51

91 2 0
                                        

RHENAE

Naramdaman ko ang pagbuhos ng tubig sa mukha ko. Muntik na akong malunod kung hindi ako nakabangon agad.

"Bumangon ka na Rhenae! Mamalengke ka pa!"

Aga-aga dinaig pa ng mic ang bibig ng bruhang ito. Bakit hindi siya ang mamalengke. Nakaupo lang naman sila ng anak niya sa harap ng tv.

"Opo, pababa na." hinanap ko ang tsinelas ko bago tumungo sa salamin.

Suklay, hilamos at toothbrush lang okay na. Nagpalit din ako ng maayos na damit Maganda pa din ako kaysa sa trying hard niyang anak.

Ganito ang gaawain ko araw-araw. Mamalengke sa umaga, tatao sa karinderya pagkatapos hanggang sa maubos ang ulam na paninda. I have step sister and a step mother.

Is this a Cinderella story? Nope.
Dahil simula pa lang ay ganito na ang buhay namin.

Maingay ang palengke dahil Sabado, kadalasang araw ng pamimili ng mga tao. Naamoy ko na ang isda at baboy sa unang pwesto.

"Yna!" si Aling Glory, "Nakahanda na ang kukunin mo."

"Salamat po." inabot ko ang bayad bago ilagay ang baboy at manok sa bayong na dala ko.

Pumili din ako ng mga gulay at ilang rekado para sa lulutuing ulam. Tinuruan naman akong magluto ni Papa bago siya mawala.

Kinuha ko ang sukli sa huling tindera, "Salamat po."

Pinunasan ko ang namumuong pawis sa noo ko. Masyadong mainit ngayon. Dapat pala nagdala ako ng payong. Kaya ko naman dalhin ito pauwi.

"Yna, sakay ka na!" nakita ko ang tricyle na papalapit sa akin.

"Ate Yna. Sabay ka na sa amin."

"Nakakahiya, madami na akong utang sa inyo, Joey." sabi ko sa kanya.

Nakasilip si Ami sa akin, "Wala iyon. Magkaibigan naman tayo."

"Baka makita ka na naman ni Charm, Sige ka hindi ka makakaalis agad." sabi ko sa kanya.

"Ako na bahala sa kanya." ngumiti ito sa akin.

Ngumisi si Ami, "Yie, ihahatid niya ulit si Ate Yna."

Magkatabi kami ni Ami sa loob ng tricycle. Halos ihatid niya ako araw-araw sa bahay para daw makatipid ako sa pamasahe.

Bumaba ako sa tricycle, "Salamat, Joey. Babawi ako sa susunod!"

"Walang anuman. Alis na kami." kinawayan ko si Ami na nakadungaw sa likod ng tricycle.

Pagpasok ko sa loob ay palo ng sandok ang inabot ko. Ano na naman ang ginawa ko?!

"Nakikipaglandian ka pa sa labas!" si Auntie.

Hinimas ko ang parteng pinalo niya, "Hindi po. Nagpasalamat lang ako."

"Nagpasalamat daw eh, hulaan ko binayaran ka niya no?" charm checks her nails bago i-flip ang dry na buhok.

Inggit ka lang eh. Palibhasa hindi ka kinakausap ni Joey.

"Eto na po yung pinapabili niyo ay kumpletong sukli." pinatong ko sa lamesa ang bayong at barya saka pumunta sa kwarto.

Nagpahinga ako ng kaunti bago tumulak sa karinderya.

"Ayan na pala si Yna eh." si Mang Hener. Ang suki namin na jeepney driver.

Sinuot ko ang apron at inayos ang buhok ko, "Ano ho ba ang atin?"

"Isa nitong paksiw na bangus at dalawang mechado." turo niya sa ulam. "Iyo na ang sukli, Yna."

"Nako, wag na po." I decline, "Mas kailangan niya yan. Panglambing kay Misis." biro ko.

"Ikaw talagang bata ka." nagpaalam na siya sa akin.

Tinitigan ako ni Manang Ester, "Yna. Ano iyang pasa sa braso mo?"

"Nabangga lang po." palusot ko.

"Pinagtatakpan mo na naman ang madrasta mo?" nagtaas ang kilay niya sa akin.

Niyakap ko siya, "Kayo talaga Manang Ester."

Pangatlong nanay ko na si Aling Ester. Lagi niya akong kinukuha kila Auntie kapag inaabuso nila ako. Noong naglayas ako ay kinupkop niya ako.

"Aampunin na lang kita. Mag-isa lang ako sa bahay." may awa sa mga mata niya, "Para hindi ka pumapasok ng may pasa."

"Nangako po ako kay Papa." alo ko sa kanya.

I promised him to take care of them. Wag ko lang silang makakasagutan ay ayos na sa akin. It's my contribution dahil hindi ko nakilala si Mama. He got married again when I was 14. Charm was 12 that time.

Until last year, pumanaw si Papa.

"Swerte ang lalaking mapapangasawa mo." she grins at me.

I feel sad noong sinabi niya ang pag-aasawa, "Wala pa po sa isip ko iyan."

"Maalagain, magalang, matulungin, matalino," puri niya sa akin, "maganda pa!"

"Tutulungan ko muna sila." sabi ko sa kanya.

"Paano ka? Ang pag-aaral mo?" she is so concerned with me.

Honestly, hindi ko na naiisip ng sarili sa mga ginagawa ko. I feel satisfied helping Auntie and Charm. Hindi nga lang nila nakikita iyon.

Kung anong kinatalino ko ay ganoon naman kahina si Charm. Totoo naman. Tumagal siya sa highschool ng 5 years. At hindi na pumasok pa.

Pwede akong kumuha ng ALS pero hindi ko ginawa. Pagtatrabaho muna ang iisipin ko.

"Ayan na yung mayaman mong manliligaw." bulong niya sa akin.

"Manang naman!" pabiro ko siyang pinalo.

"Hi, Yna." Cedric Gonzales courts me for 3 months. Nakilala ko siya noon sa mall habang nagiikot, then we exchanged numbers.

"Ced!" inabot niya sa akin ang isang buoquet ng bulaklak at chocolates.
"Ano palang ginagawa mo dito?"

"Napadaan ako. Kaya binisita na kita." he smiles at me.

Galing sa isang Filipino-Japanese family si Cedric. Kaya maputi, singkit at matangkad. Kaakit-akit ang kulay tsokolateng mata niya at mapulang labi.

Kinurot ni Manang ang bewang ko, "Swerte nga."

Magpapaalam pa lang ay pinutol na ni Manang ang sasabihin, "Pwede po ba—"

"Kidnapin mo na hijo. Hindi nakakaalis ang batang iyan." ssabi niya.

"Paano si Auntie manang?"

"Alis na." hinubad niya ang apron na suot ko, "Ako na bahala sa kanya. Enjoy!"

Para niya akong binugaw sa ginawa niya. Nakakahiya pati ang suot kong damit. Nakat-shirt at jeans lang ako saka sandals.

Habang kumakain ay kami ay nakatitig lang ako sa kanya. Nagkukwento siya pero hindi iniintindi. Ngayon lang nangyari ito.

My gut tells me that this is wrong.

Saan banda mali? Wala naman akong boyfriend.

"Yna okay ka lang?" hinawakan niya ang kamay ko.

"Oo naman. CR lang ako." tumayo ako at nagbanyo.

Nagahilamos ako bago. Tumingin sa salamin. I grip the edge of the sink.
Something tells me to stop him.

Children Of The AbyssTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon