DESMOND
Nakahanay kami sa entrada ng hallway ng institute. Hindi naman talaga required but we insist dahil importante ang bisita. Minsan lang bumisita si Hades at ang anak niya na ngayon lang bibisita.
Sa aura pa lang ng nasa pinto ay kilala na namin ito. Nakaformal attire ito dala ang staff niya habang ang kasama niya ay nakashort sleeves lace top na puti na pinatungan ng spaghetti strap dress hanggang tuhod. Itim na ankle boots din ang sapatos niya. Naka black choker at gold necklace ito. She looks so casual opposite to her father.
Natutunan ko kay Ree ang lahat ng iyan.
"All hail King of the Underworld! Princess of the Underworld!" bati namin bago yumuko.
"Raise your heads." sabi ni Hades.
Collette Blackburn looks stern and regal. Simpleng ayos at damit ay nadadala niya. Walang-wala sa aso este admirer ni Alistair na puro make-up ang ganda.
"Where's Persephone?" tanong ng Principal.
Magkumare yata sila kaya ganun na lang ang tanong niya kay Hades. Informal yet respectful.
"She is with Demeter. Hinatid namin bago tumungo dito." sagot niya.
I sense a strong power within her. Aura pa lang niya iyon wala pang pinapakitang kapangyarihan. The danger is within her.
"Hi Colette, right?" si Kiera nakalahad ang kamay niya.
"Ako nga." her voice gives us shivers.
"Epal na naman ang isang ito." bulong ni Ree.
Galit siya kay Kiera. She hated her. Minsan na itong pumasok ng walang paalam sa dorm, looking for Alistair.
Noong makita si Ree ay muntik ng kalmutin na napigilan namin ni Milo.
After that naging feeling close ito kapag andiyan si Alistair kapag wala ay hindi kami kinikibo."I'm—" hindi siya pinatapos ni Colette.
"Kiera Adelaide Salumbides, daugter of Daeira." she recited her name, "Elite." pati ang position niya.
Natahimik kami. Pati pala ang ama niya ay nanonood sa kanila. He commends her for knowing her 'subjects'.
Tumuloy na sila sa paglalakad. Nauuna ang Principal sa kanila. Sinasabi niya ang ammenities ng institute kay Cole. Tamemeng nagpupuyos sa inis si Kiera.
"The dog did not bark... again." Lilith looks bored.
"Walang aso dito." sabi ni Alistair.
"Meron lagi ngang nakatingin sayo." umayos siya ng tayo.
"Cats don't bark." he said.
Akala niya si Quinzel ang pinaguusapan nila. How oblivious Alistair. Nagpipigil kami ng tawa dahil sa kanila lalo na't nasa harap pa namin si Hades.
We have an early lunch with them sa ceremonial hall. Everything looks formal. Gold and black tablecloth covered the tables, pati ang pagkain by course kung iserve. Halatang pinaghandaan.
Nakaupo naman sa presidential table ang mga guro at ilang staff kasama si Hades at Colette.
"Ang ganda niya, bakit ganun?" maktol ni Ree.
"Maganda ka din naman eh." alo ni Lilith.
"Tama." sabi ni Milo.
"Wag ka ng sumimangot papangit ka niyan." I jested.
Tahimik naman kumakain si Alistair. Hindi namin alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya. 'Wag sana niyang sirain ang araw na ito.
Tapos na palang i-tour ng principal ang anak ni Hades. She showed our dorms. Buti na lang ay naglinis kami kanina. Muntik na daw na hindi umalis sa dorm namin dahil kay Quinzel.
"What do you think?" tanong ni Hades sa kanya.
"I'll think about it." sagot niya sa matigas na ingles.
"I'll give you time, then." he said.
Nagusap-usap muna sila. It looks serious. Kanina, she is an easy-going-regal demigod ngayon ay naiba.
"Why not, Dad. " sagot nito, "I have extra clothes."
Extra clothes? For what?
Inanyayahan kaming lahat sa training hall. May bleachers naman dito kaya may mauupuan. Nasa harap ang mga teacher at staffs.
Lumabas si Colette na nakajeans at t-shirt saka sneakers.
"Miss Blackburn wants to test your skills. As an elite and a keeper." Orphne announced, "One representative from Elite, and three for Keepers."
Nagbulungan ang mga estudyante sa loob ng hall. Ang iba ay nagtuturuan, some are expectators of what will happen kasama na ang mga teacher dito.
Expected naman na kung sino ang lalaban para sa Elite. Since siya ang tumatayong leader sa kanila, she volunteered.
Kiera's ability is not much at large. Alam niya lang ang gagawin ng kalaban niya, isa din ito kaya nasa elite siya. She successfully lead many missions before.
"She wants to die." humalukipkip si Ree
"I bet she does." segunda ni Milo.
"That dog deserves a loyalty award." Lilith insults her.
"Are you jealous Lilith?" tanong ni Alistair
"Ayaw kong maging aso mo." binaling niya ang mga mata sa unahan.
Kanina pala sila nagsimula. Both are using swords. Bronze clash against black steel. Mas madaming sugat si Kiera. While Colette is not laid back dahil nalalaman niya ang ability niya.
Then she used her ability. Wala naman nagsabi na bawal gumamit ng ability. She's at a disadvantage. She created a dark dome.
She knows her attacks but can she move in the dark? Narinig namin ang daing niya ng napaupo sa sahig. Nakatutok na ang espada sa leeg niya pagkatapos.
"Improve your skills. You don't know what hides in the darkness." tinayo niya ito sa pagkakaupo.
"Next, keepers." nagkatinginan muna kaming lahat.
Nagiisip kami kung sino-sino ang lalaban. Nakatingin na din sa amin ang mga teacher. Hindi naman siguro sila nadisappoint sa pagkatalo ni Kiera di ba?
Tatlo kaming lalaban nila Ree, Milo at ako. Ayaw naman ni Lilith, Alistair looks bored to death.
"You can do it." Lilith cheered bago kami bumaba.
Pagkababa namin ay nagsitanguan kami. We position ourselves into a triangle habang nasa gitna siya. She recovered her strength at gumaling na din ang mga sugat niya.
I heard that Hades personally teach her how to control her abilities. But the fighting skills is learned on their camp.
Bakit nga ba kami nahiwalay. Hades wanted it that way. Hindi naman sa ayaw niya makisama kami sa ibang demigods but it is better that children from Chthonic dieties learn in their own way.
Find your own way in the dark.
"Hi, my niece." she greeted Ree.
"Are you ready keepers?"

BINABASA MO ANG
Children Of The Abyss
FantasyTales of Olympus Book 2: Mischief. Madness. Monsters. If there's a camp for Olympians, then there's one for the Underworld Deities... Where caste and ranks exists among their population. The institution for generation of underworldly demigods. The...