada na lang ang pagitan sa kutsilyo at mata niya. Mabilis niyang nakuha ito sa pagitan ng hintuturo at gitnang daliri niya.
"Really Alistair?" nayayamot na tugon ni Milo.
"What?" he kept eating kahit kami ay hindi.
Naumpog ba siya ng pinanganak kaya ganyan ang ugali niya? Baka naalog ang ulo ng isang ito noong baby pa siya. Kasama ko na siya sa bahay na ito for a long time. He is silent like a cat not like this.
"Pupuntahan ko na lang sa kwarto." Desmond finishes his food, "Milo pakitulungan mag-ayos si Ree."
"Walang problema." sagot niya.
"Ako na maghuhugas—" sabi ko.
"No. Fix the table. Ako na ang maghuhugas." kontra niya.
Napanguso ako sa sinabi nila. Geez. I can wash the plates. Ayaw siguro nilang may mabasag ulit, minsan lang naman iyon, eh.
Tinabi ko ang ulam sa ref. Hindi namin naubos dahil nawalan ako ng gana noong nagwalk-out si Lilith.
Milo looks so serious washing the dishes. He looks like a husband that takes care of his wife. Coriane mapapatay ka ni Macaria! Stop that. Tinampal-tampal ko ang noo ko.
Natatawa siya sa reaction ko. I didn't see that coming. Mabilis akong bumalik sa kwarto at nagbihis ng damit. Pwede naman nakasports attire sa training kaya iyon na lang ang isusuot ko. Tinali ko din ang buhok ko.
Wala akong gusto kay Milo. But who would not like them. Gentleman si Milo, magaling magluto si Desmond. Pareho pang maalaga. Isa lang yata ang inaayawan nila, si Alistair. Si Kiera lang yata ang nakakatiisa sa ugali niya.
Lumabas si Desmonds kwarto ni Lilith, "Anong sabi niya?"
"Baka patayin niya si Alistair sa training." napabuntong hininga siya.
"Poor Lilith." malungkot kong sagot.
"Hayaan mo na. Nagpapalamig na siya ng ulo." he ruffles my hair, smiling at me.
Tinignan ko ang damit na suot ko sa full body mirror sa kwarto. Over all it is comfortable. Pinatungan ko ng medyo maluwag na damit ang sports bra na suot ko. Pinartneran ko ng knee length na leggings at running shoes.
"Perfect." sabi ko sa harap ng salamin.
I grab the scythe beside my bed bago lumabas.
Paglabas ko ng pinto ay muntik na akong mabuwal. Hindi ko nakilala si Llilith sa ayos niya. She wears a black racer back shirt over her sports bra. Nakaleggings ito above the knee at running shoes. Nakabraid din ang buhok niya.
Hindi halatang nagsasanay siya noon dahil sa puti niya. Her milky white skin looked paler because of her clothes and shiny black hair. Effortless ang ganda kahit walang make-up!
She blinks at me.
"Tara na! Naghihintay na ang instructor natin." hila ko sa kanya.
Halos matulala ang dalawa sa nakita. They blink twice habang nakipagtitigan si Lilith. Then there's Alistair na nakatingin sa kanya. Walang mabasa sa mukha niya. His eyes grew a fraction bago bumalik sa dati.
"Tara na. Baka doblehin ang demons na ibigay sa atin."
Bumalik sila sa wisyo dahil doon. Students look at us. Iba kasi ang subjects nila kaysa sa amin. Elites and watchers focus on the subjects they are required. Habang kami ay sakop lahat ng subject.
Bumalik kami sa kwarto kung saan namin pinatay ang mga preso. Malinis na din ito. Hades placed some souls para maglinis ng academy except our rooms. May enchanment ito galing kay Hecate, for privacy purposes. Isa din sa rules ng institute ng room inspection every two weeks.
"Good afternoon students." bati ng isang lalaki.
Si Sir. Dennis. Isang demigod. Siya ang nagtuturo ng combat skills sa mga estudyanteng nandito. He looks young for an instructor. May itsura, kaya ang ibang demigods, lalo na ang mga babae ay binabagsak ang subject niya.
"Good afternoon, Sir." sabay-sabay namin bati.
"I will test your close combat skills. No ability, just you and the weapon of your choice." sabi niya sa amin.
Pinapili niya sila ng mga sandata. I don't, dahil scythe ang gagamitin ko.
Nakapili na sila ng gamit nila. Desmond holds a short single-edged sword. Milo and Alistair has the long double-edged. sword. Lilith has twin daggers on her hand.
"I will be considerate sa first batch dahil may bago kayong kasama. The second one, hindi na."
Umingay ang cage na nandito. Lower class demons pero doble ang dami. The second one are daemons and monsters from tartarus.
"Ready Demigods?" tanong niya.
"Yes, sir!" sabay-sabay namin sagot.
BINABASA MO ANG
Children Of The Abyss
FantasyTales of Olympus Book 2: Mischief. Madness. Monsters. If there's a camp for Olympians, then there's one for the Underworld Deities... Where caste and ranks exists among their population. The institution for generation of underworldly demigods. The...